CHAPTER 23 - FAKE DREAM

1.4K 22 2
                                    

"Patrick!"

Sunud-sunod na suntok at tadyak ang ginawa niya. Halos hindi sila makaporma. Para akong na nonood ng My Wife is a Gangster. Lahat sila taob sa galing niyang mag-martial arts.

"Ano na?! 'Yan lang ba ang kaya nyo?! sigaw ni Patrick.

Sumugod si Bansot. May halo pang talon ang ginawa niya para umabot lang ang suntok nito pero bigo siya. Agad siyang sinuntok nito pailalim at tinamaan ang tyan nito.

Binack-up siya ni Bungal pero this time may hawak siyang dos por dos. Hindi siya agad sumugod. Pinakiramdaman niya ang bawat kilos ni Patrick.

"Paluin mo na!" sigaw ng mga kasama niya.

Umalingawngaw ang boses ni Bungal. Hindi ko alam kung matatawa ako ng bumuka ang bibig niya. Kita ang one sit apart niyang mga ngipin. Nagpa-slide si Patrick para iwasan ang palo nito. Natulala siya. Ang hindi niya alam ay sorpresa siyang sinipa ni Patrick sa likod dahilan upang masubsob ang mukha nito sa lupa.

"Anak ng...!" napamura si Jack. Tinulak niya si Gurang. Kita sa mukha nito na ayaw niyang masampulan pero huli na ang lahat. Magkakasunod na suntok ang binigay niya pero lahat ng iyon walang direksyon. Mabilis ang instinct ni Patrick. Nababasa niya ang bawat kilos nito kaya naiwawasan niya ang mga suntok kahit nakapikit pa ito.

"Psssttt... Lo! Tingin ko kailangan mo nang mag-salamin," hinanap ni Gurang ang boses ng kanyang kalaban. Pagkamulat ng kanyang mata, sumalubong sa kanya ang isang malakas na suntok. Sapul ang kanyang mukha.

"Yes! Yes! That's my Girl...!" napasigaw na rin ako.

Pumunta sa gitna si Jack. Tinanggal ang pulang bandana sa ulo. Mukhang iyon ang signal ng totoong laban para sa kanya. Makikita sa noo nito ang isang mahabang peklat. Marahil nataga ito.

"Hindi ka uubra sa akin! Ito na ang huling gabi mo!"

"Dami mong satsat! For your information, if you're really a man for fight... stop talking... 'cause you know what? There is no such man who will talk nonsense if he really want to end the fight!"

"Ano raw?" napatingin siya sa mga kasama siya. Nagkibit-balikat lang sila. Si Boss pinalapit ang isang guard niya at tinatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Patrick.

"Uulitin ko at tatagalugin ko. Kung tunay kang lalaki, 'wag kang dumakdak... tapusin na lang natin ang laban. Pinapatagal mo pa eh!"

Walang kaabug-abog, sumugod si Jack. Isang suntok pakanan ang binigay niya pero naiwasan agad ito ni Patrick. Binigyan niya ito hand kick ala Ip Man style sa tagiliran. Napaatras ito. Kahit hindi siya ipahalata, alam nang lahat na masakit ang atake na iyon.

"Ano? Suko ka na?" tanong sa kanya ni Patrick.

Dumura si Jack. Inayos niya ang porma ng damit.

This time si Patrick ang unang sumugod. Sunud-sunod na karate ang binigay niya. Halos tadtarin niya ng buong katawan nito. Hindi makaporma si Jack. Sa tuwing susubukan niyang magbitaw ng suntok agad itong nasasalag ni Patrick. Mabilis ang reflexes niya. Marahil matagal na siyang nagsanay sa paggamit ng martial arts.

Napaatras ulit si Jack. Kinapa niya ang kanyang labi. Nakita niya sa kanyang hinlalaki ang malapot na dugo.

"Sumuko ka na! Kahit matalo pa ako sa laban na ito, alam naman nating lahat na hindi ka uubra kay Boss!"

Napangisi si Patrick.

"Mamili ka... luluhod ka o pagpipyestahan sa dyaryo ang..." pero hindi na natuloy ni Jack ang sasabihin niya. Binigyan niya ito ng malakas na upper kick sa mukha.

Napatumba si Jack. Pinuntahan siya ng mga alipores niya. Tinatapik nila ang mukha nito dahil mukhang nawalan ito ng malay. Binitbit nila palayo ang lider nila.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon