FOUR

162 18 0
                                    

FOUR

(SPG)

Jennifer's POV

Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang tumuloy ako dito sa bahay nila Adrian. At hanggang ngayon ay nandito pa rin ako. Wala pa ring naghahanap sa akin sa bahay. Ni tumawag nga ay wala. Kaya kinausap ko si Adrian kung pwedeng dito muna ako sa bahay nya makituloy.

Yes! Sa kanyang bahay ito. Kaya pala ng unang dalhin nya ako dito ay hindi ko nadatnan ang mga magulang nya dahil nga sa may bukod pa pala silang bahay.

At sa nakalipas na tatlong buwan na iyon ay maraming nangyari sa buhay ko. Magkasintahan na kami ni Adrian. Actually ay monthsary nga namin ngayon. Sobrang natutuwa pa ako dahil ngayon din ang araw ng kapanganakan ko.

So it means na dalawa ang magaganap na celebration sa araw na ito.

"Babe! Are you done?" dinig kong katok nya.

"Give me a more few minutes" masaya kong sabi.

"Okay! Take your time" sambit nya.

Binilisan ko na ang pag aayos sa sarili ko dahil ayoko nang may naghihintay sa akin.

Matapos ko ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman sya sa sala na nakaupo doon. Napalingon sya sa akin ng mapansin nyang pababa na ako ng hagdan. At halos matulala sya nang makita nya ako.

"Ang ganda ganda nyo po ma'am" sambit ng katulong nya nang makita ako.

"Hindi naman po!" nahihiya kong sagot.

Nginitian ko na lang ang lahat ng katulong saka ako lumapit kay Adrian. Natawa pa ako dahil nakatulala talaga sya sa akin.

"Babe! Let's go na" natatawa tawa ko pang sambit.

"O-Okay!" utal utal naman nyang sagot sa akin kaya hindi ko mapigilan na matawa sa reaksyon nya. Kahit kailan talaga 'tong si Adrian! Masyadong palabiro.

Huminto kami sa isang yayamaning restaurant. Bababa na sana ako ng pigilan nya ako.

"Babe! I need to put this first on your eyes" sambit nya sabay taas ng panyong kulay black. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Nginitian nya ako bago nya inilagay sa mata ko ang panyong iyon. "Let's go" sambit nyang muli sa akin saka ako inalalayan.

"Okay na ba babe?" sambit ko nang huminto kami sa paglalakad.

Naramdaman kong unti unti nyang tinanggal ang nakatakip sa mata ko. At ganun na lang ang gulat ko nang makita ko kung nasaan kami.

Tumulo na lang basta ang luha sa mga mata ko. Dahil halo halong emosyon ang bumabalot sa akin ngayon. Sobrang saya dahil ngayon ko lang naranasan na mahandaan at masorpresa ng ganito.

"Okay lang ba babe?" tanong nya sa akin. Nayakap ko tuloy sya ng wala sa oras.

"Grabe ka babe, di mo man lang ako sinabihan na may pa ganito pa lang magaganap ngayon" sambit ko habang umiiyak sa may dibdib nya.

"Sorry kung nabigla kita! Wag ka na umiyak. Masisira ang make up mo nyan" sambit nya kaya tumawa ako.

Matapos naming kumain ay iginala pa ako ni Adrian dito sa El Nido. Itinabi nya muna ang sasakyan nya dito sa may tabi ng dagat.

Umupo kami sa may roof ng sasakyan nya at doon pinagmasdan ang ganda ng karagatan at mga nagkikinangang bituin sa kalangitan.

"Nag enjoy ka ba babe?" tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.

When I'm Gone [Completed]Where stories live. Discover now