PAHINA 4

116 27 0
                                    


/All day bad luck/

Naranasan mo na ba yung araw na lahat ng nasa paligid mo ay sadyang iniinis ka? Napatingin naman ako sa aking gilid at hindi ko maiwasang mapataas at mapatirik ng mata dahil sa mga tambay na nagsasayaw rito.

"One, two, three!"

And they started dancing again.. they were repeating that dance steps for a million times!

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang nakakibit balikat ngunit agad akong napapadyak sa kabwisitan ng makakita ako ng couple sa aking dadaanan, at ang mas masama sobrang clingy!

"Sweet sweet naman ng bebe ko!"

Argh! Sipain ko kayo e! Really? Sa kalsada? Kung hindi nga naman kayo makakati.

Naglakad na lamang ako habang inis na inis at hindi makapaniwala sa kamalasang nangyayari saakin. Tadhana ba iyon or not? Duh? Kagabi, hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa pesteng aspiring dancing na iyan and my ‘stupid’ crush! Ngayon? Dancing and loving? At talagang sa harap pa ng aming bahay! I am being played?

Hindi ko na lamang sila pinansin at tinahak na ang daan papunta sa skwelahan. This will take a while.

"Hala bes? Sinong bumugbog sa iyon?" Bungad sa akin ni Nob sa harap ng gate, hindi ko nga alam kung bakit nandito ito dahil palagi nya akong hinihintay sa tapat ng room, pero ngayon tapat ng school na, baka sa susunod nyan sa tapat ng bahay na.

"Wala to, kunting eyebags lang yan." Saad ko rito,"Kunti? Eh mas malaki pa yan kaysa sa singkit mong mata eh!" Sumbat nito kaya napairap na lang ako. She is indeed my friend, kilalang kilala ako eh! Kahit sa paglaki ng eyebags ko, napansin nya. Medyo singkit ako na may tsokolateng mata.

Naglakad na kami sa hallway pero kalaunan ay napatigil kami sa paglalakad – sya lang pala,"Right! May chika ako!" Napabalik naman ako sa kanyang tabi habang nakakunot ang aking noo, she was searching something inside her bag.

"Ano naman yun?"

"Wait... Saan na ba iyon?... Oh wait here it is!"Sabi nito habang nakataas ang cellphone nitong nakalkal nya sa kanyang bag.

"Nakita mo na ba ito?" She asked kaya agad naman akong dumungaw sa cellphone nyang nakabukas ngunit bumagsak ang aking mga balikat ng makita ito.

Jarvis Undreus Monterde... In a relationship.

That was written in his status, so he updated it? To whom could it be? Pero napalatak ako ng may maalala ako. Ms. Jalia?

I thought she's an angel but now? It is really an upside world. What you thought she is, doesn't really fits in her. Hindi ko naman sya hinuhusgahan, sinasabi ko lang kung ano yung alam kung totoo. Sabagay, kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sakanya kahit nga yata bakla nagpapakatotoo lang dahil sa kagandahan nya at kabutihan.. at isama nyo narin ang medyo kalandiang taglay nya.

"The newly couple is here!"

Napapihit naman ako paharap sa aking likuran ng makarinig ng sigaw na iyon. At doon na nga tuluyang tumalsik ang aking kilay sa kisame. Si Undreus at si Ms. Jalia, habang masayang naglalakad sa hallway. ‘Pag lumagpas kayo dito, babatuhin ko kayo ng black shoes!’

"Bes? Ayos ka pa?" Tanong ni Nob sa aking gilid ngunit nakatuon lang ang aking pansin sa dalawang taksil sa aking harapan.

Maganda sya, diwata ako. Matangkad sya, may itatangkad rin naman ako. Matalino sya, henyo ako. Maputi sya, diwata nga! Complete package na iyon! Petite sya, sexy ako. Napapilig naman ako ng ulo dahil sa mga thoughts na aking naiisip. Napatingin naman ako kay puso at ang taksil, inaakbayan ba naman si Ms. Malands.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon