31) Rest House [20]

3.7K 110 25
                                    


Hello pooo! So limitadong mahaba haba ito kase bored ako at wala akong magawa sa  mga oras na ito ngayon kaya dito ko na muna ilalaan. Yung lang!

Don't forget to Comment  and Vote

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Ayah's POV

Kanina pa ako kinakaladkad ni Nathan. Kainis. So si Kaladkarin talaga ako nuh? Sino kaya sunod? Sino? Huuhh?

"Putek. Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko. Pero parang walang narinig ang mokong.

Nasa may parking lot na pala kami ng school. Tekaaa!

"Oy maaga pa! May klase pa akong pupuntahan!" Sigaw ko.

Finally binitawan niya ako.

May kinuha siya sa bulsa niya. Ahh susi lang pala. Pinatunog niya muna yung kotse niya at binuksan bago ako hinarap.

"Sa tingin mo papapasukin pa tayo ng school na yan sa insidenteng nangyari? Dalawang tao na ang namatay." Sabi niya ng seryoso.

Nagulat ako. "D-D-Dalawa?" Gulat kong tanong.

"Hindi mo ba nakita yung isa pang babae na nakatusok sa puno?" Seryosong tanong niya.

"S-Sa puno?" Kinakabahan kong tanong. Dalawa pala namatay? Nakakakilabot.

"Wala din siyang puso tulad nung nakahiga. Nakamulat ang mata at nakatingin siya sa sulat habang nakapasok sa loob ng butas niyang dibdib ang isang kutsilyo." Pag dedescribe niya sa isa pa. Geez nangingilabot na talaga ako. Literal na nangingilabot.

Kinuha niya kamay ko sabay lagay ng isang bagay. Isang duguang pako.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Mag iimbestiga tayo." Sagot niya.

Binuksan niya yung pintuan sa passenger's seat sabay kaladkad sakin, Hindi pa siya nakuntento...

TINULAK AKO NG MOKONG SA LOOB! ETONG LALAKING ITO! KUNDI LANG ANAK NG AMO KO BINUGBOG KO NA ITO!

Di na lang ako nag salita pero nakakainis na talaga siya.

Umupo na din siya sa Driver's seat sabay harurot ng kotse niya. Ok sinarado niya muna yung pintuan bago drive. Duh. Common Sense,

Nagising ako dahil sa sobrang katahimikan. Wow nakatulog pala ako kanina. Haba kase ng byahe namin eh, pagabi na ata eh.

Tumigil kami sa isang tahimik na gubat, de joke, marami kasing puno dito, pumasok siya sa loob ng gubat at pumunta sa gitna nito. Laglag panga ako nang makita ang kung ano meron dito.

Isang malaking bahay. Sorry kung nadissapoint ko kayo, bahay siya hindi mansion.

"Nasan tayo?" Tanong ko kay Nathan nang prumocess na sa utak ko yung lugar na ito.

"We're here in MY Rest House." Sagot niya.

Holy mackerel fish na akala ko salmon! Talagang mayaman sila!

His Personal MaidWhere stories live. Discover now