Chapter Twelve

120K 4.3K 837
                                    

Hopeless

Victoria's

Ang sama – sama ng loob ko. Iyak ako nang iyak. Talagang mga kapatid ko at ang tatay ko ang kahinaan ko – they are my obssessions.

I didn't know that Vincent and his wife are here. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko sila pagbaba ko sa lobby. I planned on going to the Orchard Street. Nabasa ko kasi sa internet na doon daw iyong mga stores. Balak kong maghanap ng lego if ever mayroon man. Matatapos ko na kasi iyong lego version ng New York Time Square ko. Galing pa iyon kay Tita Jillian, pasalubong niya iyon sa akin noong nagpunta sila ng Malaysia.

Hindi ko alam na naroon siya, wala akong balak tawagin siya but he saw me. He acted up. Nilapitan niya ako. Galit siya agad. Napaiyak ako. I felt the anxiety. Pinagtitinginan kami, feeling ko ang liit – liit ko.

"Sinusundan mo ba ako?! I didn't invite you to my wedding, isn't that enough message?! Baliw ka na talaga! Tama si Tatay, you're hopeless!" Ninoohan niya ako.

I sobbed.

"Hey... hey..."

Sir Orion stood up. He was in the couch. After the kissing incident, lumabas kami ng bathroom at pilit niya akong pinakakalma.


"It's okay... Victoria, everything is gonna be fine." He cupped my face. I don't feel appalled anymore whenever he touched me. Maybe because... I trust him now. After seeing what he did for me with my brother... I even kissed him back. Nakakahiya talaga pero mukhang okay naman kay Sir.

Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon at pilit akong pinapatahan.

"It's gonna be fine, Victoria. I promise, hindi na mauulit ito." Sabi niya pa sa akin. Naisip ko bakit parang madali akong maniwala sa kanya ngayon. "May gusto ka bang gawin?" Tanong niya pa. "Andy said I should distract you. What do you need?"

Well... thinking about it, I was kind of distracted when he kissed me. Nakakatuwa iyon, nakalimutan ko iyong problema ko pero dahil dalagang Filipina pala ako, pinigilan ko iyong sarili ko.

"Gusto ko po mamili ng lego, Sir." Mahinang wika ko. Parang natigilan siya tapos ay napatitig sa akin. Bigla siyang napangiti.

"Okay. Lego it is. Let's go to the mall. Come."

"Uhm, Sir, lalabas po ba kayong naka-suit and tie?" Tanong ko sa kanya. He looked at himself.

"May problema ba?" He asked me.

"Wala naman po. Kaso nakapambahay lang ako, baka po magmukha akong Yaya ninyo."

Nakita kong natawa na naman siya. Hinubad niya iyong coat niya at iniwan iyong puting dress shirt sa ilalim noon. Tinupi niya ang long sleeves at ginawa niyang three – fourths. Napanguso ako. Napansin yata niya iyon.

"What?" Parang pinipigilang tawa niya.

"Eh, hindi pantay saka hindi ayos iyong tupi."

"Then why don't you do me?" He asked. Tatlong beses akong nagbukas- sara ng mga mata dahil iba iyong dating sa akin noon tapos nakangisi pa siya. Iniumang niya sa akin iyong braso niya, ibig sabihin iyong sleeves niya. Okay, kakalma ako.

Tumayo ako at inayos nga iyong sleeves niya. Kailangan kasi pantay iyong pagkakatupi – kung four na tupi sa right, four na tupi rin sa left tapos kailangan walang excess na tela na kita, dapat neatly folded iyon. I was focusing. Matapos iyong isa ay iyong isa naman.

"Ayan, perfect na." Sabi ko pa. "Okay na po, Sir."

"I love that face you made while fixing this." He said. Nawala iyong ngiti. "Oh no, don't worry, it looks good. You're cute. Come, let's go." He took my hand again. Hindi ko na binawi. I love the feel of his warm palm against my skin. I don't feel appalled anymore. I just feel... safe. I trust him. He did that for me earlier and I just thought that he won't do anything to hurt me. Kasi... ewan ko, it's just gut feel.

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now