SEVEN

189 20 0
                                    

SEVEN

Jennifer's POV

Dahan dahan kong iminulat ang dalawang mata ko. May mga machine din akong naririnig sa buong paligid ko ngayon. At ang mas malala, kulay puti lang ang nakikita ko ngayon.

"Jenn!?" napalingon ako ng dahan dahan sa may pinanggagalingan ng boses na iyon. At nabigla ako nang makita kong nasa may gilid ko si Adrian.

"B-Bakit ka nandito?" nanghihina kong tanong sa kanya.

"Mabuti na lang at gising ka na! Alam mo bang sobrang nag alala ako sa'yo?" umiiyak nyang sambit sa akin.

"N-Nasaan sila mama?"

"Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari sa'yo. Dahil baka magalit lang sila sa akin. At baka mapagbuntungan ka na naman nila ng galit!"

Naagaw agad ng atensyon naming dalawa nang bumukas ang pintuan ng kwarto. Tumambad naman sa amin ang doktor kasama ang isang babaeng nurse na walang tigil ang tingin kay Adrian.

"Kamusta doc? Ano pong nangyari sa kanya? Okay na po ba ang lagay nya?" sunod-sunod na tanong ni Adrian sa doktor.

"Kaano-ano mo ang pasyente?"

Napalingon pa sya sa akin ng tanungin sya ni doc. Pero bago pa man sya makapagsalita ay inunahan ko na sya.

"Hindi ko po sya kilala doc!" buong lakas kong sambit. Tumingin naman sa kanya ang doktor saka nagsalita.

"Pwede bang iwanan mo muna kaming dalawa ng pasyente?" sambit nang doktor sa kanya.

Agad naman syang tumayo sa kinauupuan nya at lumabas ng kwarto. At nang makalabas sya, doon na din nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero pakiramdam ko kase ay hindi maganda ang sasabihin sa akin ng doktor.

"Hija? Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni dok kaya napalingon ako sa kanya.

"O-Okay naman po!" sagot ko naman.

"May gusto lang sana akong sabihin sa'yo Hija! Pero sana wag kang mabibigla.." dahil sa mga sinabing iyon ni dok ay mas lalo akong kinabahan. Mas lalo kong ayokong maituloy ni dok ang sasabihin nya. At ayokong malaman ang sasabihin nya.

"A-Ano po yun doc?"

"May brain cancer ka Hija! At ayon sa result ng ginawa naming test ito ay malala na!" halos mawalan ako ng lakas at halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang balitang ito.

Ito ba ang gustong ipahiwatig ng matandang lalaki sa panaginip ko? Ito ba ang sinasabi nyang kailangan kong malaman?

Bumagsak agad sa dalawang mata ko ang mga butil ng luha. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay ko na gusto kong matupad. Ayoko pang mamatay!

"D-Doc? Baka naman may ibang paraan pa para magamot ito. D-Doc please! Gusto ko pang mabuhay" nagmamakaawa kong sambit kay doc.

Yumuko naman sya bago sumagot sa akin.

"I'm so sorry Hija pero wala pang nabubuhay sa sakit na ito! Maiwan na muna kita" aniya saka lumabas ng kwarto.

Halos mamatay na ako ng malaman ko ang sinabi ni doc kanina. Hindi pa nga ako patay pero parang pinatay na nya ako dahil sa mga narinig ko sa kanya kanina.

Oo! Minsan hinihiling ko na mawala na ako. Sobrang masama lang talaga ang loob ko kaya nasasabi ko iyon. Pero hindi ko naman sinabi na mangyari talaga iyon. Dahil ayoko pa. Gusto ko pang tupadin lahat ng gusto ko sa buhay ko. Ayoko. Hindi pwede 'to.

"Jenn? Bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong sa akin ni Adrian.

Pero hindi ko sya pinansin dahil wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang mga sinabi ni doc sa akin kanina.

"Jenn? Tell me, why a--"

"Pwede bang iwan mo muna ako? Pwede bang wag mo muna akong guluhin ngayon? Please lang. Kahit isang araw lang" pagmamakaawa ko sa kanya habang wala pa ring tigil sa kakaiyak.

"O-Okay! Tawagan mo na lang ako kung may problema. Nandito lang ako palagi sa'yo Jenn!"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya alam kong nakaalis na sya.

Hindi ko alam pero parang ayoko muna nang may kausap at kasama ngayon. Parang gusto ko munang mapag-isa dahil gusto kong mag isip nang paraan kung paano ko ito lulutasin ng mag isa lang.

Gusto kong tawagan sila mama at ipaalam ito sa kanila. Pero naisip ko na kaagad ang pwedeng mangyari. Alam ko namang wala silang pake sa akin. Kaya ano pang purpose ko para ipaalam sa kanila ito?

Kahit isang kamag anak namin ay wala din akong kilala. Hindi ko nga alam kung may kamag anak ba kami o wala. Dahil wala naman kaming kahit isang nakakausap o pinupuntahan man lang.

Paano na 'to? Ano nang gagawin ko?

Lumabas din agad ako ng hospital nang sumapit ang hapon. Ayaw pa nga akong paalisin ni doc kaya lang ay wala na akong maibabayad sa magiging hospital bill ko.

Mabuti na nga lang at binayaran na ni Adrian ang bill ko kanina. Kaya mabilis na akong nakalabas ng hospital.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung uuwi ba ako sa bahay namin o hindi. Ayoko muna kaseng makarinig ng kahit anong sermon sa kanila ngayong araw. Gusto ko munang marelax ang isip ko dahil gagamitin ko pa ito para mag ipon ng pera at maghanap ng paraan para magamot ang sakit na ito.

Lumipas ang ilang linggo sa buhay ko. Mabuti na lang at may nahanap akong trabaho. Maliit lang ang sahod doon pero hindi ko na tinanggihan dahil kailangan ko nang mag ipon ng pera para sa sakit ko.

Nag aaral ako sa umaga at pagdating nang ala-sais ng gabi ay nasa trabaho naman ako. Mabuti nga at five hours lang ang ibinigay sa aking oras para sa trabaho ko.

Dish washer lang naman kase ako sa isang restaurant na malapit dito sa lugar namin. Mukhang sinuswerte pa rin talaga ako kahit papaano sa buhay na ito.

At ngayon, patungo na ako sa restaurant na pinagtatrabahunan ko. Nilalakad ko lang ito dahil malapit lang naman ito sa amin.

Agad akong nagpalit ng damit nang marating ako sa may locker room ko. At nang makapagpalit na ako ay agad na akong pumuwesto kung saan ang trabaho ko.

Walang tigil ang paghuhugas ko dahil mukhang madami yata ang costumer ngayong araw. Friday na kase ngayon kaya matao na naman dito sa restaurant.

Habang naghuhugas ako ay bigla ko na namang nararamdaman na kumikirot ang ulo ko. Nanlalabo na naman ang dalawang mata ko.

"Jennifer? Okay ka lang?" dinig kong sabi nila pero parang nag eecho lang ito sa tainga ko.

Narinig ko din ang pagbagsak ng plato na hawak ko. At kasunod na noon ay ang unti unting pagpikit ng dalawang mata ko.

To be continued..

When I'm Gone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon