PAHINA 1

219 33 4
                                    


/Katangahan 101/

{Archel's POV}

"Ma! Asan na yung pabango ko? Yung pulbos ko? Yung suklay ko? Ma! Nawawala lahat ng mga gamit ko!"Maktol ko habang nakadungaw ang aking ulo sa baba ng hagdan. Napansin ko naman na lumabas si Mama galing sa kusina habang sya'y nakapamaywang na humarap sa akin.

"Huwag kasing bunganga mo ang pairalin mo! Nako! Huwag mo kong subukang lumapit dyan, at kapag nahanap ko yung mga gamit mo, Nako! Ikaw ang isasaing ko!" Sermon nito habang nakaduro ang kanyang daliri sa aking pwesto.

Wahhh! Wala kong makita eh! Paano na yan? Paano kapag naamoy ni Crush yung amoy ko? Tapos sabihan nya ako ng amoy malansa? Nako! Ipapagiba ko talaga tong pilipinas! Huhuhu! Tapos yung itsura ko? Baka sabihan nya ako ng aswang o di kaya kapre o mas matinding tyanak!

"Aray!"Malakas na daing ko ng maramdaman kong may bumato sa aking noo, hindi naman yun masyadong masakit, pero dahil sensitive ako pagdating sa balat,"Sinong pesteng gumawa non’!?"Malakas na sigaw ko hanggang sa kaibuturan ng aking kuku sa paa.

"Hoy Archel! Ako ba ang sinasabihan mong 'peste'!?"

Paktay!

Si Mama pala yung bumato saakin, What to do? What to do? Tangina bakit kasi nag-imagine ako kanina? Yan tuloy kung sino na ang napagbintangan ko!

"Ahehehe.."Nagkakamot ulong tawa ko rito.

"Halika ditong bata ka! Halika dito!" Galit nitong saad habang nakahawak ng walis tambo, narinig ko naman ang mga yabag nyang paakyat.

Paktay kang teteng ka!

Takbo!

Agad naman akong kumaripas ng takbo habang hindi pa nakakalapit sa aking pwesto si Mama.Pagkadating ko sa aking kwarto ay agad agad ko iyong ni-lock at sumandal rito.

"Hoy! Lumabas ka dyan, kung ayaw mong ipagiba ko tong pintuan mo!" Saad ni Mama sa labas ng pintuan habang kinakatok ito. Hindi naman ako natatakot kay Mama, kundi sa walis tambo nito.

"Ma! Yung sinasaing nyo nasusunog na!" Narinig kong sigaw ng aking nakakabatang kapatid sa ibaba. Kahit gaano pa kasi kalayo ng kwarto ko at ang agwat sa ibaba ay maririnig at maririnig mo parin ang mga sigawan.

"May kamay ka naman siguro no? Sana naman pinatay mo na yung stove! Nako! kayong mga bata kayo puros kunsumisyon ang binibigay nyo!" Frustrated na saad nito at di kalaunan ay narinig ko na ang mga yabag nyang papababa.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa kasungitan ni Mama kahit kasi galit yan para parin syang nagpapatawa dahil sa mukha nito.That's my family, simple lang ang buhay namin kahit na may companya kami, kung saan si Papa ang nagpapalakad rito.Mayroon akong kapatid, which is a boy.Sya nga palagi kong inuutusan, under yan e’! Paano ba naman dyosa ako!

{Northern Fatima University}

Nakasimangot lang ako habang naglalakad sa Hallway, paano ba naman? Hindi ko talaga mahanap yung mga gamit ko kaya ayun, pinagdiskitahan ko yung gamit ng kapatid ko, kaya eto! Amoy lalaki ako. Muntik pa nga nya akong ihulog sa bintana nya kanina dahil sobrang mahal daw ng pabango nya, kulang nalang ay sabihin nyang ginto ang pinambili nya doon e'! Sarap sipain!

"Hi bes!" Napalingon naman ako sa gilid ng hallway at nakita ko rito ang kaibigan kong kumakaway saakin, masayang lumapit naman ako rito,"Anong amoy yan bes? Panglalaki! Huwag mong sabihin naki- ano ka ah!"Nanlalaking mata na saad ni Nob, ng mapagtanto ko ang ibig nitong sabihin ay agad ko itong binatukan.

"Yang bunganga mo! Baka kung sinong impakto pa ang makarinig at mamis-interpret nila!" Paalala ko rito habang nakatingin sa paligid na tila naniniguradong walang nakarinig roon.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon