FIVE

168 17 0
                                    

FIVE

Jennifer's POV

"Babe? Nakikinig ka ba sakin?" nabaling ang tingin ko kay Adrian nang marinig ko ang boses nya.

"H-Huh? O-Oo naman babe" sambit ko sa kanya.

But instead na maniwala sya ay kumunot pa ang noo nya. Hays! Talagang di ako makakaligtas sa kanya pagdating sa pagpapalusot.

"Bakit ba ganyan ka? Tatlong buwan ka nang wala palagi sa sarili. Kapag magkukwento ako sa'yo parang wala lang. Para lang akong tanga dito na salita ng salita. Parang palagi akong walang kausap. Nandito ka nga palagi, magkasama nga tayo araw araw pero parang wala naman sa akin ang atensyon mo" sobrang nagulat ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay tutulo na ang mga luha sa mata ko.

Napatanong tuloy ako bigla sa sarili ko. Ganun na ba talaga ako?

Naalerto ako ng bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo namin dito sa may soccer field. Napatayo rin tuloy ako ng wala sa oras.

"Babe! Wait lang please" sambit ko nang mahawakan ko ang kamay nya. Huminto naman sya sa paglakad. "Sorry!" tanging nasabi ko sa kanya.

Napatingin pa ako sa kanya ng hindi ko marinig ang sagot nya.

"Babe? Sorry na!" sambit kong muli.

Humarap muna sya sa akin bago nagsalitang muli.

"Gusto mong patawarin kita?" seryoso nyang tanong. Ngumiti ako ng malawak sa kanya saka tumango. Ngumiti din sya sa akin saka inilapit ang bibig nya sa tainga ko. Akala ko ay okay na kami. Pero hindi ko inaasahan na sasabihin nya ang bagay na iyon.

"Kung gusto mong magkaayos tayo, ibigay mo sa akin ang matagal ko nang hinihiling. Make love with me babe!" sobrang nanlaki talaga ang mata ko nang banggitin nya iyon. Pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa mga salitang iyon.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya saka sya hinampas sa braso ng mahina lang.

"Ano bang sinasabi mo babe?" natatawa tawa ko pang banggit sa kanya. Pero imbis na sabihin nya ang salitang 'joke' ay kumunot lang ang noo nya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ako nagbibiro! Seryoso ang sinasabi ko sa'yo" at dahil sa sinabi nya ay napalunok na lang ako.

Shemay! Pano na 'to?

"Babe naman, diba napag usapan na natin 'to? Wag ka namang ganyan" sagot ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla syang tumalikod sa akin.

"Kung ayaw mong ibigay ang hinihiling ko. Hindi ko rin matatanggap ang sorry mo" sambit nya saka tuluyang umalis.

At ako, naiwan namang tulala dito at nag iisip ng magandang paraan para magkaayos kami.

Hays! Ganito pala kapag may boyfriend ka. Ang hirap pala, lalo na kapag may hinihingi syang isang bagay na hindi mo pa pwedeng ibigay sa kanya.

Natapos ang klase ko nang maaga kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa mall para bumili ng kahit anong gusto nya. Mamaya pa naman ang tapos ng klase nya kaya bibilisan ko na lang.

Nang makarating ako sa mall ay kaagad kong nakita ang store ng may bilihan ng mga couple ring. Pumunta na agad ako doon at nagtanong.

"Miss, pwedeng patingin ako nito?" sambit ko sa babae na nagbabantay dito. Kinuha naman nya ang itinuro ko sa kanya saka ipinakita sa akin.

"Kukunin nyo po ba ma'am?" tanong nya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya saka iniabot ang pera. "Here ma'am! Thank you for buying here" sambit nya kaya nginitian ko na lamang sya.

When I'm Gone [Completed]Where stories live. Discover now