37) Extra [26]

2.3K 77 13
                                    

Hi po... sorry sa late late late late late late late laaattteee update ko na halos umabot ng isa o dalawabg months.

pero bilib pa din ako sa inyo kase nag tyatyaga kayo sa story ko.

Please   vote   comment   share   follow  (AyumiSenpai)   and most of all  ENJOY!

OK! ito na!

=============

Ayah's POV

Nagising ako sa tapik ng kung ano man.

napamulat na ako at si Dra. Halley Orchid ang nakita ko.

ahh kung nag tataka kayo kung bakit alam ko name niya, opkorse sinabi niya sakin kanina. Tita Halley nga daw itawag ko sakanya eh.

"Ayah, andito na tayo."matamis na bulong niya.

Sa sobrang excitement napatingin ako sa bintana!

Woaaahh! Nasa gate na pala kami ng Rodriguez Mansion!

Naalala ko tuloy yung first time ko dito, Yung time na natanggap ako sa trabaho.

Kusang bumukas yung gate ng mansion. Ah ganun pala yun...

Napansin kong andaming malalaking bodyguard sa Mansion. Kinabahan tuloy ako bigla!

Nung nakita nila kaming paparating, tinutok nila samin yung mga M4A1 nila. Teka lang! Kanilang kotse naman ito ah!

Lumapit samin ang isang binatang lalaki na may hawak na Mauser Gun.

Abuh! Ang bata bata pa nito ah!
Mas bata pa nga sakin eh!

Binaba nung driver namin yung mga bintana ng kotse na sinasakyan namin tapos biglang nagsalita ang binata sakanya.

"The warrior whispers, 'the world shouts for mercy, the sky shouts for joy' " wut is dis!? Di ko maintindihan kung bakit may pag ganito ganito pa!

Obviously the answer is--

"And he whispers back, the end is to come for all." Sagot nung driver namin. Oh diba! The end!

Tinaas nung binata yung kamay niya na naging dahilan para kumawala ang pagtutok nila ng baril saamin.

Tumigil yung sasakyan sa may tapat ng mansion at bumaba na kami.

"Anong meron doktora-- ay este tita Halley? Bakit ang higpit yata ng security nila ngayon?" Tanong ko.

"Extra security for extra safety." Sabi lang niya at saka tumahak papasok sa Mansion.

Owkey...?

Nag lakad ng mabilis si Dra. Orchid papuntang kwarto ni Nathan, naabutan ko yung mga ibang maids na nasa labas lang ng pintuan. Nagtutulakan sila sa kung sino ba ang papasok sa loob.

"Ehem." Panimula ni Dra.

"A-Ah.. H-Hi m-m-ma'am Orchid." kinakabahang sabi nung isang maid.

"Anong ginagawa niyo sa labas?" tanong ni Dra.

"AYOKO NGA NG GAMOT SABI EH! ASAN NA BA YUNG MAID KO!? DI KO KAILANGAN YAN!" Sigaw ni Nathan mula sa loob. Biglang may lumabas na Maid sa kwarto ni Nathan na umiiyak habang may hawak na baso ng tubig.

Gamot? Maid?

May sakit siya at may bagong maid na nag aalaga sakanya? Tanggal na ba ako sa trabaho? Hala wag!

Biglang sumikip yung dibdib ko nang maimagine ko na may ibang babaeng nag aalaga kay Nathan.

"A-Ah... N-Ne-Netong nakaraang a-araw kase.... nagiging a-agresibo si sir N-Nathan..." Kinakabahang sabi niya.

Nakita ako nung mga maid at lumuha sila. Lumapit sila sakin sabay abot nung tray na hawak nila.

"Ayah... please... ikaw lang ang nakakapasok diyan ng buhay eh-- este nakakapasok na kayang tiisin yung s-sigaw ni sir. Ilang araw na kase siyang hindi n-na-nakain..." Sabi nung maid.

Tinanggap ko yung tray na may laman ng Champorado at hinarap si Dra. Orchid.

"You go in first Ayah. Kailangan niya munang kumain bago ko siya painumin ng gamot." Nakangiting sabi ng Dra.

"O-Okay po." mahinang sang ayon ko.

hinarap kong muli ang pintuan ng kwarto ng halimaw at humingang malalim.

binuksan ko yung pintuan... Heto na ako... Nathan...

TO BE CONTINUED...

HEHEHEHE PABITIN NANAMAN SI AUTHOR NUH? HEHEHEHE PIS NA NAMAN!

Hello nga pala kay

kateflores341
user36130859
ParkDenise95
gabliza
Ellazhie
WenalynPadillo
downthedark
AngelaLucas922
akylazyr
tsaka kay
raposasdaisy

Thank you sa supporta sa stories ko!

Maraming salamat mga Maidens!!!

Hanggang sa muli!

His Personal MaidWhere stories live. Discover now