CHAPTER 32 - CHOICE

1.1K 16 6
                                    

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Abel sa akin habang tinitingnan ang paa ko.

"Okay naman. Kung gusto mo tumalon-talon pa ako eh," pagyayabang ko. Tuloy pa rin ang pagpapanggap ko bilang si Patrick.

"Eh di ikaw na. Kapag nakita ko lang matumba ka ulit hindi na kita bubuhatin."

"Wow! Ang harsh mo sa akin. Subukan mo lang.."

"Subukang..?" mukhang nakahalata yata siya.

"Subukan mo lang na bitawan ako at masasapak kita."

Binitawan niya ang ice pack. Napatingin ako sa ibang kama kung tulad ko ay may injured din pero wala. Hindi ko rin alam kung may medic sa labas.

"Sino ba yung kaaway nyo ni Lady Xanthea?"

"Ah... Ang mortal namin kaaway."

Ngumisi siya sa akin. Di ko alam kung natawa siya sa sinabi ko.

"Si Patricia. Ang kaisa-isang anak ni Don Julio Miguel. Ang may-ari ng 50 branch ng gas station, 10 luxury hotel, 5 mall sa Cebu at isang sikat na resort sa Palawan."

"Wow! Ganun siya kayaman. Sayang di ko siya nakilala agad. " Napatakip ng bibig si Abel. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Sira. Mataas ang standard ng babaeng 'yun kaya malamang hindi ka niya mapipili. Mayaman nga siya pero mas malala pa siya kay Xanthea kung sa larangan lang naman ng pagiging taksil."

Kumuha ng upuan si Abel. Hindi ko alam kung nananadya siya manatili kami sa loob ng clinic para makapagpahinga ako.

"Ako, si Xanthea and Patricia were friends noong high school. Tawag nga sa amin The Big 3 dahil galing nga kami sa mayamang angkan. Pero nagbago ang lahat ng magkaroon ng activity sa school. We have investigatory project. Patricia was belong to Science Department. Student staff siya while me and Xanthea form our own group. Hindi ganoon katalino si Xanthea pero maaasahan mo siya maghanap ng mga materials na gagamitin namin sa project. At dahil taglay ko ang pagiging matalino, we succeed on our project. So Patricia recommend our works in there department. Nagtiwala kami sa kanya so we surrender it, our research and even the product itself para pag-aralan nila."

"Pagkatapos.."

"Pagkatapos ng Science month nagkaroon ng awarding ceremony. Tinawag ang project namin pero ang credit hindi napunta sa amin. Patricia and her stupid group claimed the trophy. Ginamit nila ang idea namin para ilaban sa ibang school. I confront her. Sinabi niya sa akin ng harap-harapan na yes it was your idea but it need to improve para masabing investigatory project."

"Sana sinumbong nyo sa teacher. Mali ang ginawa nila."

"Kapag pera na usapan, talo-talo na. Director ang Mommy niya that time sa school. They do everything para takpan lahat ng kalokohan at kasinungalingan ng anak niya."

"Pero paanong naging mag-kaaway kayo ni Xanthea?"

"I don't know. One day nakita ko na lang siya kasama si Patricia. They both happy kaya pakiramadam ko pinagkaisahan nila akong dalawa. Para akong maiiyak pero nagpipigil lang ako. It was a fresh memory for me. For the first time in my life, ang mga taong pinagkakatiwalaan ko done terrible things on me. I never taught a very special friend of mine will hurt me like this. Pero after that, niloko lang din siya ni Patricia at pinahiya sa buong campus as low class rich girl."

Maya-maya niyakap ako ni Abel. Ramdam ko ang kanyang ulo sa balikat ko. Marahan niyang hinimas ang likod ko. He try to comfort me.

"Teka anong ginagawa mo? Di tayo talo pre," sagot ko sa kanya. Pero ganun man reaksyon ko parang may parte sa utak ko na sana tumagal pa kami ng ganito.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon