Chapter 18 - KILLER QUEEN

2K 29 4
                                    

Sabi ni Anastacia simple lang naman daw ang party niya. Pero sa nakikita ko ang simple para sa kanya ay ibang kahulugan para sa mga mayayaman. Sa mismong mansion nila ginanap ang birthday party. Kumpara sa mansion ni Lady Veronica mas maliit lang ito ng konti. As in konti lang. Pero sa katulad ko dalawang barangay na ang katumbas ng lawak ng mansion.

Una akong bumaba. Binuksan ko ang pinto para alalayan si Patrick.

Babaeng-babae kumilos. Walang bahid ng angas. May sumalubong agad sa amin na mga photographer. Panay ang picture nila sa amin. Dahil sanay ng humarap sa camera panay na rin ang pose niya. Samantalang ako silaw na silaw sa mga ilaw. Feeling ko parang artista ang datingan ko. Ayaw nila kaming tantanan sa pagkuha.

"Dumikit ka sa akin," utos ko sa kanya.

"Ano?" balik na tanong sa akin ni Patrick.

"Sabi ko dumikit ka sa akin."

"Bakit?"

"Anong bakit? Malamang magpapapicture tayo."

"Ayaw ko nga. Solo picture toh. Para may mailagay ako sa hideout ko. Compare ko kung sino ang mas astig," ngingiti-ngiti siya sa akin.

Naalala ko ang tinuro sa akin ni Mamalou. Bahagya kong binuksan ang braso ko para magbigay ng signal kay Patrick na doon siya hahawak.

"Isama mo din ako para may remembrance."

May lumapit sa amin na isang lalaki. Pinapapunta kami sa parang photobooth area nila. Magarbo ang background. Pinuno ng mga totoong bulakak. Iba-iba ang kulay. May red, orange, pink, yellow, white, blue etc.

"Let's pose as a couple," bulong sa akin ni Patrick.

So ganun nga ginawa namin. Todo kung makakapit siya sa braso ko. Habang ako naman panay ngiti lang. Medyo nahihiya ako dahil may ibang mayayaman din ang nakatingin sa amin.

Pero maya-maya, humiwalay sa akin si Patrick. Humakbang siya konti sa harap ko.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa ulo habang ang kabila ay sa bewang.

"Hoy anong ginagawa mo?"

"Sakit-ulo pose," agad nitong sagot sa akin.

Nag-iba na naman siya ng posing. Nilagay niya ang magkabilaang niyang kamay sa bewang at bahagyang nag-chin up. Lalo tuloy ginanahan ang mga photographer. Napansin ko na din ang ibang rich people na nagbubulungan at nagtatawanan sa ginagawa ni Patrick.

Bago pa ang susunod na pose hinila ko agad siya.

"Uyyy di pa ako tapos."

"Di ka pa nga tapos pero si Lady Veronica tatapusin ang buhay ko kapag nalaman ang mga pinaggagawa mo."

"KJ naman nito," para siyang batang nagdabog.

Sinundan namin ang mga ibang bisita kung saan sila papasok. Maraming mga bodyguard at K9 ang nagkalat para sa seguridad ng mga rich people. Sa garden gaganapin ang main event. Maraming mesa ang mabubusi na nilagyan ng mga palamuti. Samu't sari ang mga bulakalak. Parang flower theme ang birthday ni Anastacia. Pinapila kami sa entrance. Tulad ng dati, may red carpet sa dadaanan namin. Isa-isa ang pasok namin. Akala mo parang kasal ang pinuntahan mo at papasok ang mga ninong, ninang at mga abay.

May biglang tumapik sa likod ko. Agad naman akong napatingin.

"Joey! Uyyy pre. Musta na?" makikipag-fist bump sana ako pero naudlot ng makita ko ang babaeng kasama niya. Sa tantya ko mga 30's na ang edad nito. Medyo kulutin ang buhok. Tulad ng theme sa party naka-floral dress ito. Maganda sana kaya lang medyo masungit tingnan.

"Are you Abel?" tanong nito sa akin.

"Siya nga, bakit?" ang sumagot si Patrick.

"Hindi yata kayo na inform about sa theme ng birthday or baka hindi nyo binasa ang nasa invitation. Para kayong aattend ng awarding sa Malacanang," banat nito.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon