CHAPTER 24 - MISSING PIECES

1.7K 20 2
                                    

"Kalaboso ang isang grupo pagkatapos kidnapin, saktan at tangkaing patayin ang kilalang negosyante na Lady Veronica. Ayon sa mga biktima, bigla na lamang silang dinukot at dinala sa isang abandonadong warehouse. Doon tinago at pinagbubugbog sila ng mga suspects. Sa pakikipagtulungan ng mga pulis at NBI, agarang nagsagawa ng rescue operation sa mga biktima. Nahaharap sa kasong kidnapping, physical injuries at attempted murder ang mga suspects. Ako si ..."

Pagkapatay ng TV ay agad niyang binuksan ang radio. Umalingawngaw sa buong kwarto ang kanta. Hinubad niya ang kanyang suot na tshirt at tanging itim na shorts pants na fitted sa kanyang mga legs ang naiwan. Nagsuot siya ng gloves sa magkabilaang kamay. Hinigptan niya ang mga iyon para hindi basta kumawala.

Pumunta siya sa isang sulok kung saan naroon ang punching bag. Bahagya muna siyang yumuko na tila may inuusal na dasal. Maya-maya isang malakas na suntok ang ginawa niya. Sunud-sunod ang mga iyon na tila hindi nasasaktan ang kanyang mga kamao. Nagsisimulang lumabas ang kanyang mga pawis. Mas lalong naglabasan ang mga muscle niya. Halatang banat ang kanyang katawan sa ganitong klase ng sports. Tumitindi ang mga suntok na binibitawan niya. Parang hindi bagay ang tingin niya sa sinusuntok niya kundi isang tao at tila ito ang paraan para makaganti siya.

Sa huli, malakas na suntok ang binitawan niya. Nag bounce back ang punching bag. Hindi siya nakaiwas kaya tumama ito sa kanya. Na out of balance sabay napahiga sa sahig. Hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakatingin sa kisame. Parang tulalang nakatingin sa kisame.

Biglang tumunog ang kanyang phone. Dahil pagod, tinamad siyang kunin ito. Tumigil ito ngunit muling tumunog ulit hanggang sa paulit-ulit na. Halatang nabuwisit siya. Agad siyang bumangon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Isang unregistered number.

"Hello?" nilaliman niya ang tono ng kanyang boses para ipahalata sa kabilang line ang kanyang inis dahil sa pangiistorbo nito. Ngunit agad sumagot ang nasa kabilang line.

"Hello?!" naiirita na siya.

"It's me..." sa loob ng halos limang taon ngayon na lang niya narinig muli ang boses na iyon. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Veronica..."

**********

"Si Veronica?"tanong ko.

"Ah... Sir nakaalis na. Kanina pa." sagot ni Ms. Josie.

"Anong oras?"

"Mga alas-kwatro po ng umaga..." sagot agad ni Ms. Josie na parang normal lang sa kanya na ganoong oras pumasok ang amo.

"Ang aga naman! Takot ba siyang ma-late sa EDSA?"

Madalas ko nang hindi naaabutan si Lady Veronica. Noong nakaraan maaga din siyang umalis. Minsan hindi naman lumalabas ng kwarto.

"Nandyan na si Lady Veronica?" tanong ko kay Ms. Martha, bitbit ang ilan sa gamit ng amo.

"Yes Abel but... I'm afraid Lady Veronica does'nt want to see anyone."

"Including me?" napapa-english na rin ako.

"Yes."

"Bat naman po?"

"Personal issue kaya 'wag ka nang magtanong at... tulungan mo akong magbitbit ng gamit niya," nautusan tuloy ako.

Kaya nang sumunod na araw, nagkunwari akong akong nagjojogging kahit masakit-sakit pa ang mga binti ko dahil sa bugbog na natamo ko. Tumigil ako sa parking lot. Hinanap ko ang kotse na madalas gamitin nila kapag pupunta ng opisina.

"Si Lady Veronica po Mr. Simon?" Nakita ko siyang papalapit sa akin.

"Ah... Abel 'bat nandito ka?" pagtataka niya.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon