EPILOGUE

297 19 4
                                    

EPILOGUE

Adrian's POV

4 years ago..

"Mom? Alis muna ko"

"Teka saan ka naman pupunta?"

"Basta babalik din ako" matapos kong magpaalam kay mommy ay agad na akong nagtungo kung saan nakalibing ang katawan ng babaeng mahal ko.

Nandito na ako kung saan inilibing si Jennifer dati. Apat na taon na ang nakararaan. Nakasuot pa rin ako ng toga habang hawak ko ang medalyang nakuha ko mula sa pag aaral ko ng kolehiyo sa States.

Kasama din nito ang kandila at bulaklak na iaalay ko sa kanya.

Inilagay ko muna ang bulaklak sa pinaglibingan nya saka sinindihan ang kandila na dala dala ko.

Umupo din muna ako habang nakangiting nakatingin sa pinaglibingan nya.

"Hi babe? Kamusta ka na dyan? Siguro sobrang saya mo dahil kapiling mo na ang papa mo. Nami-miss mo kaya ako dyan? Kase ako babe, sobrang miss na miss na kita.." sambit ko habang tumutulo na naman ang luha sa mga mata ko. "Ito nga pala yung medalya ko. Sayang nga lang at hindi mo ako nakitang umakyat sa stage kahapon. Gusto ko ring isabit sa'yo 'to babe. Isa ka rin kase sa mga naging inspirasyon ko para makuha ko ito.." natigil ako ng saglit dahil pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko na kanina pa tumutulo. "Sobrang miss na miss na kita babe! Hindi ko alam kung paano na ako ngayon. Hanggang ngayon kase ay ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Hindi kita mapalitan dito. Sobrang nami-miss ko na ang mga ngiti't tawa mo. Sobrang nami-miss ko na yung mga panahong nagkukulitan tayo. Sobrang nami-miss ko yung mga panahong magkasama pa tayo. Sobrang nami-miss ko na yung dating tayo babe! Kung pwede ko lang ibalik ang panahon gagawin ko para lang makasama kita uli" sambit ko habang umiiyak pa rin.

Pumanaw si Jenn four years ago na ang nakakalipas. Pagkatapos malaman ng mga magulang nya ang nangyari ay pumunta sila sa libing na pamilya ko mismo ang gumastos.

Nagalit silang lahat sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanila. Pero nang humupa na ang galit nila ay naging close ko ang buong pamilya nya.

Naikwento din sa akin ng mama nya ang buong kwento kung bakit ganoon sya pakitunguhan ng buong pamilya nya.

FLASHBACK

Nasa palengke silang tatlo ng mga magulang nya. Kasama din si Jenn ng araw na iyon dahil walang magbabantay sa kanya sa bahay. Maliit pa lamang siya noon at wala pang kamuang muang sa mundo.

"Mama!" sambit nya dahil gusto nyang magpabuhat sa mama nya.

"Mamaya na anak ha! Mamimili muna sila mama ng pagkain natin" aniya ng mama nya sa kanya.

At dahil sa sobrang busy ng mga magulang nya sa pamimili ay hindi na nila namalayan na naglakad na pala si Jenn papunta sa gitna ng kalsada.

Nasa tabi lang kase ng kalsada namimili ang mga magulang nya.

Nakakita kase sya ng lobo sa kabilang kalsada kaya sya naglakad papunta sa may mga lobo.

Naagaw ng lahat ng tao ang maingay na sasakyan na tuloy tuloy ang pagbusina.

At ang huli na lang na nangyari ay ang paghandusay ng papa ni Jenn sa gitna ng kalsada.

Habang si Jenn ay nakaupo na sa isang tabi at walang tigil sa kakaiyak.

END OF FLASHBACK

Umiiyak ang magulang ni Jenn sa akin nung araw na naikwento nya sa akin ang lahat.

When I'm Gone [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang