THREE

163 17 1
                                    

THREE

(SPG)

Jennifer's POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung kanino ako tutuloy ngayong gabi. Grabe! Hindi ko na talaga alam.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may tumigil na sasakyan at binuksan ang pinto noon.

Napatigil pa ako sa pagtakbo ng makita ko kung sino ang bumaba sa sasakyang iyon.

"Jenn?" sigaw nya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Lumapit naman sya sa akin ng makita nya ako. "Bakit ka nagpapaulan?" tanong nya sa akin.

Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Sobrang nanghihina kase ako ngayon kaya walang kahit isang letrang gustong lumabas sa bibig ko.

Napatingin na lang ako sa kanya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako papasok sa sasakyan nya.

Kinuha nya ang towel na nasa likod ng sasakyan at ibinigay nya sa akin.

"Magbihis ka na lang sa bahay" sambit nya na ikinagulat ko.

"H-Hindi na. O-Okay lang n----" pagtanggi ko sa kanya.

But instead na sagutin nya ako ay bigla na lang nya akong sinunggaban ng halik. Halik na kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan. Halik na wala pang nakakagawa sa akin. At halik na ngayon ko lang naramdaman.

Bigla na lang akong nakaramdam ng boltahe ng kuryente sa katawan nang hawakan nya ang batok ko.

Gusto kong tumigil. Gusto ko syang itulak dahil alam kong mali ito pero bakit hindi ako makagalaw. Parang hinihigop nya ang lahat ng lakas ko ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag ng bigla syang tumigil at humiwalay sa akin. Naiiwas nya naman ang tingin nya sa akin ng tingnan ko sya ng may gulat sa mukha.

Wala nang nagsalita sa amin kaya doon na nya pinaandar ang kotse nya papunta sa bahay nila. Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa huminto na ang sasakyan nya sa tapat ng mansyon. Siguro ito na ang bahay nila.

Nauna syang bumaba at pinagbuksan nya ako ng pinto. Bumaba naman ako ng hindi sya tinatapunan ng tingin.

Hinawakan nya ang kamay ko bago pumasok sa loob ng bahay nila. Nakaramdam pa ako ng hiya ng biglang sumalubong sa amin ang katulong nila.

"Good evening Sir!" sambit ng katulong na nakatingin sa akin ng diretso.

Hindi nya iyon pinansin dahil dire-diretso nya akong hinila papunta sa taas at pumasok kami sa isang kwarto.

"Kumuha ka na lang ng damit sa cabinet. Bumaba ka na lang para makapag dinner na tayo" sambit nya sabay sara ng pinto. Naiwan pa ang tingin ko sa may pintuan na pinaglabasan nya.

Sobrang nakakabigla kase ang ginawa nya kanina na kahit ako ay hindi ko inaasahang gagawin nya sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Ngayon lang kase ako nakapasok sa ganitong kalaking kwarto. Pakiramdam ko nga ay kasing laki ito ng bahay namin.

Pumasok ako sa banyo na nandito sa loob ng kwarto. At nabigla pa ako ng makita kong may bathtub doon at may bukod na shower. Walang wala talaga ito sa banyo sa bahay.

Binilisan ko lang ang pagligo ko dahil hindi ako komportable na naliligo sa ibang bahay. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro ay hindi lang ako sanay dahil nandito ako sa banyo nya naliligo.

Matapos kong magbihis ay bumaba na ako. Mabuti na lang at may kasya sa aking damit at underwear.

Pagbaba ko ay nadatnan ko sya sa may sala na nagcecellphone. Napalingon pa sya sa akin ng makita nya ako.

When I'm Gone [Completed]Where stories live. Discover now