Part 43 - Jiyong misses his son

799 14 22
                                    

''Omma!!!!'' sigaw ni Dami nang makitang natumba ang ina, mabuti na lang at hindi ito nabagok.

''Yebo!!!"' sigaw din ng ama nito at agad nilang nilapitan.

''Babe! Please call ambulance!!'' sigaw ni Dami sa asawa dahil kinasal na sila bago pa nagkaproblema sina Dara at Jiyong. Agad namang ng tumawag si Hyun ng ambulansya.

Kahit wala sa sarili si Jiyong ay kelangan parin niyang magtrabaho kundi babagsak lahat ng negosyo nito habang si Hanbin naman at Bobby ang nakatoka para sa kanilang mga kanta.

''Ne hyung?'' sagot nito nang makitang tumatawag ang bayaw.

''Nasa hospital kami.. si Omma'' pagkarinig nito ay taranta itong tumayo sa lamesa at patakbong lumabas.

''Jiyong! May meeting ka pa'' awat ni Yuna

''Yuna, emergency.. ikaw na muna'' sigaw nito bago tuluyang magsara ang elevator.

Hindi naman alam ni Dara ang gagawin nang marinig na tinakbo sa hospital ang byenan kaya agad nitong hinablot ang susi nang sasakyan.

''Omma! Si emoni!'' sigaw nito habang abala ang anak na naglalaro sa kanyang playpen.

''Mwo? Waeyo?'' tanung nang ina nitong galing kusina.

''Iiwan ko muna si Jian, si emoni nasa ospital daw!'' nag aalalang sagot nito kaya pati ina nito ay nataranta na din.

''Mwo! Anung nangyare?!''

''Hindi ko pa alam pero nasa emergency daw, alis na ako omma''

''Sige sige at papauwiin ko na lang ang ama mo ng maaga, anak mag iingat ka at may madulas ang kalsada''

''Ne omma gomawo'' sagot nito sabay halik sa anak.

''Baby, alis lang si mommy okay.. I love you anak''

Naabutan naman ni Jiyong ang kapatid, bayaw at ama na malungkot na nakaupo sa tabi ng ina.

''Appa'' tawag nito

''Pasalamat tayo at hindi siya nabagok..kundi nasa ICU na siguro ang ina mo ngayon'' seryosong sagot ng ama nito kaya malungkot itong napaupo sa di kalayuang sofa.

''Jiyong, omma is stress'' sabi naman ng kapatid nito kaya napatahimik na lang si Jiyong dahil alam niya kung bakit ito stress. Ilang beses na siyang kinausap ng ina tungkol sa kanyang mag ina pero wala siyang magawa dahil hindi nakikipag usap si Dara kung hindi galing sa Atty nila.

Ilang minuto lang ang pagitan nila ay si Dara naman ang dumating, at pagkakita sakanya ay agad na naiyak si Dami at niyakap ang hipag.

''Dara bogoshipta! Miss na miss na namin kayo''

Nalungkot naman si Dara nang matanawan ang biyenan na babae na walang malay habang ang ama ni Jiyong ay lumapit din at sumunod na yumakap dito.

''Aboeji..''

''Anak.. miss na miss na namin kayo'' pagkasabi nito ay agad na naluha si Dara at hinawakan ang kamay ng biyenang babae.

''Oemoni.. mianheyo'' umiiyak na hinaplos nito ang tulog na mukha ng ginang na lalong kinaiyak ni Dami habang emosyonal si Jiyong na nakamasid.

''She's okay.. '' mahinang sabi ni Jiyong pero hindi siya pinansin nang asawa nito nang makitang unti unting nagmulat ang byenan kaya napatayo si Jiyong.

''Omma!''

''Dara?''

''Ne eomoni, andito kaming lahat'' lumuluha man ay pinilit na ngumiti ni Dara.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now