25

3.6K 75 9
                                    

Hindi nag salita si Braxton ng ilang minuto. Then he felt him held her hand. Mahigpit siya nitong hinawakan daig pa na pinapalasap nito sa kanya na ayaw siya nitong bitawan. Napatingala si Cara sa langit. Ninanamnam niya ang pagkakataong kunwari ay kanya ito. Nagkakasya na siya sa kunwari. She will allow herself to be happy kahit alam  niyang hiram lang ang mga araw na pwedi niya itong tawaging kanya...

"Cara... you were just a day late. Kung alam ko lang sana...kung alam ko lang."

Kahit ayaw niya ay napapikit siya sa sinabi nito. Parang may napaka tulis na punyal ang itinurok sa kanyang puso. 

"Braxton, pinagkakasya ko ang sarili ko with the thought that everything happens for a reason. Kaya kahit ano man ang ibinigay ng tadhana sa atin... let's let it be. Mali ang maging masaya na may matapakang iba. Kaya nga...kaya nga may durasyon ang pagpapakasala kong ito... mali man. Pero ito na ang huli. At ni minsan ay alam kong hindi ko ito pagsisisihan... paba-unan mo ako Braxton... kahit, kahit mga masasayang ala-ala man lang..."

Biglang niyakap siya nito mula sa likuran. Yakap na napakahigpit. Nagpapatianod lang siya. Ninanamdam ang lahat ng pweding ibigay ni Braxton sa kanya sa mga nakaw na sandali.

Mahigit sampung minuto sila na nasa ganun lang sitwasyon ng bumulong ito sa taenga niya...

"Gusto mo bang panoorin natin ang video mo na iniwan sa akin...? alam mo bang libo-libong luha ang umagos sa akin sa tuwing tinitignan ko yun dati..?"

"B-braxton..."

"Cara itanim mo sa puso mo na kahit ano paman ang kahihinatnan ng lahat... kahit sino pa man ang magiging makatuluyan natin sa huli... kahit darating ang panahon na maputi na ang mga buhok natin ay nandito ka parin." at iginiya nito ang kamay niya na hawak nito sa tapat ng puso nito... "dahil hindi mapapalitan ng kahit na sino na bahagi nito ay ikaw ang may-ari... you will remain as the sunshine of my life. Ang bukang liway-liway ng puso kong dati ay nailibing na ng pagkakataon... Na kahit magmahal o magmamahal ako ng iba. You will remain to be my soulmate. Kahit hindi tayo ni minsan pinaburan ng pagkakataon. Tama na sa akin na naging bahagi ka nang buhay ko. Kahit alala mo nalang ang matitira sa akin... wala na akong mahihiling pa...even if... even if you are just a passerby in my life. Even if you are never meant to stay..."

"B-braxton... pabaunan mo ako ng masasayang ala-ala pero huwag naman mga ganoong salita... maawa ka... because after a month, baka...baka hindi ko na kayang iwan ka pa. Baka hindi ko na kakayaning ibalik ka pa sa bagong nag mamay-ari sayo..." 

She tried her hardest to not let go of the tears that she badly stopped from falling... pero hindi siya nagwagi. Nag uunahan na namang mag landasan ang luha niya. How can she possibly let him go after a month when she knows they have the perfect love at the very wrong time...again???

(COMPLETED)The Heart Recognizes- MR. STONE BOOK 2Where stories live. Discover now