PAHINA 10

98 27 0
                                    

/Caring/

"Ate, hindi mo sinabing may superman ka pala!" Panunukso ni Pilot, ang batang aking tinulungan. Hindi ko namang maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil sa kanyang sinabi.

"Bagay kayo! Ikaw si superwoman sya si superman, ako naman si superbaby at tayo ang Super family!" Nagagalak nitong saad at tila nag-iimagine.

‘Sana..’

"Kayo na po ba?" Halos lumuwa naman ang aking mata dahil sa kanyang tinanong.

"Hindi. Bakit, para bang kami?"

"Hindi rin po." Napakibot naman ang aking labi dahil sa kanyang sinagot, akala ko 'oo' sya.

"Pero alam ko pong gusto nyo sya!"

"Paano mo nalaman?"

"Di po ba obvious? Kanina pa po pulang- pula yang mukha nyo at para rin po kayong nag- pipigil ng kilig."

Nanlaki naman ang aking mata at napahawak sa aking pisngi, tama nga ito dahil ang init ng aking mukha na tila may sinat.

"Alam nyo po ang pag-ibig parang yung ginawa nyo kanina. Hindi nyo po sya makukuha sa madalian, katulad ng fishing rod kanina. Kaya kinailangan nyong subukin ang mas mahirap na paraan para makuha ninyo ang gusto ninyo pero dahil nga po pag-ibig, hindi mo po maiiwasan ang kabahan at mag- alinlangan at mas lalong lalo na po ang masugatan, katulad nyan sa paa mo. At dahil nagpakahirap ka, kaya ka nya sinalo ng mahulog ka dahil alam ng tadhana na worth it kang tulungan. Kaya sa huli, kilig na kilig ka."

Natigilan naman ako dahil sa kanyang sinabi, at hindi ko maiwasang mag-isip. Ngayon lang nag- sink in saakin yung ginawa ko kanina. Ang talino naman nya at nagawan nya iyon ng isang kahulugan kahit na bata pa ito.

"Ang rami mo namang alam."

"Kaya nga po Pilot ang pangalan ko kasi Piloto ako ng pag-ibig, kaya love is in the air." Natawa naman ako dahil sa kalukuhan ng batang ito. Pero kahit ganon' ay may panghihinayang parin ako.

‘Ang tanong sasaluhin nya ba talaga ako? Eh ang dami ng sugat ng aking puso.’

"Oh! Nandito na pala sya!" Kindat nito saakin. Pinigilan ko namang huwag pamulahan ng mukha ng lumapit ito saakin.

Inilislis naman niya ng ka-unti ang dulo ng aking pantalon at inilibas lahat ng pinamili nito. Isusulat ko talaga ito sa diary ko! Wahh! Ang bait nya.

"Oh." Napatingin naman ako sakanya ng bigyan nya ako ng icepop. Kinuha ko naman ito at binuksan,"Para maibsan ang hapdi." Saad nito. Hindi ko naman ito binigyan ng ibang kahulugan dahil sa totoo lang pinapakain ako nina Mama noong bata ako ng malalamig para daw di ako umiyak sa hapdi. Pero, baka alam nya iyon matagal na.

Patuloy lang ako sa pagkain ng Icepop habang titig na titig sakanya, napansing ko naman tumabi saakin ang bata habang nakatingin rin kay Puso,"Ate, baka sya ang matunaw at hindi yang kinakain mo ah!"

"Ingatan mong huwag matunaw! Limited edition pa naman yata iyan." Nahahagikgik nitong saad, kung nakakagalaw lang siguro ako ng maayos matagal ko na syang isinabit patiwarik, nakakagigil eh.

"It's done." Anas ni Undreus ng matapos nyang balutin ng bandage ang aking paa. Napansin ko namang kinuha nito ang aking sapatos at dahan- dahang itong isinuot. Nagpasalamant nalang ako sa diyos at hindi bumigay ang sapatos ko. Hihi!

"Pilot!" Napalingon naman kaming tatlo nina Pilot ng biglang may tumawag sa pangalan nya. Isa itong madre. Masayang nagpaalam naman saakin si Pilot kaya ngumiti ako rito.

"Tama lahat ng sinabi ko!" Habol nito bago tuluyang umalis. Tumingin naman ng nagtatakha saakin si Puso ngunit umiling nalang ako sakayan. Mabuking pa ako.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon