PAHINA 16

85 26 0
                                    

/ICEPOP/

"Uy! Hipan mo naman, gusto mo yatang matunaw yung dila ko eh!" Reklamo ko habang inilalayo ang kutsara sa tapat ng aking bibig na may lamang sabaw ng sopas.

"Ikaw nalang kaya tutal ikaw naman ang kakain, uutusan mo pa ‘ko." Nakabusangot nitong saad. Napairap naman ako sa kawalan at inagaw sakanya ang sopas. Humigop naman ako rito habang kami'y nanunuod ng pelikula. Medyo may kadiliman pa sa labas, pero dahil sa hindi ako pinapatulog ng sakit ko kaya hindi rin makatulog si Mr. Kinalimutan.

"Alam mo sa ganitong oras daw lumalabas lahat ng mga masasamang espirito." Pananakot ni Mr. Kinalimutan na talagang pinababa pa ang kanyang boses,"Tapos?" Nakapilig ulong tanong ko sakanya. Hindi naman ako natatakot sa ganitong oras dahil wala namang totoong multo o ano pa. Kathang-isip lang iyon, panakot sa mga batang duwag.

"Hindi ka natatakot?"

"Paano naman ako matatakot? Eh katabi ko na nga si satanas oh!" Pambabara ko sakanya habang nagpipigil ng tawa.

"Sa gwapo kung ‘to? Si Satanas ako? Never."

"Sa yabang mong yan? Buti di ka pa tinangay ng hangin."

"Hoy! F your I! I was born like an angel."

"Shessh! But grew like a demon, you say! Gotcha!" Natatawang pang-iinis ko sakanya. Urgh! I never knew this moment would happen. Mataas sya noon eh! Pero ngayon nasa harapan ko na sya, nakikipag-usap saakin at nakikipag- asaran na hanggang dasal lang noon.

"Hindi ka ba talaga natatakot? I mean ibang bahay ito? You never know what's behind every door."

"And you dont know what's behind every person."

"Tsaka, ba't naman ako matatakot sa ganitong bahay? It's not spooky and creepy," dugtong ko. Napansin ko namang ngumiti ito ng bahagya kaya napangiti rin ako. Mga nasa crush-moments list ko ay tila natupad na lahat.

"Bakit ikaw natatakot ka ba?" Nakatinging tanong ko sakanya. "Sort of, nasanay na kasi ako sa mga kwento ni Yaya Melinda ng ako'y bata pa. She said ‘you'll hear noises and stumps’ once the monster wants to eat you."

"Pfft. That's hilarious. Wal–" napatigil naman ako sa pagsasalita ng makarinig kami ng ingay mula sa ibaba. Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.

"Baka yung aso nyo lang iyon." I said.

"Pero wala kaming aso!" Kinakabahang bulong nito. I breathe to air bago tumingin sakanya.

"Like dogs, monster can sense fear."

"What? I thought you don't believe on them?"

"Well, just my instinct."

Napabaling naman kami sa may pintuan ng makarinig ng mga yabag mula rito. Hindi ko namang maiwasang mapataas ng kilay ng makitang may umiilaw sa labas ng pintuan.

"May glow in the dark monster ba?" Tanong nito ngunit hindi ako nakaimik. Wala nga akong kaalam- alam sa mga halimaw eh.

"Hck! Malapit na sya!" Natatakot na turan nito habang kinakagat ang kanyang mga daliri. "Stop acting like that, you look like an idiot."

"How can I supposed to not be afraid?"

Nawala naman ang pansin ko sakanya ng marinig ang tunog ng doorknob na tila pilit binubuksan. It's locked. Yes! Ngunit agad kaming napaurong ni Mr. Kinalimutan sa headrest ng kama ng makarinig ng susi.

"What the hck! Paano sya nagkaroon ng susi?"

"Malay ko!"

Fallen brave! Great.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon