PAHINA 5

115 31 0
                                    


 
/When you Fall on the Floor/

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakatayo at nakaharap sa isa't isa. Napatingin naman ako kay Undreus at sobrang seryoso ng kanyang mukha habang ito'y nakatingin saamin, habang si Ms. Jalia naman ay nakangiting nakatingin saamin. Habang ‘kami’ ay ganon rin ang expression.

Aabutin ba kami ng dilim rito? E, kanina pa kami nandito, ni isang bunganga ay wala manlang nagsalita. Haler! Pinapapak na ako rito ng lamok oh! At hindi naman ako makapagsalita dahil si Glenmore lang naman ang may ‘kakilala’ saakin. Ni hindi ko nga alam kung alam ng dalawang ito na nag-eexist ang katulad ko.

*Peep* *Peep!*

"Hoy! Kung may reunion kayo! Huwag kayong magcelebrate dito sa daan! Nakakaperwisyo kayo e," Singhal saamin ng isang driver kaya dali dali namang kaming tumagilid para hindi kami mategi dahil sa mukhang nakainom ng kaunti yung sumita saamin.

"Sorry naman ho, Nong!" Paumanhin ko rito ngunit hinasikan nya lamang ako at pinaharurot na nya ang kanyang kotse. Kung makapagpaharurot akala mo naman kung latest model yung kotse na. Eh parang decada nobenta pa iyong model ng kotse nya.

"Oh sya! Mauuna na kami." Paalam ni Glenmore sa dalawa at hinila na nya ako ngunit gayun na lamang ang pagtigil namin sa paglalalad ng mapansing tumabi saamin ang dalawa.

"Saan kayo pupunta?"- Glenmore

"Uuwi na." Kahit hindi ko sya tignan ay alam kong si Undreus ang nagsalita, ang hot! Hindi ko namang maiwasan ang kiligin dahil hindi pa masyadong tumatama sa akin ang realidad na may girlfriend na ito.

"Oh! E, saan kayo pupunta ng magkikita tayo?" Glenmore asked. Oo nga, saan nga ba?

"Ah! Kasi ano... Kasi may hinahanap kami." Nauutal na saad ni Ms. Jalia kaya napa-ahh na lamang si Glenmore. Ano naman kayang hinahanap nila?

"Mga aso bumalik kayo dito!" Napalingon namang kaming lahat sa pinanggalingan ng boses na iyon. At gayun na lamang ang pag-atras ng isang paa namin ng may mga dambuhalang asong papalapit saamin habang sa likuran nito ay mga amo nila. Ang lalaki nila, tapos anim pa sila at ang masama papunta pa sa aming direksyon.

"Arf! Arf!"

"Takbo!" Sigaw naming pareho ni Glenmore and without a glimpse ay kung saan saang daan na kami lumusot. Ba't ba minamalas ako ngayon araw? Dahil ba sa gumawa ako ng sariling mito ko na kapag may napulot akong singko ay may magandang mangyayari? Huhu!

Hindi ko alam kung saan saan na napadpad ang aming mga katawan dahil sa bilis naming tumakbo. Napatigil lang ako sa pagtakbo ng mapansing wala na akong marinig na tahol ng mga aso at malapit narin akong pumuti dahil sa kinakapos na ako ng aking hininga. Napakapit naman ako sa poste habang nakahawak sa aking dibdib dahil ito'y sumakit sa mala-fun run na iyon.

"Hayst. Buti buhay pa tayo, Gle –!" Napatigil naman ako sa pagsasalita at hindi maiwasang manlaki ang mata ng makita ko ang  taong kasama ko ngayon sa eskinitang aking napasukan.

"Jarvis..?" I asked in confusion. Akala ko si Glenmore yung kasunod ko! Pero iba na pala, my puso. Ito na ba ang time na masasabi kong... Destiny kami. Hindi ko alam kung mamimilipit ako sa kilig o ano dahil ang gwapo nya, isama mo pa na may butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo. Hindi naman sa makapal ang mukha, Well, slight lang naman. Pero of all time? Hinahabol rin ako ng Crush ko? My Ghad.

Nakaka-ilang, that's the exact word that can describes as now. Paano ba naman ni paghinga ay wala kang maririnig sa amin. O ako lang talaga ang naiilang? Ako lang naman ay may gusto e! Naglalakad na kami ngayong patungo sa pwesto namin kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasagot sakanya kanina e!

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon