TWO

211 18 1
                                    

TWO

Jennifer's POV

Nagising ako ng mas maaga pa sa pag tilaok ng manok. Nakatulog kase ako dahil sa kakaiyak. Hays! Kapag naaalala ko na naman ang ginagawa nila ay hindi ko maiwasang hindi manlumo.

4:30 pa lang ay nagising na ako. Hindi ko alam kung bakit ang aga pero mas mabuti na siguro 'to para hindi na nila ako madatnan sa paggising nila mamaya.

Maaga akong nag ayos para makaalis na agad ako sa bahay na ito. Ayoko lang naman kaseng masira ang umaga nilang lahat. Kaya bago tumilaok ang manok namin ay umalis na ako.

Nagtungo muna ako sa park na walang tao. Tanging tunog ng kuliglig ang maririnig mo sa mga oras na ito. Syempre, wala pang ala singko kaya sobrang tahimik pa ang paligid.

Nang sumapit ang ala sais ng umaga ay umalis na ako sa bench na kinauupuan ko. Hindi pa kase ako nag aalmusal at kumakain kagabi kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa lugawan.

"Lugaw nga ho isang order!" sambit ko. Umupo na ako sa bakanteng upuan na nandito sa lugawan. Ilang segundo lang ay dumating na agad ang lugaw na inorder ko kaya agad ko iyong nilantakan dahil sobrang nagugutom na talaga ako.

Matapos kong ubusin at bayaran ang lugaw na kinain ko ay umalis na din ako agad saka na ako nagtungo sa university na pinapasukan ko.

Pero sa hindi inaasahan ay bigla na lang akong natumba. Hindi dahil sa nahimatay ako o nawalan ng malay. Kung hindi dahil sa nabangga ako ni Adrian. Hindi ko alam kung hihinga ba ako o hindi. Basta ang alam ko lang ngayon ay kaharap ko sya at inilalahad nya ang kamay nya sa harapan ko.

"Sorry miss! Are you okay?" nag aalala nyang tanong sa akin.

Halos magwala ang buong diwa at buong kaluluwa ko ng tanungin nya ako ng ganun. Di ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. Parang halos lahat ng letra na pwede kong isagot sa kanya ay nilunok na lang kusa ng bibig ko.

"O-Okay lang a-ako!" mautal utal kong sagot sa kanya. Inilahad nyang muli ang kamay nya kaya tinanggap ko na iyon.

Nang makatayo ako ay ngumiti sya sa akin kaya nginitian ko rin sya. Grabe! Ito na ba yung nararamdaman ng mga babaeng tumitili sa kanya? Parang di na ako makahinga ng ayos dahil sa sobrang kilig.

"Adrian nga pala. Ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" sambit nya. Ngumiti naman ako ng sobrang lawak sa kanya bago sumagot.

"Jennifer. Pero Jenn na lang kung gusto mo" sagot ko kaya ngumiti din sya sa akin.

"What a nice and beautiful name. By the way, I have to go. So, nice meeting you Jenn" iyon na lang ang sinabi nya sa akin bago sya tuluyang umalis sa harapan ko.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Basta ang alam ko lang, sobrang sobrang sobrang saya ko ngayon. Finally, napansin na din ako ng crush ko.

Sa buong buhay na nagkagusto ako sa isang tao, ngayon lang nangyari na pinansin ako ng taong nagugustuhan ko. Diba nga, I'm just a wind in their eyes. So meaning never pa nila akong napansin o nakita.

Umalis na din ako pagkalayo nya ng kaunti. Baka kase maabutan na ako ng first teacher namin.

Saktong pagkaupo ko sa room ay saktong pagdating rin ng teacher namin. Mabuti na lang at nakahabol pa ako.

Matapos ang ilang subject ay lunch time na. Lumabas ako ng room para pumunta sa canteen. Dahil hindi naman ako nagbaon o nagluto sa bahay.

Papasok na sana ako ng canteen ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na pamilyar na boses.

When I'm Gone [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें