18) New Transfer [10.2]

4.5K 77 8
                                    

Ayah's POV

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko kay Nathan. Bigla biglang susulpot tapos magagalit?! Haba! Baliw na kaya yan?!

"Argh! Ano bang pumasok sa isip mo at nakipaghamon ka sa mga yun?! Mga lalaki yun Ayah! Baka kung anong gawin nila sa'yo!" Sigaw niya pabalik. Sinipa niya yung basurahan sa gilid niya, kay natumba yun at nagkalat ang laman, napansin ko, bumakat yung pagsipa niya doon, kaya nagkaroon ito ng crack.

"Eh ano naman?! Sino ka ba para sabihan ako?! Ha?! Hoy! Tandaan mo! Wala tayo sa mansion niyo kaya't wag mo akong pakelaman! Ano bang pakelam mo sakin?! Ha?!" Sigaw ko habang duro duro siya. Nakakainis ito!

"Argh! *CRACK!* "
Sigaw niya sabay suntok ng pader sa gilid ko. Dumugo yung kamao niya at medyo namaga.

O_______________O

"H-Hoy! Nababaliw ka na ba?!" Gulat na wika ko sakanya. Tanga tanga siya! Makipag suntukan ba naman sa pader! Argh! Nahihibang na ito!

"Tss." Sabi nito sabay lakad paalis.

Nung nakalayo siya, na paupo ako sa sahig. Nawalan ako ng lakas, nakakagulat siya.

Napahawak ako sa puso ko. Hinga ka Ayah, hinga.

Dun ko lang napansin na nasa gym pala kami. Buti nalang walang tao. Para akong hinigitan ng hininga dahil sa ginawa niya.

---

Nandito na ako sa classroom namin.

Napatingin ako sa gawi ni Nathan. Nasa bandang likuran ito, katabi ng bintana. Nakatungo ito habang may suot na headset. Wala siya pakialam kahit natatamaan na siya nung mga bolang papel at papel na eroplano ng kaklase namin na naglalaro.

Tss. Pake ko ba diyan?

Kaso... Parang hindi niya pa nagagamot yung kamao niya. Jusko! Ako naman ang masisisi diyan. Argh! Tanga niya kase! Bwiset!

Lalapitan ko sana siya kaso dumating na yung guro namin. Sige, mamaya na lang.

"Good morning class." Bati ni Ms. Espanto.

"Goodmorning." Bati din ng mga kaklase ko. naka tayo kaming lahat, maliban lang kay Nathan. Nakatungo pa kase ito.

Tinanggal ni Sean yung headset ni Nathan kaya napaupo ito ng maayos habang nakasimangot...

"Good morning Mr. Rodriguez." Bati na may pagkadiin at pagka sarkastiko ni Ms. Espanto.

"Psh." Sagot ni Nathan sabay tungo ulit.

Napairap nalang si Ms. Espanto at hindi na ito pinakailaman. Napapairap na din ako dahil sa pagka walang respeto ni Nathan. Humarap na ito samin at ngumiti. Cute!

"Ok. You may now seat." Sabi ni Ms. Espanto habang nakangiti.

"Thank you Ms." Sabay sabay naming pagbigkas ng mga ka klase ko.

Gosh! Second Quarter na! Bagong seatmates nanaman.

"First of all, may ipapakilala muna ako. We have a new Transfer student from States. You may now come in dear." Sabi ni Ms. Espanto habang sinesenyasan ang kung sino man na nasa labas.

His Personal MaidМесто, где живут истории. Откройте их для себя