Part 44 - Family comes first

792 18 6
                                    

Sorry naman at medyo busy lang mga kapatid! hahah sana wag kayong magalit sakin dahil sa mga sunod sunod na mga masasakit na eksena.. kasama po yan sa buhay ehehe char!! Maraming salamat sa pagsuporta mga kapatid!!


Bumalik na nang Han ang pamilya Park dahil na rin sa kagustuhan ni Dara na mas bumuti ang pakiramdam nang kanyang byenan.

Hindi mapatid ang pag ngiti ng magulang ni Jiyong nang makita ang pamilya ni Dara na may mga bitbit pang bulaklak at prutas. Masayang nagyakapan ang mag babalae habang nag aalangan namang kuni ni Dami si Jian dahil alam niyang galit parin si Dara.

''I know you miss him'' sabi ni Dara sabay abot kay Jian kaya halos maluha luha si Dami na niyakap ang pamangkin na lalong nagiging kamukha nang mag asawa.

''I miss you baby'' at nilapit niya ito sa lola niya.

''Aigooo Jiji'' ito lang ang bukod tanging nasabi ng ina ni Jiyong at tuloy tuloy ang pagluha kaya napaluha na din ang ina ni Dara dahil kitang kita nila ang pagmamahal sa bata.

Halos isang oras silang nagkwentuhan nang kung anu anu pero nagbago ang timpla ni Dara nang magtanung ang ama ni Jiyong tungkol sakanila.

''Anak, kelan kayo babalik sa bahay niyo?''

''Nakauwi na po kami'' kunwaring sagot nito.

''Sa bahay niyo.. sa Seuol Garden'' mahinang sagot naman ng ina ni Dara habang naglalaro ang apo sa tabi nito.

''Ah eomoni.. aboeji.. ayoko po munang pag usapan.. okay na siguro na nakikita niyo naman si Jian.. saka na yung samin'' pinilit ngumiti ni Dara para itago ang sakit na nararamdaman.

''Sorry anak'' sabay na sabi ng magulang ni Jiyong.

''Ne mianhe.. ako tinulungan ko lang siyang matapos ang problema pero alam mong mahal na mahal kita'' emosyonal sa pag amin ni Dami.

''Ani.. okay na.. tapos na yun.. wala naman kayong kasalanan''

''Dara, alam naming ilang beses ka nang nasaktan.. actually nagpapasalamat kami sainyo dahil as pagmamahal at pag iintindi niyo sa anak namin..''

''Balae, anak na din namin si Jiyong kaya nasasaktan din kami sa mga nangyare'' sagot ng ina ni Dara

''Nagalit kami noong una pero kung iisipin natin.. at sinabi ko na to kay Dara, nangyare yun bago pa man sila ikasal at dumating si Jian.. alam kong mahal na mahal ni Jiyong ang kanyang mag ina pero hndi ko pinapangunahan ang desisyon ng anak ko dahil hindi namin alam kung anu ang nangyayare sakanilang tahanan.. kami, laging lang nakasuporta sa kanilang ikabubuti lalo na nang apo nati'' seryosong sagot ng ama ni Dara.

Ilalabas na kasi ang byenan nito after 3 days na nagpahinga sa hospital kaya nagdesisyon si Dara na ipakita na ang apo nila. Nang makarating na sila sa Han Riverdale ay hindi muna umuwi ang magulang ni Dara kundi sumama muna sila sa pamilya nina Jiyong dahil plano nilang makasama sila buong araw.

Nagulat ang lahat nang pagpasok nila ay may nakaready nang pagkain sa lamesa at may welcome banner pa saying.

''Welcome back Omma''

Natouch ang lahat nang makitang naka ngiti at nakasuot ng apron si Jiyong at sa hula nila ay siya ang naghanda ng lahat ng pagkain pati ang decorations nito.

Hindi naman maipaliwanag ni Jiyong ang tuwa sa mukha nang makita ang anak na tila bagong gising lang dahil papungas pungas pa, walang atubili itong tumakbo palapit sa anak ng bahagya siyang itulak ni Dara.

''Uhmm apron please''

''Oh! Mian!'' at agad agad na inalis ni Jiyong ang apron at inabot ang alcohol na hawak ni Dara bago binuhat ang anak na matagal ng hindi nakita.

Naupo naman ang kani kanilang magulang sa hapagkainan at ganun na din ang ginawa ni Dara na naupo sa tabi nito si Jiyong.

''Aigo!!! Ambigat bigat mo na anak ah'' masayang sabi nito na tila walang nangyareng masama.

''Kain na'' nakangiti namang pag aaya ni Dami

Tahimik lang na kumakain si Dara dahil abala ang kanilang magulang sa kwentuhan nang kung anu anu lang sa buhay nang sulyapan siya nang anak na nasa tabi ni Jiyong.

''Yes baby?'' nakangiting kaway niya sa bata nang biglang buhatin ni Jiyong si Jian at pinaupo sa gitna nilang mag asawa.

''Ohh tabi mo na si mommy at daddy.. kain na anak'' masayang sinusubuan ni Jiyong ang bata.

Nang matapos silang kumain ay naupo silang lahat sa sala habang sina Dara at Dami naman ang nagliligpit sa kanilang pinagkainan.

Rinig na rinig nilang dalawa ang masayang tawanan nang kanilang mga magulang habang umaalingaw ngaw naman ang hagikhikan nang mag ama.

''Nakakatuwa si Jiji no, andami nang alam'' masayang sabi ni Dami habang nagpupunas ng mga baso.

''Ne unnie, magaling na rin siya kumain.. tska mabait na bata'' nakangiting sagot nito

''Dara ah''

''Ne?''

''Sorry''

''Saan?''

''Kung tinago''

''Unnie.. wala kayong kasalanan at andito ako para sa anak ko.. ayokong ipagkait sa anak ko ang pagkakataon na makasama niya ang kanyang mga lolo at lola.. lalo na ang kanyang ama.. yes galit ako pero ayaw kong idamay ang buhay nang anak ko'' seryosong sagot nito na naintindihan naman ni Dami.

''Okay I understand.. thank you'' nakangiting yakap niya sa hipag.

Nang matapos silang maghugas ay nakisama na din sila sa katuwaan, naupo si Dami sa tabi ng asawa at sa tapat naman ng kanyang mag ama si Dara.

''Hayaan mo siya, kaya niya na tumayo'' utos ni Dara nang biglang matumba ang anak.

''Jinja?!'' amazed na tanung ni Jiyong nang biglang ilabas ni Dara ang telepono nito at pinakita ang unang pagkakataon na tumayo si Jian habang nag lalaro sa sofa.

''Omooo!!! Ang galing galing naman ng baby na yan'' masayang bati nang magulang ni Jiyong.

''Okay, anak.. come to daddy'' utos ni Jiyong at bahagyang lumayo sa anak na nakatayo at nakahawak sa legs ni Dara.

''Oh jiji, go to daddy.. come on.. walk baby'' nakangiti namang utos nito at nagsimula namang I video ni Dami ang kanilang mga ginagawa.

Una ay pangiti ngiti lang si Jiji na nakikipaglaro sakanila kaya walang humpay ang kanilang tawanan pero nagulat sila nang biglang humakbang si Jiji kaya nagsigawan sila na naging dahilan nang pagkatumba ni Jiji at biglang umiyak.

''Lagooot!'' sigaw naman ng ama ni Jiyong kaya lalo silang natawa, agad namang niyakap ni Jiyong ang anak para patahanin.

''Sorry baby, natuwa lang kami nina lolo'' tumatawang yakap nito sa anak na nagulat.

''Here let him drink'' abot naman ni Dara kay Jiyong ang kanyang bottled water.

Walang humpay ang kasiyahan sa bahay ng pamilya Kwon kasama ang pamilya ni Dara dahil na rin sa presensya ni Jian.

Hapon na nang magpaalam sina Dara nang bigla siyang lapitan ni Jiyong bago sumakay sa sasakyan.

''Dara''

''Ne?'' normal na sagot ni Dara

''Gomawo'' nakangiting sabi ni Jiyong sa asawa.

''You know me.. family comes first so there's no reason to thank me'' sagot nito sabay sakay sa sasakyan.

Napangiti na lang ng mapait si Jiyong habang tanaw tanaw ang sasakyan ng kanyang asawang paalis sa kanilang bakuran.

''Haaayyy Jiyong... back to zero ka na naman.. pasalamat ka at may anak na kayo kaya ka kinakausap ng misis mo' bulong nito sa sarili bago umakyat sakanilang bahay.

Nakatingin naman sa side mirror nito si Dara at kitang kita nito ang asawang nakatingin lang sakanila.

''Anak.. kausapin mo na si Jiyong.. he look depressed'' mahinang tapik nang ama nito pero tahimik lang itong nagmaneho.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now