11) Woke Up [7.1]

5K 87 5
                                    

Ayah's POV

Hmmm, ang sarap dito! Lambot!

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumapat sakin, pero, nakapikit pa ako. Hehe parang nasa palasyo ako...

Napayakap ako sa katabi kong unan...

Teka! Bakit ang tigas nito?!

Bahala na! Hihi! Hmmm! Mamaya na ako babangon... ahhh! Heaven!

Naramdaman kong gumalaw ang unan na yakap yakap ko at yumakap din saakin. Buhay na ba ang unan ngayon?




Teka!!! Ano?!?!

B-Buhay?!

Napamulat ako! Shemay!

"Ahhhh!" Tili ko.

"Hmmm? Wag kang maingay..." inaantok na banggit ni Nathan.

"Hoy Nathan halimaw!!! Manyakis ka talaga kahit kailan! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.

"Shhhh... tulog muna tayo..." Sabi niya habang nakapikit.

"Bitaw sabi!" Angal ko habang tinatanggal yung braso niya sa bewang ko pero walang tabla sakanya yun. Grrr!

Jusko lord! Kayo na po bahala sakin! Sana di ko mapatay o mabugbog itong amo ko.

"Argh!" Bwelo ko bago itinulak siya ng ubod ng lakas.

*BLAAAAGGG!!!*

"ARAY KO!!!" Sigaw niya.

"KAILANGANG MANULAK?!" Galit na sigaw niya.

Halaaa... nakakatakot siya! Parang monster na gustong gusto nang lumamon ng kanyang pagkain.

"E-Eh K-kase ikaw eh!!! S-Si-Sinabing bitawan mo ko eh!!! Manyak kang monster na kapre ka!!!" Pag tatapang tapangan ko. Pero sa totoo lang, Takot na me. Huhu.

Napangisi si Manyak- este Monster- este Kapre- ay! Esteng buretseng amo ko.

Lumapit siya sakin at unti unting pumaibabaw sakin.

"H-Hoy! A-An-Anong gagawin m-mo?" Nauutal kong tanong.

Pumaibabaw siya sakin hanggang sa naka higa na talaga ako sa ilalim niya

Tinutulak tulak ko siya, kaso wala eh! Lakas nitong batong ito eh!

"You're sweating." Pang aasar niya.

Nanlalambot ako! Gustong gusto kong sapakin ito eh! Sapak sila kagat sabunot kaso di ko magawa!

Palapit na ng palapit yung mukha niya sa mukha ko hang gang sa isang inch nalang labi niya sakin.

I can feel his warm breath, his eyes looking towards me habang ako ay tumitingin sa ibang lugar.

"Look at me. Straight to my eyes." Utos niya.

Nakakahypnotize yung boses niya kaya mabilis akong napasunod.

Tinignan ko yung mapupula't malalambot niyang labi. Teka, ilang beses niya ba ako hinalikan? Dalawa diba???

Di ko maiwasang mapalunok nang pagmasdan ko ito. Shemaaayyy! Wag Ayah! Wag mong halikan! Wag kang papayag! No! No! A big NO!

Lumapit pa yung mukha niya na halos ½ inch nalang pagitan ng mga labi namin. Napalunok ulit ako at napakagat saking ibabang labi.

Unti hunting pumikit ang mata niya at ganun din sakin...

His Personal MaidWhere stories live. Discover now