Chapter Eighteen

133K 4.9K 495
                                    

I knew you were trouble

Orion's

"How is she?"

Hindi ako mapakali. Dinala ko si Victoria sa Varess Medical City para mas maging maayos ang treatment sa kanya. She had an anxiety attack because of the cat fight between her and Sachi. Todo hingi pa si Red ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya at hindi siya nagpa-background check. Hindi ko rin naman siya sinisisi. Mas ang concern ko ngayon ay para kay Victoria.

Nasa loob siya ng ER, kanina pa kaya ganoon na lang ang ginhawang naramdaman ko nang lumabas ng doctor na tumitingin sa kanya.

"Is she okay?"

"Kamag-anak ka?" Tanong niya sa akin.

"Asawa po." Mabilis na sagot ko. Tumango iyong doctor.

"Wala naman akong nakitang injury sa kanya maliban sa maliit na putok sa kanyang ulo, everything is okay na, Mr. Consunji. You can see her mayamaya kasi nitatransfer pa lang siya sa private room."

I requested to confine her. Hindi ko kasi alam kung pagkagising niya ba ay maayos na siya. Prevention is better than cure.

"Hintay muna po kayo. Tatawagin kayo kapag nasa private room na siya." Wika pa noong nurse. Naupo ulit ako sa waiting area. Katabi ko si Andy at si Cassie. Tinawagan ko na kanina pa si Tita Jillian, ang sabi niya at on the way na sila ni Tito Robert.

"Hey..." Hinawakan ni Andromeda ang braso ko. "Chill, Orion. Hindi ako sanay na nanlalaki ang butas ng ilong mo dahil sa pag-aalala." She giggled. "Victoria's gonna be fine. She did great." Nag-thumbs up pa siya sa akin habang nakangisi. Hindi pa rin ako mapapakali hangga't hindi ko pa rin siya nakakausap.


Nag-aalala lang ako dahil baka kung anong sinabi ni Sachi sa kanya.


"Kuya, tumawag si Kuya Red, pinahuli daw niya sa pulis si Sachi. Kaloka. Ang desperate niya. I never really liked her." Nag-make face pa si Cassiopea. "But I like Victoria. I saw how she fought for you, Kuya. And she looks nice."

"She's very nice."

"I called Mom. Papunta na rin sila dito." Sabi niya pa sa akin. "Gusto ninyong coffee? Kuha ako." Umalis si Cassie kaya naiwan kami ni Andy roon. Humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Hey, don't be sad. Everything is gonna be fine." Sabi niya ulit.

"I'm just really worried."

"Nah, Victoria is a big girl. She's gonna be fine." Tumawa na naman siya. "Ay, oo nga pala. Remember when we were teenagers and Pops gave you a ring for your future fiancé?"


"Yeah, you lost the ring."


"I didn't." She grinned. Mula sa bag niya ay inilabas niya ang isang blue na velvet box. Binuksan niya iyon and inside, I saw Lola Nanay's engagement ring. "I have no idea why I told you before that I lost it. Siguro ramdam kong hindi talaga si Sachi ang para sa'yo kahit na kaibigan ko siya. I love you, Orion." She said to me. "You're my best friend and the best brother. I want nothing but your happiness." Napahikbi siya. Natatawa naman ako.

"Why are you crying?" Nagtatakang tanong ko.


"Cause I'm gonna miss you when I go back to Hawaii." Sabi niya pa. Nagpaalam na siya noong nakaraan na babalik na raw muna siya ng Hawaii para i-check ang Orion's. Sinabihan ko naman siyang hindi niya dapat gawin iyon but she insisted.

"Kung makapagsalita ka, akala mo hindi ka na babalik."


"Babalik ako. That's for sure." She smiled at me. Inilagay niya sa kamay ko iyong velvet box. "Orion, I'm sure that you are going to make the best decision of your lie if and when you put this ring on her finger."

I knew you were troubleWhere stories live. Discover now