33

3.9K 82 5
                                    

Kay daling lumipas ng 26 na araw.  It has been 26 days, at hindi man lang nila namalayan ang paglipas ng 26 days dahil sa sobrang enjoy nila ang bawat isa. 

Ngayon ay natutulog si Cara sa tabi ni Braxton. They had another fulfilling love making. Three rounds actually. They had figured out a lot of things. Sobrang compatible nila sa isat-isa. Sa loob ng halos isang buwan ay pawang adventures lang at kasiyaan ang pinagsaluhan nila. From outdoor adventures, tulad ng pangangahuy sa gubat... pag ha-harvest ng mga tanimang gulay sa loob ng resort ni Braxton, pangingisda, diving, swimming, pati na rin indoors na mga gawain ay nag kakasundo sila. Cara loves cleaning the house while Braxton do the cooking and the dishes... even adventures in bed. They are super compatible. They have the same energy and Adrenalin in bed. 

Parang isang taon ang ilang araw lang nilang pagsasama. maybe it has something to do with the idea that they both know they only have one month. Dahil sa ideyang yun ay sinusulit nila ang bawat araw...

Ngayun ay nakatitig siya sa babae. Halos buo na ang pasya niya. He won't ever let Cara go again. He knows that it's really her who he loves. He tried to convince himself. to weigh his feelings to give justice for Megans side. Pero ayaw talaga maki cooperate ang puso niya. Buo na ang loob niya...tatanggapin niya kahit anong masasakit na pweding sabihin ni Megan sa kanya... Sbaya nilang haharapin ni Cara si Megan. They will both support her on her medical journey. Pero talagang hanggang pag kakaibigan nalang ang kaya niyang ibigay dito. He have made up his mind because his heart has decided....

Hihintayin niyang gumising si Cara, to tell her how he feels. 

Pero nag ring ang phone niya...its his secretary. It's 12am. 

"Yes...? bakit napatawag ka? emergency ba?"

"Ayyy Oo po sir! sir.....si Mam megan po. Apat na araw na po siyang nasa ospital at talagang ayaw niya pong ipasabi sa iyo. Malubha na po talaga ang kalagayan niya... Sabi po ng pamilya niya ay mamayang alas sais ng umaga na siya ililipat ng hospital. Parang sa ibang bansa po ata siya dadalhin...tapos sir, di na po kaya ng konsensya kong hindi kayo sabihan..."


  "Shit! ipasundo mo ako kay Martin! ngayon din!"Si Martin ang  private hired pilot niya.

Agad niyang ginising si Cara upang mag paalam dito...hindi na sila nakapagusap. He is pre occupied. Kaibigan niya parin si Megan, at alam niyang kailangan siya nito. Hindi siya nito iniwan ng limang taon. The woman had been his rock. Ito ang sinandalan niya despite of her medical condition. Ayaw niyang isiping siya ang dahilan ng mabilis na pag deteriorate ng kalusugan nito. Naalala niya ang sinabi nito na madaling kumalat at lumaganap ang cancer cells pag malungkot ang isang pasyenteng meron nito... How can he be so selfish? 

Nilakad takbo niya ang pasilyo pagkatapos niyang tanungin ang room number ni Megan. Nandoon ang mommy at ang isa nitong kapatid... Just 26 days na hindi niya ito nakita at ganito na ka payat ang babaeng nasa harapan niya. Gone is the glamorous, happy, positive and voluptuous Megan he had always known. Agad niyang hinawakan ang kamay nito... Nakatunga-nga lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwalang nandoon siya ngayun.

"M-megan... w-why did you hide this from me...? Bakit ayaw mong ipaalam sa akin...?"

The lady just smiled, at mas lalong nilamukos ang puso niya. In her condition now... he can't imagine how she still managed to smile genuinely.

"Why are you here Braxton? dahil ba ako ang pipiliin mo...?"

"M-megan..." He don't know what to tell her. Wala siyang ni katiting na lakas, not this time. That is the last thing he would do, to break her heart in her condition now...

"Megan... Listen, magpapagaling ka and then we will talk about it. For now, gusto kong malaman mong nandito ako. I will be here every step of the way, until you will completely recover. I will not leave your side okay..?know that I....I....I c-care for you."

Nakita niyang tumulo ang mga luha nito na agad nitong pinahid kahit pa napakahina na nito. 

This lady will always be one of the strongest girls he will ever know... Nakatitig siya dito...

"Come closer my sweetheart and listen carefully..."

...at agad naman niyang sinunod ang sinabi nito. 


(COMPLETED)The Heart Recognizes- MR. STONE BOOK 2Where stories live. Discover now