Chapter Thirteen

113K 4.9K 975
                                    

Lego

Orion's

"Come, Chiquita, come!"

Tinatawag ko iyong bunsong kapatid namin para ayain siyang maglakad sa village nang hapong iyon. Kagigising ko lang at kaya lang ako nagising at dahil naalimpungatan ako kay Cassie. She woke me up to ask me about Andy. S

Tumayo si Chiquita at kumahol papunta sa akin. Nilagyan ko siya ng leash. Sabay kaming lumabas na dalawa. Eksaktong pagdating ni Andromeda ay ang paglabas namin. She went out of her car, wearing only her robe.


"Wala ka bang damit?" Inis na tanong ko. "H'wag mong sabihing kasama mo na naman iyong gigolo mo?"

"What is it to you ba? Hey, girl, missed Ate?" Tumahol na naman si Chiquita. Tinaasan lang ako ng kilay ni Andromeda. Hinatak ko naman iyong leash ni Chiquita para makapaglakad na kami. I yawned. Medyo inaantok pa ako. Kagabi, pagkababa ng eroplano ay niyaya kong kumain sa labas si Victoria, pagkatapos noon ay inihatid ko pa siya sa bahay. We had coffee, we talked, it was all good.

Sa tingin ko, gusto ko siya – ibang klaseng pagkagusto hindi tulad noong kay Sachi, nagustuhan ko lang siya dahil kay Mommy. Mom doesn't even know Victoria. Hindi pa sila nagkakaharap kaya sigurado ako that this is all me.

"Kuya! Kuya wait!" Napalingon ako nang marinig ko si Cassiopea. Naka-pan- jog attire siya. Nagla-lighten na iyong kulay niya pero halatang – halata pa rin iyong freckles niya.


"Ano?" Inis na sabi ko.

"Kuya, iligaw natin iyang aso."

"Bakit na naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Ih, hindi ako pinapansin ng kumpare ko. Alam mo iyong handa na akong pagalitan niya pero hindi niya ako pinagalitan at hindi niya rin ako kinakausap. Dinadaan – daanan niya lang ako sa bahay na para bang hangin lang ako and I guess that it's all because of this bitch." Huminto na ako sa paglakad para harapin si Cassiopea.

"Hindi mo naisip na hindi ka kinakausap ni Kumpare dahil nag-alsabalutan ka six months ago kahit na ang usapan dahan-dahan na tayong lilipat dito sa Pilipinas? Hindi mo naisip na nagtampo ang kumpare mo kasi imbes na gawin mo iyong pinagagawa niya, nanghingi ka ng pera kay Ninong Ido? Naisip mo bang parang nawalan si Pops ng kwenta sa ginawa mo, Cassiopea?"

Nanlalaki ang butas ng ilong ni Cassiopea. Lumabi siya.


"Gusto ko nga kasing magpunta ng Antartica noon. Naroon iyong trabaho ko."


"Bibigay naman sa'yo ni Pops, he just has to see that you're working hard for it. Anong ginawa mo? Kaya bahala ka. Mas love namin si Chiquita. Diyan ka na." Tumakbo na ulit ako. Nang makalayo ako kay Cassiopea ay binagalan ko ang pagtakbo para makalakad na lang ako.

I checked my phone. Bago kasi ako lumabas ng bahay ay nag-text ako kay Victoria. Siguro enough na iyong minutong hinintay ko, baka nag-reply na siya pero wala pa rin siyang text. Naisip kong tawagan na siya pero hindi naman siya sumasagot. It's three in the afternoon, kung nakita niyang nag-text ako, hindi mapapakali iyon hangga't hindi siya nag-re-reply. She has to complete the task.

That's a good thing about having a girlfriend with OCD. Sigurado akong magre-reply siya. Hindi rin kasi siya mananahimik.

But she's not replying, so I decided to run back to the house. Nakasalubong ko si Andy at Cassie pero hindi ko na sila pinansin. Ibinalik ko si Chiquita sa bahay tapos naligo ako. Nag-mouth wash ako, twelve times para sigurado tapos naglagay ng pabango.

I kissed my mom goodbye and said bye to my old man. Sumakay ako sa kotse at nagmaneho na papunta sa bahay ni Victoria. Ang layo ng village niya sa village ng mga magulang ko halos dalawang oras at kalahati rin akong nagmamaneho – Salamat sa traffic sa EDSA. Kung wala naman iyon, isang oras lang ay nakarating na ako sa kanya.

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now