Epilogue

181K 6.3K 925
                                    

Last One



Victoria's

Ang laki – laki ng bato ng singsing ko. Actually, natatakot nga akong isuot ito sa labas ng bahay ko -kahit sa office, hindi ko isinusuot. Pinagalitan lang ako ni Sir Orion kaya napilitan akong isuot iyon kahit saan ako magpunta.

Halos isang linggo pa lang ang nakalipas mula nang alukin niya ako ng kasal. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala kasi naman, hello – parang langit iyong bumaba sa lupa. Nakakakaba. Sinabi ko sa kanya minsan kung talaga bang totoo siya at sinabayan ko pa iyon ng tanong na kung pwede na ba akong maging masaya kasi natatakot talaga ako nab aka sa iba naman bawiin sa akin ito.

Orion, looked at me in the eye and told me, from that day on, hindi na daw ako malulungkot. I cried because of that, matapos kong umiyak ay nag-sex kami – it was mind blowing.


Mind blowing naman talaga ang lahat ng sex namin. Nakakaloka itong si Orion, kung dati sobrang pagpipigil niya, ngayon kahit nakaupo lang kami sa living room, basta ginusto niya go, agad. Sino ba naman ako para tumanggi. Kung tumanggi pa ako, parang tumanggi nga ako sa grasya.

Jusko na lang talaga.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Nanay. Linggo noon at nagpunta ako sa institute para dalawin siya. Nakausap ko iyong mga doctor niya at nagiging mabait daw si Nanay. Masunurin ito at palaging umiinom ng gamot sa oras. Natutuwa ako. Sa makalawa ay isasailalim si Nanay sa mental test para malaman ang limitasyon ng obsession at compulsions niya. Kapag naging maayos iyon ay pwede ko na siyang iuwi. Makakasama ko si Nanay sa darating na pasko.

"Opo, Nay. Medyo –"

"Hindi pa rin makapaniwala iyang anak mo, Janice." Sabat ni Tita Jillian. Sumama sila sa akin ni Tito Robert sa institute ng araw na iyon. I only smiled at them. "Ilang beses ko nang sinabi na dapat na siyang maniwala. She got herself the love she deserves. Nakita mo ba, Janice? Napakabait na bata ni Orion. He is very patient with Bekbek. Napakaswerte mong bata ka, kapag mag-asawa na kayo, mahalin mo iyon nang Mabuti. Bihira ang lalaking ganoon."

My cheeks blushed.

"Opo, Tita." Sagot ko na lang. I looked at Nanay. "Nay, ano..." I sighed. Gusto kong sabihin sa kanya na umalis na sila Tatay sa bahay – kasama ang mga kapatid ko at si Tita Marielle. Ang huli kong balita ay nakakulong si Tatay – sa kadahilanang hindi ko alam. Hindi na rin naman ako sumubok na makipag-usap sa mga kapatid ko kasi ayoko namag masigawan o maipagtabuyan na naman.

I am in a very happy place right now and I don't need some shits.

"Nay kasi si Tatay, ano..." I took a deep breath. "Bale nakulong po siya." Hinawakan ni Nanay ang kamay ko.

"Ayokong pag-usapan." Wika niya sa akin. "We should be happy that we are all here." Nanay cupped my face. "I will make up for all our lost times, Bekbek. Hindi ko madalas sabihin pero mahal na mahal kita."

"I love you din, Nay!"

"Kumain na tayo. Kanina pa ako gutom." Sabi ni Tito Robert. "Anak, ihahatid kita sa altar ha, hindi pwedeng hindi aba! Anak na anak ka na naming ng Tita mo!"


"I was about to suggest the same thing." Sabi ni Nanay. Bakas pa rin kay nanay ang katalinuhan niya. Masayang – masaya ako ngayon. "Teka, nasaan ng apala ang mapapangasawa mo?"

"Ay nay, bale medyo busy po siya. Linggo din po kasi, alam ko kasi kapag Linggo may family day rin sila." Sabi ko. Tumango si Nanay.

"Nakakatuwa na family man iyang fiancé mo. Magiging mabuti siyang asawa at anak."

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now