NAFALL SAAKIN SI CRUSH

645 39 18
                                    


Ang storyang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kathang- isip lang. Alam mo ang ibig kong sabihin kung may isip ka :)

Babala: Puno po ito ng kajejehan.

© 2017
____

"Break na tayo!" Seryosong saad nito sa kanyang nasa harapan, walang bahid ng kahit anong emosyon, napayuko naman ito at hindi malaman ang kanyang sasabihin, "Anong ibig mong sabihin?"

"Engot ka ba? Break! As in hiwalay!" Bulalas nito, hindi na nya napigilan ang mapahikbi dahil sa walang kagatol gatol na saad ng nasa kanyang harapan, tila ba ito'y desididong-desidido.

"May mali ba saakin?"Tanong nito. Naitabingi naman nya ang kanyang ulo dahil sa kulit ng kausap nya,"Maraming mali saiyo, tignan mo nga ang kulay ng balat mo kulay yelo.Tama! Isa ka lang kasing patatas.”

"Hah! Huwag mo ’kong insultuhin dahil mas matindi pa ang kulay ng balat mo kaysa saakin.Imagine? Kulay green? Because you're just a cauliflower."Sabat nito.

"Hoy bes! Ibaba mo nga yang mga gulay na hawak mo! Nandyan na yung puso mo!" Naibaba naman kaagad ni Archel ang kanyang hawak na mga gulay dahil sa biglang pagsulpot ng hahangos-hangos na kaibigan nito, at ipabalita ang isang good news.

Dont take it serious, she's just playing her food awhile ago, killing time.

"Asan?"Excited nitong tanong habang inililibot nito ang tingin sa buong cafeteria, na kung saan nya hinihintay ang pagdating ng puso nito, which is her crush.

"Nandoon oh!"Turo nito sa labas ng bintana na kung saan, kitang kita ang mga taong dadaan o papasok sa loob ng cafeteria. Pinasingkit naman nya ang kanyang mata, Spotted.

"Sino na naman yung bitch na kasama nya?" Inis nitong turan habang pigil na pigil sa galit,"Hindi ka na sanay, bes! He's always like that."Sagot ng kanyang kaibigan na pati sya ay nakatanaw sa lalaking iyon.

"Kahit na, he's mine!"Mayabang na saad nito,"Sige bes! Support kita kahit mahirap maging kayo!"She said while tapping her shoulder, causing Archel to throw death glares on her.

Inirapan naman nya ito,"Che!"

Makalipas ang ilang segundo ay tuluyan ng nakapasok sa loob ng cafeteria ang taong kanilang hinihintay.Agad naman itong umayos ng upo habang naka-chin up ito.

Nang lumagpas ang lalaking ito sa kanilang harapan ay todo ngiti naman sya kahit na wala talaga itong pag-asang mapansin sya. Malabo talaga, dahil ito'y kilala sa kanilang eskwelahan.

He's Jarvis Undreus Monterde, a total hot-school student, he's still young but he had this intimidating looks that everyone could fall for him, even in just a single glance.Kaya nga sya pinapagpapatasyahan ni Archel.

Hanggang sa tuluyan na nga itong nakalagpas sa kanilang pwesto, ngunit sya ay ngiting ngiti parin na ayaw na yatang matanggal.Her cheeks turns to red everytime she saw her crush.

"Oy bes! May green ka sa ngipin mo!" Pukaw ng atensyon sakanya ng kanyang kaibigan. Nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin ay agad nawala ang ngiti nito sa kanyang labi at napalitan ng panlalaki ng mata.

"What!?"Di makapaniwalang saad nito.

‘Ngumiti ako kay puso tapos may.. green sa ngipin ko? Kakahiya!’

"Joke lang! Di ka na mabiro!"

Binatukan nya naman ito at binigyan sya ng nakakamatay na tingin,"Tangina mo!"

Walang ginawa si Archel kung hindi ang tumitig kay Undreus sa malayo dahil hindi naman nya kayang lumapit rito, dahil sa sobrang angat nya at baka kung ano pang mangyari sakanya kapag kinuyog na sya ng fans nya. Mahal nya nga ang puso nya, pero mahal rin nya ang buhay nya.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon