ONE

316 21 1
                                    

ONE

Jennifer's POV

"Ma, alis n--"

"Sige na umalis ka na. Magpapaalam pa eh!" sambit ni mama kaya umalis na agad ako sa bahay.

Ganito ang buhay ko araw araw. Lahat sila ay parang walang pake sa akin. Parang hindi nila ako kilala o kaano ano kung ituring.

Hindi ko nga maintindihan dahil halos lahat sila ay parang ayaw sa akin. Hindi ko naman alam kung anong dahilan at kung ano ang rason nila.

I'm Jennifer Vilen. 17 years old. Nag aaral sa Oxford University bilang isang Senior High School. Grade 12 student sa kursong STEM.

Isa lang naman ang tatandaan nyo sa akin. Hindi ako sikat at hindi kilalang tao. I'm a wind in their eyes. Iyan ang tingin nila sa akin. Kapag dadaan ako sa harapan nila, wala lang. Para lang akong hangin na nararamdaman nila pero hindi nakikita ng mga mata nila.

Ganyan ang buhay ko. Pero nasanay naman na ako dahil simula pa nung bata ako ay ganito na ang turing ng lahat ng tao sa akin.

Agad akong umupo sa upuan nang makarating ako sa room. At ang palagi kong kinagawian ay ang pag ub-ob sa table ko. Wala naman kase akong kaibigan na makakausap dito sa room. Remember, I'm a wind in their eyes.

Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin. Ito na ang paborito kong part dahil sa wakas ay makakapagsalita na din ako.

"Good morning class! Our topic for today is all about ICT as Platform of Change. So now, do you have any idea about in this topic?"

Nagtaas agad ako ng kamay nang magtanong si Ma'am. Ngumiti naman sya sa akin bago ako tinawag.

"Yes Ms. Jennifer."

"I think this topic is all about on advocacy." sagot ko.

"What about advocacy?" tanong ni Ma'am kaya muli akong sumagot.

"Advocacy is a process of supporting and enabling people to express their views and concerns, access information and services, defend and promote their rights and responsibilities." sagot ko kaya natuwa sa akin si Ma'am.

"Brilliant answer Ms. Jennifer. So other answer? Other ideas about on this topic?" tanong ni Ma'am habang sila ay nakayuko lang at ako ay nakataas pa rin ang kamay. Nag advance reading kase ako kaya alam ko na ang i-t-tackle ni Ma'am today.

Nag umpisa na si Ma'am na mag discuss dahil wala nang ibang sumagot bukod sa akin.

Kapag may teacher lang ako nakakapagsalita dito sa loob ng classroom. Dahil sabi ko nga kanina, hindi nila ako nakikita. It means they are not noticed me. Kahit magpapansin pa ako sa kanila ng bongga, walang papansin sa akin.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito sila sa akin. Isa lang naman ang dahilan, hindi kase nila ako kasing yaman at kasing taas. Imagine, ako lang ang nag iisang mahirap dito sa room. Lahat sila mayayaman. Magagara ang gamit, maayos manamit, mapuputi, tapos magaganda't gwapo. Tapos ako, isang hamak na mahirap lang.

Pakiramdam ko nga ay para akong alikabok sa kanila. Masyado silang ilag na ilag sa akin kapag lalapitan ko sila. Parang ayaw nilang madikitan ko sila.

Hay ewan! Bakit ko ba kase tinanggap yung scholar na yun eh. Kung hindi ko tinanggap yun edi sana medyo komportable ako sa ginagalawan ko dahil kasing pantay ko lang ang papasukan ko at ang magiging kaklase ko.

Sobrang hindi talaga ako bagay sa paaralang ito. Parang ang sakit no. pero iyon ang totoo.

Matapos nang discussion ay wala na kaming susunod na teacher dahil absent raw sabi ng president namin kanina kaya ang ginawa ko na lang ay lumabas ako ng room at nagpunta sa may soccer field para panoorin sya.

Napangiti ako ng makita ko silang naglalaro ng soccer sa field.

Meet Adrian Oxford. Sya lang naman ang kaisa-isang taong gustong gusto ko sa university na ito. Sila din ang may ari ng university na pinapasukan ko ngayon. Halata naman sa apelyido diba?

Isa sya sa mga player ng soccer dito sa school. Dito din ako napunta palagi kapag walang teacher na pumapasok sa room namin. Palagi ko syang pinapanood na maglaro ng soccer dahil sobrang nagagalingan ako sa kanya. Iyon din ang naging dahilan kung bakit ko sya nagustuhan.

Kaya lang masyado akong mababa para sa kanya. Isa din sya sa mga taong tumuturing sa akin dito sa loob ng university na hangin. Sakit diba?

Kilalang kilala sya ng mga babae dito sa university. Isa kase sya sa mga lalaking tinitilian, kinakikiligan at kinababaliwan ng mga babae.

Minsan nga ay naiinggit ako sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Dahil lahat ng lumalapit sa kanya ay nakakausap at nakakapag picture sa kanya. Mabait naman talaga sya kaya lang mukhang sa ka level nya lang.

Ako lang yata ang babae dito na hanggang sa malayo lang sya nakikita. Ako lang yata ang hindi pa kahit kailan nakadikit o nakalapit sa kanya. Kahit nga ngitian man lang sya ay hindi ko magawa dahil nga sa hangin lang ako sa kanila.

Isang hamak na hangin na dumaraan sa harapan nila pero never nilang nakikita.

"Adrian?" napatingin ako sa mga babaeng nagtititili na naman dahil sa nakita nila si Adrian na nandito sa soccer field. Mabuti na lang at medyo hindi ako nakikita.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa napaka gwapo nyang ngiti na iginawad sa mga babaeng tumitili sa pangalan nya.

Pero sa kabila ng mga ngiti ko ay agad din iyong napalitan ng lungkot at pagkainggit.

"Mabuti pa sila!" iyan ang palagi kong nasasabi sa sarili ko sa tuwing makikita ko ang mga babaeng nginingitian nya.

Eh ako kaya? Kailan nya kaya ako ngingitian at papansinin?

Napailing na lang ako dahil sa naisip ko. Hays! Alam ko naman kaseng never nang mangyayari yun. I'm nothing to him.

Natapos ang araw ko na wala na namang magandang nangyari sa akin. Ito na naman, uuwi na naman ako sa hell house namin. Hays!

"Nandito n--"

"Ano ba? Di ka ba makaintindi huh! Pwede namang pumasok ka na lang, wag ka nang mag ingay. Letse 'to, kita mong natutulog yung tao" sigaw nya sa akin nang pumasok ako sa loob ng bahay. Napayuko na lang ako dahil sa inasal ng mama ko sa akin.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko habang nakayuko at nanlulumo. Saktong pagkasara ko ng pintuan ay agad ko na ding naramdaman ang luha na tumulo sa magkabilang pisngi ko.

Hays! Bakit ba ganun sa akin si mama? Sobrang nakakainis. At sobrang masakit. Ano bang ginawa ko? Bakit ba pati pamilya ko ay ganyan din ang turing sa akin? Grabe! Gulong gulo na ako sa buhay ko.

Humiga ako sa papag na nandito sa loob ng kwarto ko. Itutulog ko na lang 'to. Baka sakaling nananaginip lang ako.

***

Bigla na lang akong nagising ng hindi malaman ang dahilan. Tumingin ako sa di keypad kong cellphone para alamin kung anong oras na.

It's almost already 3 o'clock in midnight.

Napabuntong hininga na lang ako. Isa pa ito sa pinoproblema ko. Palagi din akong nagigising ng ganitong oras nang hindi malaman laman ang dahilan.

At ang mas nakakainis, kapag nagising ako ng ganitong oras. Hirap na hirap na ulit akong bumalik sa pagtulog.

Napagpasyahan kong lumabas na lang sa loob ng kwarto para silipin kung may pagkain ba sa mesa. Nanlumo din naman ako nang makita kong sobrang linis ng mesa. Walang kahit anong bakas ng tira ng pagkain. Binuksan ko rin ang ref dahil nagbabakasakali ako na may makikita akong pagkain. Kusa na lang tumulo sa mga mata ko ang luha dahil biglang kumirot ang puso ko.

Wala akong sakit pero sobrang nasasaktan ako dahil sa ginagawa nila sa akin. Anak ba talaga nila ako? Pamilya ba talaga nila ako kung ituring? Kase sa nakikita ko, parang hindi eh! Hinding hindi talaga.

To be continued..

When I'm Gone [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu