Chapter Six

105K 4.1K 621
                                    

Bakit?

Orion's

"And what is that?!"

I asked. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin ako kay Victoria. Ang pula – pula ng buong mukha, leeg at iyong mga braso at balikat niya. The redness has spread, I'm sure, all over her body. Hindi maganda ito. Paano kung allergic reaction nga ito? I've seen my friends suffer from this – si Cassie noong huling makakain ng hipon – nang hindi sinasadya ay lumobo ang buong mukha at hindi makahinga. I need to take Victoria to the doctor. Hindi ko matagalan ang ganito. Naaalala ko si Cassiopea at iyong muntik na siyang mawala sa pamilya namin.

"Get down!" Sigaw ko kay Victoria. Nagulat siya. Tumulo ang mga luha niya pero lumabas nga siya ng kotse niya. Umikot lang naman ako para makipagpalit sa kanya. Pilit ko siyang pinasakay sa kotse. Ayaw niyang magpahawak sa akin. Umiiyak na siya.

"Just get in. Dadalhin kita sa ospital!" Sabi ko pa. Umiling siya.

"I'm fine. I just need---"

"Fucking get in!" Sigaw ko. Napaigik siya at saka sumakay. Umikot na rin ako at pinasibad ang kotse at dinala siya sa pinakamalapit na ospital.


"What did you eat?" I was asking her habang papasok kami ng ospital. Sinenyasan ko iyong nurse at agad naman kaming nilapitan.

"What happened, Sir?"

"She had an allergic reaction. I didn't know what she ate. But I think it's bad."

"Ma'am, what did you eat?" The man held Victoria's hand. Suddenly, she gulped for air. Bigla na lang siyang umiyak at tulad noong nangyari sa pantry ay hindi na naman siya makahinga.

"Okay, Sir, dito na lang kayo." Ipinasok nila si Victoria sa loob ng emergency room. Nakatanaw lang naman ako. I wondered what happened to her. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ako komportable na maghintay dito. Isa pa, I have to tell her family what happened to her. Naalala ko iyong bag niya sa kotse. Lumabas ako at nagtungo sa parking lot para kuhanin iyong bag niya at hanapin kung sino ang pwedeng ma-contact ngayon para sa kanya.

Her bag was on the back seat. Binuksan ko iyon at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makakita ang ang apat na iba't ibang klaseng alcohol, limang hand sanitizer, wipes, tissue paper, cloth at kung ano-ano pa. Hindi ko makita iyong phone niya. Ang naroon ay parang maliit na notebook. Binuksan ko iyon, may mga numbers roon tapos sa unang page ay may pangalang naka-high light – Tita Jillian. Pasig. Home number. I called that person.

Agad naman siyang sumagot at sinabi ko agad sa kanya ang nangyari kay Victoria. Sinabi naman niyang pupuntahan niya agad.


Bumalik ako sa loob ng ospital. She's still in the E.R. Wala pang lumalabas na doctor, hindi ko alam kung bakit kabadong – kabado ako, hindi ko naman siya kaano – ano. I guess I worry about her because I started to look at her as a friend kahit na sa maling paraan kami nagsimula.

That was the longest thirty minutes of my life.

May lumapit na nurse sa akin na pilit pinapa-fill up sa akin iyong form para kay Victoria. I only know her name. I have no idea about her. Ni hindi ko nga alam kung anong exact address niya, tapos ngayon, kailangan ko pang i-fill up iyong form. Pakiramdam ko napakalaki ng pressure sa balikat ko. I was only looking at it when I heard my name being called.

"Orion Consunji?" I looked at my left side and I found a middl aged woman standing before me. Naka-house dress siya at halatang nag-aalala. Napansin kong may kasama siyang babaeng may edad na rin na may putting blazer – it was as if she's a doctor. "Are you Orion Consunji? Iyong tumawag sa akin?"

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now