Sigurado ka Mr. Simon?"
"100% sure Patrick.. Hindi pwedeng magkamali ang source ko."
Tiningnan ko ulit ang profile at ang mga picture.
"At last!"
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy ng mga oras na iyon. Excited akong makita siya. Sa loob ng halos limang taon natapos din ang paghihintay ko.
Pinuntahan ko kung saan siya nakatira. Para tuloy akong stalker. Sunod dito, sunod doon. Pagkatapos niya sa trabaho niya, nagtitinda pa siya ng fishball pangdagdag kita. Takam na takam ako habang pinagmamasdan ko ang tinitinda niya. Sa totoo lang medyo natatakot akong lumapit noong una. Baka makilala niya ako pero hindi. Mukhang nakalimutan na niya ang nangyari noon.
Pasimple akong lumapit sa kanya. Kasama ang ibang customer nakitusok din ako sa fishball. Kitang-kita sa mukha ni Abel na kahit mahirap ang buhay kailangan maging pursigido para sa pamilya. Lalo pa akong na amazed na kahit hindi niya kaanu-ano tinutulungan niya tulad ng matandang nagtitinda ng palamig malapit sa pwesto niya.
"Kuya ang anghang naman nito." Naubo ako sa kinain kong fishball. Hindi ko kinaya ang anghang ng sauce.
"Pang extreme ang sauce ko 'teh. Pero para mabawasan ang anghang bili ka na kay Manang ng palamig. Sinasabi ko sayo makakalimutan mo kahit pangalan mo."
Kaya parang blessing in disguise ng makita ko siyang hinahabol ang snatcher. Dahil doon nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama siya. Naalala ko ang takot sa kanyang mukha ng sumakay siya sa kotse. Mabilis ang andar ko para mahabol ang magnanakaw. Todo kapit siya. Parang doon pa lang nagka-idea na ako. Ang idea na magpasaway para pansinin at sawayin ako.
Nakita ko din kung gaano siya katapang ng harapin niya ang hari ng mga hoodlum. Alam niyang mayaman at delikado ang taong makakabangga niya pero hindi siya nag-alangan ipagtanggol ang babae kahit siya pa ang masaktan. Napangiti ako. Natagpuan ko na ang perpektong taong magpoprotekta kay Lady Veronica kung sakaling mawala ako.
Mas lalo ko pang kinalkal ang buhay niya. Doon ko nalaman na ulila na sila sa ama. Siya at ang kanyang Nanay ang bumubuhay sa mga kapatid niya. Pinili ni Abel na tumigil muna sa pag-aaral. Pero hindi mo makikita sa mukha at kilos niya ang salitang panghihinayang. Ang mahalaga para sa kanya ay magkakasama sila at masaya.
Kaya ng malaman kong mawawalan silang bahay, gumawa ako ng paraan para tulungan siya. Kinailangan ko pang magpanggap bilang Lady Veronica para makakuha ng special invitation para sa mga piling candidate. Ginalingan ko ang pag-arte para mapaniwala ang committee. Hindi naman ako nabigo pero kinailangan ko lang magbigay ng donasyon bilang kapalit.
Halos abot-kamay ko na siya habang pinapanood ang interview niya. Kasama ko sa mga gumawa ng katanungan para may mapatunayan akong siya nga ang hinahanap ko. Natulala ako ng ipakita niya ang malaking peklat niya sa likod, ang peklat na nag-uugnay sa aming dalawa. Gusto kong mapaiyak ng mga oras na iyon dahil sa sobrang kaligayahan. Hindi panaginip lahat ng nakita ko pagkatapos ng insidente.
Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan siya sa party. Sa suot niyang dilaw na suit. Doon pa lang stand out na siya. Hindi man siya kagwapuhan pero malalaman mo sa mga mata niya kaya pa niyang higitan ang mga lalaking naroon. He was innocent and very sincere. Nang magsimula ang subastahan, hindi ako nagpatalo kahit alam kong magagalit ang kapatid ko. Marami rin ang nagkainteres sa kanya marahil nagulat sila na ang isang Lady Veronica ay nakipaglaro din. Malaking porsyento ng yaman niya mawawala pero walang katumbas iyon kung mapapasaamin si Abel.
Kaya ng mapalunan ko siya, walang paglagyan ang kasiyahan ko. Sa wakas makakasama na ng kapatid ko ang taong bagama't hindi niya kilala, ang magsasabi sa kanya katotohanan at magiging susi para unti-unti mapatawad niya ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomanceSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...