CHAPTER 12 - BECAUSE I ONLY SEE YOU

2.2K 17 0
                                    

Dahil sa pangyayaring 'yun, as usual, nawalan ng malay si Lady Veronica. Kinailangan ko siyang buhatin.

"Konti na lang Abel... kaya mo 'yan..." minomotivate ko ang sarili ko kahit lawit na ang dila ko.

Sumunod si Larry sa akin.

"Buti na lang Larry nandoon ka. Mamaya bibigyan kita ng maraming buto."

Biglang nalungkot ang aso.

"Ayaw mo ng buto? Anong gusto mo?"

"Woofff...woofff..."

"Asus... 'di ko maintindihan ang sinabi mo. 'Di bali kapag nagising ang amo natin sasabihin ko bigyan ka ng award." Tumalon si Larry habang nagtatahol. Tuwang-tuwa siya sa sinabi ko.

Nakarating kami ng pinto ng mansion pero si Larry hindi na sumama.

Sumipol ako para tawagin siya pero ayaw niyang sumama ni tumapak sa hagdan hindi nito magawa. Pumuwesto siya sa fountain at umupo. Hindi siya gumalaw.

"Larry!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Medyo nabibigatan na ako kaya dali-dali akong pumasok sa mansion. Pagkabukas ko ng pinto...

"Hello Abel!" isang babae ang bumati sa akin. Ang ngiti niya abot hanggang tenga. Kaagad niya akong nilapitan.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko. Super heavy 'yan. Ahm... by the way I'am Anastacia. Nice to meet you," nilahad niya ang kanyang kamay.

Biglang umangat ang ulo ni Lady Veronica sa balikat ko. Kusa siyang bumaba sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito?" high-pitched siya. Mukhang galit siya sa bisita.

"I just want to visit my dear sister and her sweet escort," sabay kindat sa akin.

"Anong dear sister?! Were not sister!"

"Tulad ka pa rin ng dati may dear sister. Ayaw mo ba akong makita? Gusto lang naman kita kamustahin. I think you look great on your new escort." Talagang trip na trip niya akong isama sa usapan nila.

"Ano bang gusto mo?"

"Gusto lang kitang imbitahin sa birthday ko," paliwanag niya.

"You're not belong here. Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo magkadugo. Remember... ampon ka lang... AMPON," diin ni Lady Veronica.

"Lady Veronica..." inawat ko siya. Hindi na tama ang sinasabi niya.

Lumapit sa akin si Anastacia. Hinawakan niya ang braso ko. Parang siyang batang nagtatago sa likod ko na para bang nakakita ng monsters.

"You see that Abel. Inaaway ako ni ate. Hindi ko naman siya inaano. Mas matanda siya sa akin pero tingnan mo ang attitude niya. Kung ayaw ni ate, ikaw na lang ang iimbitahin ko sa birthday ko," nagsimula na siyang umiiyak.

"Hindi mo ako makukuha sa pagiyak-iyak mo. 'Wag kang paloloko sa kanya Abel. Ginagamit ka lang niya tulad ng ginawa ni Stella sa pamilya ko. Hindi ako papayag na pumunta si Abel because he is mine," tiningnan ako sa mata ni Lady Veronica. Parang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ng kamay ko at pilit na hinihila papalayo kay Anastacia.

"No! Dito ka lang Abel. See her attitude. Ganyan ba ang tamang trato sa escort? Is not human. Pinahihirapan ka niya."

"Don't your dare to say anything bad about me! Wala kang alam."

"I may look younger and fresh than you but I'm smart enough to know what happen between our family."

Hila-hila nila ang dalawang kamay ko. Parang tug-of-war. Ayaw nila akong pakawalan.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon