EIGHT

204 16 0
                                    

Play Head Above Water by Avril Lavigne while reading this chapter. Thanks!

EIGHT

Jennifer's POV

"Jennifer?" napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang boses nyang tinatawag ang pangalan ko.

Nginitian ko sya kaya lumapit siya sa kinalalagyan ko.

"Kanina ka pa raw nandito sabi ng mga nurse na nagbabantay sa'yo" tanong nya sa akin.

Kanina pa kase ako nandito sa may rooftop ng hospital. Nag request kase ako sa nurse na nagbabantay sa akin na dalhin nya ako dito ngayon. Gusto ko kaseng makita at masilayan ang ganda ng mga bituin sa kalangitan. Gusto ko ring makalanghap ng sariwang hangin dito sa labas.

Masyado na kaseng nakakabagot sa loob ng hospital. Ilang buwan na kase ako dito at sa loob ng ilang buwang iyon ay lalo kong nararamdaman ang panghihina nang buong katawan ko. Unti unti ko nang nararamdaman ang hirap na nangyayari sa akin.

Hindi na kase ako pinalabas ni doc dito sa hospital matapos akong dalhin muli dito ng mga katrabaho ko, ilang buwan na ang nakakaraan.

Pinagalitan pa nga ako ni doc dahil matigas raw ang ulo ko. Kaya kahit ayoko dito ay wala na akong ibang nagawa kundi manatili na lang dito.

"Ayoko na kase dun sa loob. Sobrang nanghihina lang ako doon!" sambit ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin saka ako niyakap mula sa likod.

"Wag kang mag alala. Nandito lang ako palagi sa tabi mo! Lumaban ka lang hanggang sa huli. Malalagpasan mo din ito" aniya.

"Sana nga kayanin ko pa Adrian. Nararamdaman ko na kase ang pagod. Parang gusto ko nang sumuko. Sobrang nahihirapan na ako Adrian. Parang ayoko na. Parang gu---"

"Sshhh! Wag mong sabihin yan. Alam kong kaya mo. Alam kong malalagpasan mo din ito. Magtiwala ka lang sa magagawa ng nasa itaas! Alam kong hindi ka nya pababayaan" sambit nyang muli.

Natawa pa ako ng marinig ko ang paghikbi nya mula sa may likuran ko.

"T-Tinatawanan mo ba ko?" tanong nya sa akin.

"Bakit ka kase umiiyak dyan? Hindi pa ko patay Adrian! Buhay na buhay pa ko kaya wag ka nang umiyak dyan" sabi ko habang hindi mapigilan ang paglabas ng tawa sa bibig ko.

"W-Wag mo nga kong pagtawanan dyan" utal utal nyang sambit kaya lalo lang akong natawa sa kanya.

"Napaka iyakin mo kase!"

"Ayoko lang naman na mawala ka! Ilang araw pa lang tayong nagkakaayos kaya gusto kong gumaling ka na. Miss na miss na kitang kasama Jenn! Nami-miss ko na yung mga araw na palagi tayong lumalabas ng magkasama at pumupunta kung saan saan.." aniya saka ako pinaharap sa kanya. "..kaya gusto kong mangako ka sa akin"

"Ano namang ipapangako ko sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Gusto kong mangako ka sa akin na lalaban ka hanggang sa huli. Gusto kong mangako ka na gagaling ka at magpapagaling ka. Gusto kong mangako ka na makakasama pa kita habang buhay. Gusto kong mangako ka na bubuo pa tayo ng sarili nating pamilya. Gusto k---"

"Paano kung hindi ko matupad ang mga pangako na gusto mo?" tanong kong agad sa kanya kaya muli ko na namang nakita ang mga luha sa mata nya.

"Nagpapaalam ka na ba sa akin ngayon?" humihikbi nyang tanong sa akin.

"No! Tinatanong lang kita. Ayoko lang naman kase na umasa ka sa mga pangako kong walang kasiguraduhan kung matutupad ko ba o hindi"

Hindi ko na sya muling narinig na magsalita kaya nanaig sa amin ang katahimikan. Tumingala na lang ako sa kalangitan na puno nang mga nagkikinangang mga bituin. Napaisip tuloy ako, makikita ko pa kaya ito? O ito na ang huling masisisilayan ko silang lahat?

Habang lumilipas ang mga araw sa buhay ko ay lalo akong nalulungkot. Alam ko na kase kung ano ang pwedeng mangyari sa akin.

Oo! Alam kong may hangganan na ang buhay ko. Matagal nang sinabi sa akin ni doc. Pero wala syang ibinigay na araw, linggo, buwan o taon sa akin.

Masakit para sa akin na tanggapin ang katotohanan. Lalo na't hindi ko alam kung kailan mangyayari ang bagay na sinasabi ni doc sa akin.

Walang nakakaalam kahit isa. Tanging ako at si doc lang ang may alam ng bagay na iyon.

Kinausap ko si doc na wag nyang sasabihin kahit kanino ang bagay na nalaman nya. Mabuti na lang at pumayag sya. Ayun ang rason kung bakit hindi ako nangangako kay Adrian. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung hanggang saan na lang ba ako?

Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay muli ay tatanggapin ko. Hindi ko tatanggihan iyon dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pang makapag patayo ng sarili kong business. Gusto ko pang magkaroon ng pamilya kasama si Adrian. At gusto ko pang makasama sya ng matagal.

Nabaling bigla ang atensyon ko nang may marinig akong kumatok.

"Bukas yan!" sambit ko kaya bumukas na ang pinto.

Isang magandang ngiti ang iginawad ni Adrian sa akin ng makapasok sya dito sa loob ng kwarto kaya ginantihan ko rin sya ng isang magandang ngiti.

"Kamusta ka dito?" tanong nya sa akin ng umupo sya sa may gilid ng hinihigaan ko.

"Okay naman! Medyo boring nga lang" natawa naman sya ng sabihin ko iyon. "Ikaw? Kamusta ang school mo? Okay ka lang ba?"

"Wag mo kong alalahanin kase kahit gaano kapangit ang araw ko, basta nakita na kita sobra pa sa okay ang mararamdaman ko!" hindi ko naman maiwasang hindi kiligin dahil sa sinabi nya. Shemay! Kaya lalo akong nai-in-love sa kanya eh.

"Sus! Tigilan mo nga ko. Binobola mo na naman ako eh" hinampas ko ng mahina ang braso nya kaya lalo syang tumawa. "Wag mo nga kong pagtawanan dyan!" sigaw ko sa kanya.

"Oo na! Hindi na po kita pagtatawanan" sabi nya kaya gumaya din ako sa kanya ng upo at ginawaran sya ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Natawa naman ako ng makita kong nakakunot ang noo nya at naka pout ang bibig nya.

"Bakit sa pisngi lang?" isip bata nyang pagmamaktol sa akin.

Natawa naman ako lalo sa kanya dahil hindi bagay sa kanya ang maging isip bata.

"Doon lang kase yung gusto ko eh!" sambit ko kaya lalong kumunot ang noo nya.

Hindi na ako nagsalita pa dahil agad ko nang ikinawit sa batok nya ang dalawang kamay ko at hinalikan sya ng mabilis sa labi.

Namula pa ang pisngi ko ng makita kong ngiting ngiti sya sa akin matapos kong gawin iyon.

"Kunwari pa eh gusto din naman akong halikan!" dinig kong sabi nya.

"Ewan ko sa'yo! Umalis ka na nga" pero instead na malungkot sya ay tinawanan pa ako. Aba talagang..

Natahimik kami ng ilang minuto dahil hindi ko na sya pinansin. Pero maya maya lang ay nagsalita syang muli.

"Graduation na bukas! At ang pagkakaalam ko, ikaw ang magbibigay ng speech bukas" nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ba sya?

"S-Seryoso ka ba?" utal utal kong tanong. Tumango naman sya habang makikita sa dalawang mata nya ang lungkot. "Ibig sabihin, kailangan kong maghanda at pumunta bukas sa araw ng graduation natin!" sambit ko ikinailing ng ulo nya.

"Hindi pwede Jenn! Diba ang bilin ni doc ay hindi ka pwedeng umalis dito. Hindi ka pwedeng lumabas ng hospital na ito"

"Pero Adrian--"

"Don't worry, gagawa ako ng paraan bukas! Wag kang mag alala, makakagraduate ka bukas"

"Pero paano mo--"

"Basta, magtiwala ka lang sa akin. Hindi ko bibiguin ang mga sinabi ko sa'yo ngayon"

Tama sya! Kailangan kong magtiwala sa kanya.

To be continued..

When I'm Gone [Completed]Where stories live. Discover now