Part 29 - ''We're done so let it be done''- KJ

622 8 14
                                    

Dahil may access si Dara sa bahay nina Jiyong ay dire direcho na itong pumasok nang marinig niyang nag uusap ang kanyang mga biyenan.

''Magpalit na nga kasi tayo ng telephone number'' sabi ng ina ni Jiyong.

''Kay Jiyong nakapangalan kaya siya ang dapat magpalit'' sagot naman ng ama nito.

''Pati  sa Dolce Vita, abah! hanggang ngayon nasa bodega pa lahat ng gamit ni Kiko, hindi ba nahihiya yung batang yun at di pa kunin''

''Yebo, hindi naman natin gamit yun, hayaan mo at kakausapin ko si Jiyong''

''Pag yan nalaman ni Dara naku! at di ko makikita ang apo natin itatakwil ko talaga siya''

Narinig naman nitong tumawa ang kanyang byenan na lalaki.

''Yebo, hindi yan gagawin ni Dara isa pa mag asawa na sila, legal na mag asawa kaya hindi na maghihiwalay yan. Alam ko naman na kahit noon pa ayaw mo na kay Kiko eh wala tayong magagawa dahil may nakaraan sila ng mabait mong anak''

''Ah basta! ayoko ng marinig o malaman na may mga problema na naman sila dahil sa babae, pag nilayo ni Dara si Jiji baka yan pa ikamatay ko'' malditang sagot nito.

''Don't say that Yebo, mahal na mahal tayo ni Dara''

Dahil sa narinig ay unti unti nitong binitbit palabas ang gamit nang kanyang anak, tila nagbalik kasi ang nakaraan nila ni Kiko nang marinig nitong may mga gamit pala ito sa Dolce Vita.

Mabuti na lang at tulog si Jian kaya hindi ito nahirapan sa pagmamaneho hanggang sa YG building.

''Jangmae oppa, sunduin mo kami sa baba'' nang marinig ni Jjangmae ang sabi ni Dara ay iniwan nito sa cafeteria ang BlackPink at patakbong nagpunta sa parking lot.

''Omo! Sabi ko kasi sa'yo ako na ang magbabantay sayo''

''Oppa, kelangan ka din dito''

''Pero mas kelangan niyo ako ni Jian'' nagsibalikan kasi ang mga managers nila nang maging board members ang Bigbang, si Han kina Seungri at Bea, Choi kina Top at Bom, Jitak kina Daesung at Minzy samantalang hindi naman umalis si Kim kina YB at Hyorin.

''Arosso.. sasabihin ko kay Appa'' sagot ni Dara habang yakap yakap ang anak na balot na balot.

Habang nasa meeting ay nasa studio naman sina Jian at Jjangmae nang biglang dumating si Hayi.

''Ommo! Jiji!'' masayang tawag nito sa batang kanina pa iyak nang iyak.

''Ayaw tumahan'' aburidong sabi ni Jjangmae kaya agad itong binuhat ni Hayi at sinayaw sayaw.

''Aigoo, oppa baka gutom.. check mo kung may formula siya jan'' taranta namang naghanap si Jjangmae pero hindi ap timplado kaya tinuruan ito ni Hayi.

Hindi naman maalis sa isipan ni Dara ang mga narinig nito mula sa bahay nang kanyang mga biyenan.

''Dara noona? Are you with us?'' biglang tanung ni Daesung

''Mwo?''

''We were talking about AKMU since papasok na sa military si SuHYi maiiwan na si Suhyun mag isa.. why not let's have collaboration between SuHyun, Hayi and Bobby and Jinhwan or BlackPink'' paliwanag naman ni Seungri.

''Ah oo naman, yeah sure'' wala sa sariling sagot ni Dara.

''Noona, may problema ba kayo?'' nag aalala namang tanung ni Seungri

''Ah wala, kasama ko kasi si Jian kaya d ako mapakali baka umiiyak na''

''Mwo?! Bakit di mo sinabi agad, eh bakit d mo iniwan sa bahay'' taranta namang sagot ni Daesung.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now