40) Meet Ups? [29]

2.5K 93 44
                                    

Ayah's POV

Nabigay na saakin yung pagkain kanikanina lang. Nilagay ko na siya sa paboritong lugar ni Nathan pag umaga.

"Handa na pagkain. Kain ka na lang." Sabi ko sakanya. Nakaupo lang siya sa sofa niya sa kwarto at tinignan ako.

"Alam mo, for a maid you're really rude." Sabi niya habang naka cross arms.

"Nahawa na ata ako sayo eh." Kunwaring nagulat ako sa sinabi niya. Inis kase.

"I'll meet up with Stacey after breakfast. Make sure to clean my room." Pinat niya ulo ko tapos lumabas na.

Edi wow! Sige ayos lang na nandun siya sa mukhang clown na yun. Bahala siya. Mas tahimik nga na wala siya eh. Anunaman kung andun siya kay Stacey? Naiinis ba ako? Hindi kaya! Ayshhhht!

Tinampal tampal ko sarili ko bago bumaba.

Nakita ko si Nathan na kumakain ng masarap habang nanonood.

" 'Nga pala Halim--Nathan, umalis yung Dad mo. Sabi niya sabihin ko daw sayo na may inattendan daw siyang business. " Sabi ko habang pinagmamasdan siya.

Tumango lang siya. Habang kinakalikot yung phone niya.

"Nakikinig ka ba!?" Naiirita kong tanong.

Tumango tango lang siya. Tsk.

"Bahala ka sa buhay mo! Sige siya naman uunahin mo diba, SIR!? Sige PO aakyat muna ako, SIR." Sabi ko nang may pagdiin.

Di niya pa din ako pinapansin. Nakangiti lang siya sa phone niya. Bwiset! Edi sila na!

"She changed her mind. Dito na lang daw kami gagawa ng thesis." Tanging sabi niya.

K fine. Anunaman kung dito sila maghaharutan? Di ako selos. Bakit ako mag seselos? Thesis nga daw eh! Inis.

Niligpit ko na yung pinagkainan niya at tsaka pumunta sa sa Kusina. Hinugasan ko na yung mga pinagkainan niya.

Umakyat na ako tapos inilinis na ang kwarto niya. Kinuha ko na yung mga labahin niya at nilabhan. Habang nag lalaba ako may narinig akong tawanan sa Living Room nila Nathan. Anlakas ng tawanan ah. Sige bahala sila diyan! Basta pag may umutot sila yun.

Sinampay ko na yung mga nilabhan ko at dumiretso na sa kwarto ko. Naligo na ako at nagbihis bago bumaba.

"Hahaha, Talaga? That's so epic of them." Narinig ko mula sa Dining Room.

"I also remembered the first day I teased her. She cried when I kissed her. It was so funny." Sabi ni Nathan. Nag pintig ang tainga ko nun. Ako ba pinag uusapan nila!? Edi sila na! Go! Sige usap lang!

*Ring-Ring!* Narinig kong tumunog ang telepono nila. Naka dalawang ring na ito hindi pa din sinasagot ni Nathan.

"AKO NA PO SASAGOT SIR! NAKAKAHIYA NAMAN PO KASE SAINYONG DALAWA. NAKAKAABALA SIGURO YUNG TAWAG SA LANDIAN NIYO, NUH?" Diin na diin kong sabi. Oo nilaksan ko para marinig nila.

"Good." tanging sagot ni Nathan sakin.

Psh. Nakakaistorbo nga.

"Hello?" Sagot ko sa Caller.

["Hello? May I speak with Ayah please?"] Familiar yung boses niya.

"Ano po kailangan nila kay Ayah?" tanong ko.

["Oh sorry. I just found out that she works at the Rodriguez Mansion. Is this the Rodriguez Mansion?"] Tanong din niya.

"Yes po. Sino po sila?" Tanong ko.

["Sorry for not telling my name earlier. I'm Xavier."]

"OMG! XAVIER!?" Sigaw ko sa tuwa.

["Hello? Is this Ayah?"] Tanong niya.

"Oo! Ako nga! Pano mo nalaman kung nasan ako nag tratrabaho?" Tanong ko.

["Secret. I missed you Ayah. I'm here at a Convinience Store near a gas station at Muntinlupa, probably at Alabang almost in front of a Mall here. maybe we can meet up?"] Namumula ako. Enebe! hahaha! Talagang hinanap niya ako. keshe nemen ehh...

"Sige! Alam ko asan yan. Wait moko diyan. Bihis lang ako. byee..." Sabi ko.

["Ok, Bye. Godbless on your way here."] sagot niya sabay baba ng phone.

"Sino yun?"

"Ay si crush!" Nagulat ako kase may nagsalita sa likuran ko.

"Wala. Friend lang. Sige balik ka na kay Stacey, may thesis kayo diba?" Sagot ko.

"Don't worry about her, nag c-CR siya. I'm asking you. Where are you going?" Seryosong tanong niya. Hinawakan niya yung balikat ko habang nakatingin sa mga mata ko.

Ang ganda ng mata niya. Nakakalunod...

"Nathan? Where are you?" Natauhan lang ako nang marinig ko yung boses nung Stacey na yun sa may Dining Room.

"Hanap ka na oh." Nakangiti kong sagot sabay takbo papaitaas.

Sinarado ko yung pinto. Ambilis ng tibok ng puso ko. Nagbihis na ako ng maayos bago mag ayos ng itsura.

Minsan pa-fall din si Nathan eh. Malay ko ba dun.

Sa ngayon, si Xavier my crush ay nag aantay sakin. Yieee happy feeling...

Itutuloy...

di ko na maimention yung mga nakitang nag susuporta saken, pero ito na po ang update ko.

May question ako, isagot niyo na lang sa comments..

1. predictable ba storya ko?

2. Interesting ba ito?

3. Anong fave scene niyo? 

yun langsss thenkyuss sa lahat!!!




His Personal MaidWhere stories live. Discover now