Halos isang linggo niya akong hindi kinakausap. Kapag umuwi siya galing sa opisina, diresto agad siya ng kwarto o 'di kaya sa study room. Ayaw niyang magpagambala o magpaistorbo. Kaya ang sistema, ako na lang mag-isa ang kumakain, umiikot sa mansion, namamasyal sa rancho, nakikipag-usap kay Larry at kung anu-ano na lang maisipan kong gawin.
Kahit sila Mr. Simon at Ms. Martha hindi rin mapakali sa kinikilos ng amo namin. Masyadong aburido at madalas mainit ang ulo simula ng gabing makita niya kami ni Anastacia na magkasama sa kwarto. Akala ko nasa state-of-being Patrick pa siya pero nag-transform na pala siya.
Kaya matsambahan ko siya bago pumasok sa opisina, agad ko akong lumapit at kinausap siya.
"Ah... Lady Veronica... magpapaalam sana ako..."
Pero hindi man lang niya ako tiningnan at nakatingin pa rin siya sa phone.
Wow! Busy.
"Magpapaalam sana ako kung pwede day-off muna ako..." kahit gustong-gusto kong idugtong na...
"...tutal wala ng pansinan at wala na rin akong ginagawa sa mansion, UUWI NA LANG AKO SA AMIN! AT HINDI NA AKO MAGPAPAKITA SAYO KAHIT KAILAN!"
Pero ito na ang nakakabaliw. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok sa kotse.
Tinapik ako sa balikat ni Ms. Martha.
"Pasensiya na Abel. Marami lang iniisip si Lady Veronica patungkol sa kumpanya. Hayaan mo. In my behalf, ipapaalam kita sa kanya," sabay ngumiti siya sa akin.
"Salamat po. Pakisabi na rin po kay Lady Veronica... 'wag po siyang papagutom. Kainin niya po 'yung ginawa naming sandwich ni Ms. Josie at..."
Binaba ni Lady Veronica ang salamin ng kotse at dumungaw.
"... at pakisabi be strong..." tumingin siya sa akin sabay irap.
"Sarap dukutin ng mata," bulong ko.
"What did you say?!" sigaw niya sa akin.
"Ahh... sarap 'yung sandwich...Rich in Vitamin A. Pampalinaw ng mata," palusot ko.
"I'm watching you," pananakot niya.
Pagkapasok ni Ms. Martha sa kotse, dali-dali din pinaandar ang kotse.
"I'm watching you... weehhh... hindi mo nga ako matingnan sa mata."
*******
Dumiretso ako ng kwarto. Namili ako kung ano ang isusuot kong damit. Kailangan magmukha akong galing sa Saudi para mapaniwala ko ang bunso namin. Pero sa dami ng mga damit hindi ako makapili. Dahil lahat kasi ito hindi naman talaga ako. Isang ordinaryong lalaking nangangarap ng makaahon sa kahirapan.
"Hayy... tama na ang drama..." pumilas ako ng papel at kumuha ng ballpen. Naglista ako ng kung ano ang pwede kong maiuwi sa bahay.
"Miss na miss ko na kayo..." naiiyak na tuloy ako. Pagdating ko ng bahay, yayakapin ko silang lahat ng mahigpit lalo na si Nanay. Nang huli kaming magkausap ni Janel, nagpapasaway raw si Nanay. Sinabing bawal na bawal siyang mapagod pero sige pa rin siya sa pagwawalis, patagong naglalaba, at kung minsan nahuli nilang nananahi ng mga punit na short ni Mabel.
"Ah... Sir... Saan po kayo pupunta?" sa hindi malamang dahilan biglang lumitaw si Ms. Josie.
"Aatakihin naman ako sa puso Ms. Josie. 'Wag naman bigla-bigla kang sumusulpot," hindi na tuloy ako makapag-emote.
"Pasensiya na Sir. Napag-utusan lang po ako."
"Napag-utusan nino?" tanong ko.
Inabot niya sa akin ang phone. Medyo maingay ang nasa kabilang linya. Maririnig ang ingay at busina ng mga kotse.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomanceSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...