PAHINA 8

90 29 0
                                    

/Jersey/

"Break!" Napahinga naman ako ng maluwag ng isigaw iyon ng dance instructor namin. Hindi ako halos makahinga ng maayos dahil sa pagod at feeling ko nagkandabali-bali lahat ng ribs ng katawan ko.

"Oh tubig!" Bigay saakin ni Nob ng makalapit ako sa kanyang pwesto. Tinungga ko naman iyon ng isang beses dahil sa sobrang uhaw. Imagine, umaga kami nag-practice hanggang  sa abutin kami ng bente quatro oras.

"Infairness saiyo ah! Pumayat ka ng isang pursyento." Pang-iinis kaagad saakin ni Nob. Pinalo ko naman sya ng empty bottled sa noo na ikasama ng tingin nito saakin.

"Huwag mo 'kong pagtripan ngayon! Wala 'ko sa mood." Seryosong saad ko habang nakatingin sa malayo.

"Weh? Wala sa mood o nagseselos ka lang?"

Napiga ko naman ang hawak kong bote habang nakatingin sa dalawang kanina ko pa pinagmamasdan. Sino pa ba? Eh di ang bumubuhay saakin na si Undreus at ang pumapatay sa akin na si Ms. Jalia.

‘Grrgh! Kung di ka lang maganda eh!’

Akala ko sasaya ang buhay ko dahil sa magkakasama kami ni Puso sa iisang club ngunit hindi pala, nakihati rin pala ng pwesto ang impyerno sa langit. And she was paired with him while the ‘asang- asa girl’ ay kay Glenmore. Nagulat ako ng malamang kasali sya rito, eh sa pagkakaalam ko hindi sya nag-audition. But the manager said, she's talented kaya nakuha sya kaagad.

‘Nasan ang hustisya!?’

"Bes naman kasi hayaan mo na yang lalaking yan, nahanap na nya ang ka-meant to be nya. Huwag kang mai-stuck sa kagaya nyan, hindi lang sya ang lalaki sa mundo." Wika ng aking kaibigan kaya napatingin ako rito bago tumingin ulit sa malayo na tila iniisip ang sinabi nito.

May point naman sya kaya lang,"Pero sya lang ang lalaking mahal ko sa mundong ito."

"Kung ako, ikaw matagal ko na iyang sinagasaan ng kotse." Suggest nito kaya napairap naman ako sa kawalan.

"Ang tanong may kotse ba ako at Ikaw ba? Ako?" Sarkastikong tanong ko rito. Kung may razor lang akong hawak matagal ko ng linagyan ng poknot yang babaeng yan, ang landi eh!

"Sige! Dahil mas may isip ako! Plano dos tayo." Nakangiting saad nya saakin kaya napasulyap ako rito.

"Ipapakita natin kung sino ba talaga sya," nakangising saad nito. Minsan talaga kahit matalino sya, hindi ko maiwasang kilabutan sa itsura nya.

*

"Ang sikreto ng kalandian." Saad nito habang ipinapagapang sa kanyang kamay ang alaga 'daw' nitong makamandag.

"Buhay na ahas?" Natatakot kong saad. "Hindi kaya masinghot nya ang butas ng kanyang ilong dahil sa gulat pagnakita na yan?"

Kulay green ito na maliit lang ngunit talagang ito'y nakakatakot pero sabi ni Nob, wala na itong pangil para sa kanyang seguridad. Alaga nya eh!

"Kahit singhutin nya pa ang kanyang kulangot! Wala tayong pake!"

"Baka magka-heart failure yon?"

"Heart-failure? Hindi noh! Baka facial expression- failure." Natatawang saad nito na tila iniimagine ang mukha ni Ms. Jalia kapag nakita na nito ang kanyang kamukha at kadugo.

"Ay hindi! Baka nga i-greet nya pa eh! ‘Hello snake, it's been a while! How's our tribes?’ baka ganon' pa ang sabihin nya." Naeengot na saad nito hindi ko namang maiwasang mapahagikgik ng dahil rito. Sabagay.

"Hoy, Nobang! 'Wag mong ikalat yan sa school nyo ah! Baka mapatay nila iyan, kawawa naman." Sigaw ng kanyang nakakatatandang kapatid na babae sa loob ng kanilang bahay. Parehas kaming umuwi sa kanyang bahay para lang kuhanin ang ahas na ito. 'Ta mo, pa-vip!

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon