PAHINA 14

80 27 0
                                    


/Bullied/

"Ms. Alcantara, paki- lagay nga sa aking opisina ang mga ito." Utos ng aming professor habang ini-aabot saakin ang nagtataasang kumpol ng mga papel. Kinuha ko naman ito at halos hindi ako makalakad ng maayos dahil sa nakakasagabal ito sa aking paglalakad at ang bigat- bigat pa.

Padabog naman akong naglakad sa hallway habang ako'y nakabusangot. Tila talaga nanadya ang tadhana, may sakit na nga ako binubogbog pa ako sa trabaho. Haler? Hindi kaya ako empleyado rito!

Lumihis naman ako ng daan ngunit hindi ko nakontrol ang aking sarili ng bigla na lamang akong makaapak ng madulas na bagay na dahilan para ako'y sumalampak sa sahig at lahat ng papel ay lumipad at kumalat sa sahig. Oh shit!

"Hahaha!" I heard weird chuckles sa aking gilid kaya ako'y napabaling rito at doon ko nakita si Ms. Bee habang kasama nito ang ka- colony nya,"Im not a loser." Saad nito at sinipa nya sa aking direksyon ang isang madulas na sabon na sumapol sa aking noo. Napahawak naman ako dahil sa tama nito.

Kinuha ko naman ang sabon na ibinato nya saakin at dahilan ng aking pagkakadulas at ibinato iyon sa kung saan dahil sa pagkabanas.

"Im not a loser... Blah blah blah!" I mocked habang inis na inis na pinupulot lahat ng nagkalat na papel sa sahig. Kung hindi lang ako papagalitan ng Professor namin na iyon ay hindi ako mag-eeffort na pulutin ang mga ito.

"You're like a dumb, mimicking someone's voice." Napatingin naman ako sa paa ng taong nagsalita ng ito'y tumigil sa aking harapan. Tumingala naman ako rito at hindi ko maiwasang panlakihan ng mata ng makita na naman sya, si Mr. Kinalimutan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya habang hindi sya binabalingan ng tingin. Napansin ko namang umupo ito sa aking harapan at tinulungan nya akong damputin lahat ng mga nagkalat na papel.

‘Ba't ba bigla nalang syang naging ganito? Ni hindi nga kami mag- kaibigan. May tuliling yata sya eh.’

"Wala naman," maikling saad nya at pareho kaming tumayo ng matapos naming damputin lahat ng mga nagkalat na papel. Urgh! My head and back hurts.

"Akin na." Utos ko na tinutukoy ang mga papel nitong hawak,"Tulungan na kita." Presenta nito at tumalikod. Napa- irap naman ako sa kawalan dahil sa kulit nito. Maarte na kung maarte! I dont care.

"Hindi na kailangan, tinulungan mo na ako kanina. Atsaka, baka confidential ang mga laman ng mga iyan, pagalitan pa ako." Rason ko sakanya. He turn his body at me while his eyebrows were too high, it can even touch the ceiling.

"Bakit naman nya ibibigay ang mga papel na ito kung ang laman nito ay confidential? And precisely it looks like a trash. At baka lumala pa yang sakit mo, kaya kita tinutulungan."

"No. I dont need your help. Im too old, so I can handle these papers." Asik ko at pahablot na kinuha ang mga papel sa kanyang kamay. I know it's too much, pero manhid naman sya kaya hindi nya iyon mapapansin. Tao sya, pero tao rin ako.

"And by the way, thank you." Pasalamat ko sakanya. Taas- noo naman akong lumakad papaalis rito ngunit ako'y napatigil ng isang hakbang dahil sa binitawan nitong mga salita.

"Pasensya na kung may nagawa man akong mali saiyo. Pero sana malaman mo hindi ka nag- iisa."

Lahat ng tatag ko ay unti- unting nagigiba dahil sa simpleng lintanya nito. Yun ang tanging salitang gustong- gusto kong marinig mula sa kanyang bibig, kahit isang beses lang. Ba't ba ang hirap ng sitwasyon ko? Tumawag nalang kaya ako sa mental at magpakulong roon? Baka sa kakaisip ko sakanya ay mabaliw na ako! Advance lang ako mag-isip. Possible rin kasi iyon.

Napalingon ako sakanyang pwesto ngunit hangin nalang ang tanging sumalubong saakin dahil ito'y nakaalis na. Pumihit naman ako paharap at tuluyang naglakad. Pero hindi ko maiwasang isipin kung anong ibig sabihin niya sa huli ng kanyang salita. Baka LQ sila. Pst. The hell I care.

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon