PAHINA 13

80 26 0
                                    

/Move on or loving on?/

"La..la..la." I hummed while walking at the passage way. Dinaramdam ang ulan, kasabay ng pag-agos ng aking luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hays! Pag-ibig nga naman oo! Nandoon na ako sa punto na sobrang lapit ko na sakanya, na ilang mang panahon ay tataas na ang lebel namin, ngunit dahil sa sagabal sumusuko na ako kahit abot tanaw ko na sya. Ang daling ma-fall, ang hirap makabangon. Kung sana lang at sinalo nya ako at pinilit ibinangon ay hindi ko sana pagsisihan na nagpakatanga ako sakanya.

‘Hi, tadhana! Iwas iwasan mo namang pagmalupitan ako. Masakit eh, masakit lalo na't nahulog ako sa isang bitag na wala ng kakalabasan, not unless someone would probably help me. Guess, no one actually can.’

Napatigil naman ako sa pagtawid sa kabilang linya ng may bumanggang papel sa aking harapan. Pinulot ko ito at hindi maiwasang mamangha sa disenyo, hindi kasi ito nababasa ng tubig dahil may cover ito. Mga pusong buong- buo, hindi nasisira kahit na may bagyo. Baliw!

"Huwag kang sumuko, nasa unang baitang ka palang ng pagsubok." Basa ko sa nakasulat rito. Hindi ko namang maiwasang mapangiwi at mapakamot sa aking batok. Seriously, pinaglalaruan ba ako ng tadhana at may pa- ganito ganito pa sya? Naniniwala na akong mapaglaro ang tadhana.

"Paano naman ako hindi susuko kung ganon ang nangyayari saakin? Isinuntok sa akin eh!" I said hilariously.

"A-ray!" Daing ko ng may maramdaman akong bumato sa aking ulo. Masakit na nga ang puso ko pati pa naman ulo ko papasakitin pa nila? Urgh!

Pinulot ko naman ang pesteng papel na ibinato saakin ng kung sinong tadhanang iyan,"So you're mailing me with this pieces of papers?" Tanong ko habang nakatingin sa taas. Binuklat ko naman ito at binasa.

"Do you want to know the answer?" Basa ko rito. Napakunot ako ng noo dahil sa itinanong nito, tinignan ko naman ang likuran ng papel at nakakita ako ng arrow habang itong nakaturo sa aking left side.

"If you still want to live, go straight!"

*Peep!* *Peep!*

"Kyahhh!" tili ko at dali- daling tumawid sa kabilang kalsada, I let out a deep sighed before looking at the car's driver ngunit nanlaki ang aking mata ng kumindat ito saakin. Pero nagulat ako ng bigla nya nalang akong batuhin ng papel, sinalo ko naman ito at dali- daling binuksan.

"He's coming.." basa ko.

"Who's coming, jerk!?" Pasigaw kong tanong sa driver nito ngunit ako'y napangiwi ng ipaharurot nya nalang bigla ang sasakyan niya. Napatingin naman ako sa papel hanggang sa tuluyan ng mabura ang nakasulat rito dahil sa malakas na pagpatak ng ulan.

"Ba't ka sumisigaw!"

"Hah!" Napatalong paharap naman ako sa aking likuran ng bigla nalang may magsalita mula roon. Papatayin mo ba talaga ako tadhana?

"J-aru?" Nauutal kong untag sa pangalan nito. The person who made me cry is infront of me while smiling. Anong nginingiti- ngiti mo dyan? Suntukin ko yang mga ngipin mo eh! Tignan ko lang kung makahalik ka pa ng higad!

"Yeah.. Anong ginagawa mo? Ba't ka nagpapakasasa sa ulan? Halika rito." Utos nito pero ako'y napailing sa kanyang sinabi. Ano ako tanga? Tapos na ang mga araw na nabulag ako saiyo, ngayon ang araw na gusto kong makalaya sa bitag mo!

"Leave me alone." Matigas kong saad.

"Why? I can't leave you, baka magkasakit ka."

‘Enough with that words! Baka mabuhay na naman ang mga malalanding cells ko at sumama na naman saiyo ang puso ko!’

NAFALL SAAKIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon