25) Gulat Much [15]

3.7K 71 19
                                    

Ayah's POV

Matapos kaming mag usap ni Dra. Orchid, bumaba na kami at nilakad papalabas ang Doktora.

"Nathan. Please take care of Ayah, ok?" Rinig kong utos ni Sir Jameson.

"Wha- *sighs* Fine." Sagot ni Nathan.

Napaharap ako sa tatlong taong nasa harapan ko na ngayon. Yumuko ako at sinabing.

"Pasensya na po sa abala. Ako po ang dapat na mag alaga kay Nathan, tutal kasama naman po yun sa trabaho ko, kaso mukhang nabaliktad ang sitwasyon. Pasensya na po." Sincere kong pag papaumanhin.

"No Ayah. We should be thankful to have you." Nakangiting sabi ni Sir Jameson habang inaayos ang coat and tie nito.

"Anyways, I have to go because I have a flight to go to and a meeting to attend at around 8am. Goodbye." Pormal na pagpapaalam ni Sir Jameson sabay labas, umalis na din si Madame Fely at kami nalang ni Nathan ang naiwan dito.

Nginitian ko lang si Nathan at umakyat na sa kwarto ko.

*sigh*

Napakabigat ng pakiramdam ko, may klase pa mamaya. Maaga pa naman kaya pwede pa akong mag bubble bath.

Kinuha ko na yung twalya ko at pumasok na sa banyo.

After 123456789 years...

De joke lang.

After 1 hour, tapos na akong maligo, magbihis, kumain, at magtoothbrush ulit.

Kinuha ko na yung backpack kong violet tapos naglakad na papalabas.

Ayokong makasabay si Nathan ngayon. Bakit? Wala trip lang! Hahaha!

Come on vamunos! Every body let's go! Come on we can do-

*Beep Beep*

"AY DORA AND BOOTS!" nagulat kong sambit.

Sinamaan ko ng tingin yung driver ng sasakyang nanggulat sakin. Naka tinted yung windshield niya kaya di ko makita kung sino.

Binaba na din niya yung windshield niya at nginitian ako.

"Tara Ayah! Sabay ka sakin!"

Natatawang tinawag niya ako at niyayang sumakay.

"J-JAAAKKKEEE?!?!" Tawag ko sa pangalan niya.

Antagal kong hindi nakita itong gwapo't mabait na nilalang ah.

Let me remind you who Jake is.

Siya lang naman ang nag comfort sakin nung pinahiya ako ni Nathan sa classroom, yung unang pagkilala namin ni Nathan, Yung ninakaw niya yung first kiss ko kaya't naiyak ako.

Dali dali akong pumasok sa kotse niya at magse-seatbelt sana nung biglang...

*Beep Beep*

"AY SEATBELT KONG POGI!"

Napahawak ako saking dibdib. Tinignan ko kung sino yung driver nung kotseng isa pang nanggulat sakin. Magkaka heart attack ako nito eh!

His Personal MaidWhere stories live. Discover now