Part 77 - I am a goodboy!

677 12 4
                                    

Eto na mga kaYGfambam! Nakita niyo ba nag update si Mang Dragon! hahah kalurky! pero pasensya na at medyo may sakit pa si inday kaya hindi makapag update!! Pag naka pag update na naman ako  ulit pramis baka 2 episodes agad! Miss u guysss!!! Pagsalitain na ba natin ang mga junakis ng 2neBang?! sino excited!!!?


Sa tulong nang kanilang trainer na si Hwangbu ay nagsimula na ulit mabawasan nang timbang si Chaerin.

Nang araw na yun ay sinurprise ni Mino ang nobya dahil hindi nito alam na nakauwi na siya ng Korea kaya agad itong dumirecho sa gym at naabutan nga ang nobya doon.

''One more!'' sigaw ni Hwangsu.

''Ne!" malakas ding sagot nito at akmang dadapa na nang masulyapan si Mino na nakangiti sa may pintuan.

''Love!!!!!!'' masayang takbo nito, nagbow naman si Mino sa trainer nila.

''Wow anlaki ng pinayat mo ah!''

''Syempre!'' pagyayabang ni Chaerin nang biglang mag ring ang telepono nito kaya saglit nitong binitawan ang nobya.

''Appa'' turo nito sa screen, tinatawagan kasi siya ni YG.

''Ne appa? ne.. arosso.. ne'' sagot niya.

''Bakit daw?''

''Dinner meeting daw eh.. aisht! pagod pa ako eh'' maktol nito sabay yakap sa dalaga nang halikan siya nito sa noo.

''Go, I'll see you in your apartment'' taboy nito kaya wala nang nagawa si Mino kundi pumunta sa lugar ng kanilang meeting place.

''Kelan pa naging interested si Appa sa night out?'' natatawang tanung nito sa sarili habang binabaybay ang club street sa Gangnam, well madalas naman sila doon gumimik.

Pagkapark nito ay agad siyang sinalubong ng attendant at kaibigan  nilang si Hamyo.

''Good evening sir Mino!'' magiliw na bati nito at tinapik naman ito ng binata.

''Wazzup man!'' 

''Ok naman sir! Congrats pala ah!'' bati nito pero lumaki ang mata dahil medyo nadulas buti na lang at hindi nakahalata si Mino hanggang sa makarating sila sa second floor kung saan ay may jacuzzi at napapalibutan nang mga alak. 

''Did you renovate the place''? tanung nito dahil mas lalong gumanda, isa itong 1st class restobar.

''Ah oo sir! halos dumarami na kasi ang mga VVIP guests kaya mas pinaganda at pinahigpit.. Enjoy sir Mino!'' masayang paalam nito nang awatin niya ang binata.

''E.. enjoy? ya! Myo jangkaman!! Sa roofdeck yata kami hindi rito.. ''iwas nito dahil nakita niyang dumilim ang paligid at nagkaroon ng ilaw ang kumukulong jacuzzi.

''Sir Mino talaga, relax.. dito talaga ang meeting niyo kasi may private event din kami sa deck.. sige na sir, balikan ko kayo mamaya'' nakangiting paalam ng lalaki at iniwanan na siya, he even heard the door locked.

Sinubukan niyang tawagan si YG pero nagulat ito nang biglang may lumabas na babae mula sa gilid at nakasuot lang nang bathing suit.

''Miss jangkaman.. hindi yata ako yung inaantay mo'' kabadong utos nito sa babae at dahan dahang lumalapit sa pintuan pero naka locked na talaga, mas lalo itong kinabahan nang biglang naglakad ang magandang babae habang tumutugtog ang kanta nitong FIANCE.

''Jinja! Miss.. please lang wag kang lalapit''  kinakabahan nitong pakiusap pero mas lalo siyang naligo sa pawis nang makitang tumatawag si Chaerin.

''My love'' is calling..

Hindi niya alam kung anu sasabihin nito dahil anlakas nang sounds at papalapit na yung babae pero alam niyang mas malilintikan siya pag hindi niya sinagot.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now