Chapter One

137K 4.6K 1.1K
                                    

Good job

Victoria's

It's been a month and yet I still think that Mr. Red Azul owes me an explanation. If you're a good boss, you can't just resign and let everything go as if it meant nothing to you. We've worked hard for five years tapos just like that, he resigned?

Hindi ganoon iyon. I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason.

I really want to call him pero nahihiya naman ako. Baka kasi isipin niya sobrang demanding ko at kailangan niya pang magpaliwanag sa akin. Mabuti siyang tao – sana naman maisip niyang hindi dapat basta nang-iiwan.

Sa loob ng isang buwan na nag-iba ang boss ko, umikot talaga ang buhay ko ng 360 degrees. Kung akala kong mahirap kausap si Mr. Red Azul, mas mahirap palang kausap si Mr. Orion Consunji. In the span of four weeks, I have done tons of cancellations, revisions and re-scheduling. Ang dumi-dumi nang planner ko! Hindi na katanggap – tanggap ang hitsura nito at ilang beses ko nang sinabi iyon sa kanya pero hindi naman siya nakikinig.

At least, Mr. Red Azul listens to me when I complain. Tinatawanan niya ako pero nakikinig siya sa akin. Minsan naiisip ko naiintindihan niya iyong pagiging OC ko. Yes, I have Obsessive Compulsive Disorder and it's not something that I like about myself pero wala naman akong magagawa dahil parte na iyon ng pagkatao ko.

It's not something that I can control. As much as possible, mas gusto kong maayos at organisado ang lahat sa paligid ko. I can't stop myself from cleaning if I see something dirty or unorganized. I need to have uniformity in my life. Changes, triggers my OCD. Kapag hindi ko nagawa iyong mga bagay na gusto kong gawin – I'll have a panic attack.

Iyong OCD ko rin ang dahilan kung bakit hirap na hirap akong magkaroon ng love life. Twenty – six na ako, and I still haven't had the chance to have a decent relationship. Minsan kasi naiinis ako sa ka-date ko. Example, maingay siyang ngumuya o kaya man, mukha siyang hindi naligo, mukhang sloppy, minsan naiinis ako kasi hindi bagay iyong patterns ng suot niya – example nagsuot siya ng red na pants and then pink na shirt – hindi bagay, nakakairita sa mata kaya bago pa ako magka-panic attack, nagpapaalam na akong umuwi.

Plus, I don't do movie houses. Just thinking about how many germs and bacteria I can get from sitting for forty second inside that dark cinema scares the hell out of me. Ayoko noon. Thinking about it makes me want to scream out of frustration. Nakakadiri.

Ayoko rin sa taong maduming tingnan. Actually, kapag nakikita ko si Mr. Orion Consunji, gusto ko siyang gupitan at i-shave. Ang dumi-dumi niyang tingnan. Jusko. I wonder what his toenails look like. Baka napakadumi rin niyon.

I had the same urge when I first met Apollo Vejar. But then he has wife and kids and I imagined that his wife is already doing that for him – it calmed my nerves.

Hindi ko sila maintindihan. They're very rich and yet they look as if they haven't been in the shower for a long time.

Natigil ako sa pag-iisip nang mag-ring iyong phone ko. It's my boss. And maybe he has another excuse for being late today. Four weeks na kaming nagtatrabaho pero wala pa rin siyang exact time nang pagpasok sa office, which frustrates me. Nagtatrabaho ka, dapat may oras ang pagpasok mo. Mr. Orion Consunji goes to the office minsan maaga, minsan, sakto, minsan hindi talaga siya nagpupunta.

"Victoria here. Good morning, Sir. Anong oras po kayo pupunta?"

"Uhm, I kinda have an emergency, Victoria, can you come to my house?"

Kinabahan naman ako. If there is one thing I hate the most, it's an emergency. Sa emergency kasi, hindi organized ang lahat.

"Sure, Sir. I'll take the company car and be there."

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now