39) Back to Normal [28]

2.8K 80 13
                                    

Ayah's POV

"Hey..." isang tinig ng batang lalaki ang aking narinig. Napatingin ako dito ngunit blurred ang aking nakikita.

"Hey Ayatot! Stop crying! It's noisy!" Sabi ulit nung bata.

Totoo ba itong nakikita ko? O isa nanamang panaginip? Ano nanaman ba itong mapapanaginipan ko? Ilang beses na ako nakakapanaginip nito eh!

Nakita ko ang isang batang babaeng nakaupo sa damuhan habang naiyak iyak, pinupunasan nito ang luha niya habang ang batang lalaki naman ay nakatingin lang sakanya at naka crossed-arms.

Teka... Sila yung nakita ko din dati ah. Sila yun! Sure ako!

"Here." Sabi ng batang lalaki habang hawak ang isang panyo. Tumingin sakanya yung batang babae at tinanggap ang panyo. Umupo ang batang lalaki upang pumantay sa batang babae sabay tanong nito, "Why are you crying again?" Napatingin ang batang babae sa mga grupo ng mga batang lalaki na may hawak hawak na manika. Tinuro iyon ng batang babae habang umiiyak.

"K-Kinuha kase nila si Dollita." Sumbong ng batang babae. "Sige! Wait here I'll get it for you." Matapang na tumayo ang batang lalaki at sinugod ang mga grupo ng batang lalaki. Sinigawan niya ang mga ito at tinuro ang laruan na manika. Nainis naman ang mga batang lalaki na nanguha ng manika kaya't binugbog nila ang batang lalaki at iniwan.

Humahagulgol na tumakbo papalapit ang batang babae sa batang lalaki at niyakap ang likod nito. "Bakit mo ginawa yun!?" Nag aalalang sigaw niya sa batang lalaki habang umiiyak. "Because they made my bestfriend cry, that's why. And stealing is not good!" Naka ngiting sagot ng batang lalaki at binigay sa batang babae ang kaniyang manika. Napangiti din ng matamis sakanya ang batang babae at napangiti.

Napamulat ako ng biglaan. Panaginip, isang panaginip nanaman. Napatingin ako sa katabi ko, BAKIT KO KASAMANG MATULOG ITO!? 

Ay Oo nga pala! Napasampal ako sa noo ko, dito nga pala ako pinatulog ni Nathan. Napatingin ako sa kamay naming magka-- MAGKA---             HAWAK??

Kung may salamin lang dito baka kanina ko pa nakita ang namumula kong mukha! "Hoy halimaw na mukhang butas ng ilong ng dragon! Gumising ka nga!" Panggigising ko rito.

"Mmmmm....." Tanging sagot ng lalaking ito. Mababatukan ko ito eh! May sakit lang siya may pag hawak-kamay pang nalalaman! Tsansing eh!

"Anong 'Mmmm' ? Kailangan mong gumising! Ichecheck ko pa temperatura mo!" Sigaw ko sabay tapik tapik sa katabi kong eto. "At pwede ba!? Bumitaw ka nga sa kamay ko!" Dagdag ko. Napamulat bigla si Nathan at napatinginsa magka hawak naming kamay. 

"Ano ka! Ikaw yung hawak ng hawak sa kamay ko kagabi nuh! Di na nga ako nakatulog sa kalikutan mo eh!" Depensa nito sa sarili. "Aba ang kapal nga naman ng  mukha mo Oo! Baka ikaw! Yuck! NEVER AKO HUMAWAK SA KAMAY MONG LOKO KA!" Sabi ko. Ang kapal kapal kapal to the overload kase!

"Totoo kaya! Tsaka anong 'YUCK' ka diyan?! Swerte mo nga at nahawakan mo pa yung kamay ko eh! Ako? Na gwapo at mayaman, hahawak sa kamay ng isang tulad mo?" Pagyayabang nito.

"Mukhang di na kailangang icheck kung may sakit ka pa. Nasa normal ka na nanaman eh! Bahala ka na diyan!" Sabi ko at padabog na lumabas ng kwarto. Hmph! Ang kapal naman ng lalaking yan para akusahan ako sa paghawak ng kamay niya eh siya nga itong mahigpit ang hawak sa kamay ko eh! TEKA! BAKIT KO PA BA ITO INIISIP WALANG KWENTA LANG NAMAN ITO!

Bumaba na ako tas nakita ko ang inay ng Mansiong Rodriguez.

"Oh Ayah buti't andito ka ulit. Mukhang masama ang gising mo ah." nakangiting sabi niya.

"Ah opo nagpapalamig lang po ako saglit." Sagot ko sabay napakamot sa ulo.

"Nag away nanaman ba kayo ni Sir Nathan?" Tanong niya.

"Parang ganun na nga po. Nga pala 'nay, may pagkain na po ba? Dadalhan ko na kase si Nat-- S-Sir Nathan ng umagahan." Tanong ko.

"Oo naman, teka ipagkukuha na din kita." Sabi niya sabay lakad na papasok sa kusina. Pipigilan ko sana, kaso nauna na eh.

Sana all may ganyang nanay na maalaga. Kung si nanay ay buhay, ganyan din kaya siya saakin ngayon?

Pumunta ako sa Coffee Room at nagtimpla na ng kape para kay Sir Jameson. Pumunta na ako sa Living Room nila at inilapag ang kape ni Sir.

"Goodmorning dear. Is Nathan awake?" Bati niya saakin. "Opo gising na po. Nasa taas pa nga lang po siya." Magalang na sagot ko. Naka pang Amerikano si Sir Jameson habang nanonood ng TV.

Nilinis ko na muna ang living room, for sure dito din kakain si Nathan.

Habang nag va-vacuum ako napatingin ako sa nagbabalita.3

"News Flash. Kahapon ay may natagpuan tatlong patay sa ilog bandang hindi kilalang lugar sa Cavite! Pinaniniwalaang itinapon ang mga bangkay na ito at pinabayaan. Ayon sa nakuha naming impormasyon, parte sila ng grupo ng isang malaking organisasyon ng isang multong sindikato na tinatawag kilala bilang Ornamos. Sa ngayon nag iimbestiga pa sila ng maigi. Ayon sa autopsy rep--"

Grabe yung tibok ng puso ko habang pinapanood ito. Buti na lang pinatay ni Sir Jameson yung telebisyon.

Nakilala ko yung isa sa mga lalaking nabalitang patay. Isa siya sa humahabol saakin. Oo natatandaan ko pa din iyon.

"I'm going Ayah. Tell Nathan I'm gone for an important business trip." Seryosong sabi ni Sir Jameson at dire-diretsong lumakad palabas ng living room. Napaupo ako.

Anong kineksyon nila?

Itutuloy...

YOWWWWWWW! HALOO EBERYBUDEYY!

SORRY NGAYON LG AKO NAG UPDATE. NABASA NAMAN SIGURO NUNG IBA YUNG ANNOUNCEMENT KO, DIBA?

TUMAKAS LG AKO KASE BDAY NG ASO KO NGAYON AT BDAY KO NUNG JUNE 25.

YEEEYYYY ANOTHA YEAR TO LIVE!!!

Hello kila
DreiseeTajdea
JasEveBautista
KarenJoyKilme
pilotinrinalyn
fobispo
jaycelle100
mg_val06
DemdamMarilou

lalo na kay

Yeshangkyeot

na talagang nakita ko yung sobra sobrang suporta niya!!!

Thank you sa pag tytyaga saakin kahit sobrang tagaaaalll ng update ko... suri na puuu

Yun lg! Ty and Godbless us all!

His Personal MaidWhere stories live. Discover now