NINE

206 20 1
                                    

NINE

Jennifer's POV

"And now, let's call the valedictorian in this university, Ms. Jennifer Vilen. Give her a around of applause!" agad akong umakyat sa stage matapos magsalita ng Dean ng university na ito.

Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon. Isa lang naman ang dahilan. Ipinagpaalam ako ni Adrian kay doc kahapon. Mabuti na nga lang at pumayag si doc na makasama ako sa seremonyang ito ngayon.

Sobrang nabigla ako ng malaman kong totoo nga ang sinasabi ni Adrian. Ako nga ang valedictorian ng university na ito. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung ano at paano nangyari iyon.

"Magandang umaga sa lahat ng mga naririto, sa mga magulang na pumunta dito para masaksihan ang pagtatapos ng kani-kanilang mga anak, at sa mga bisita na pinaunlakan ng unibersidad na ito. Marami sa atin ang dumadaan sa iba't-ibang mga problema. Minsan nga ay naiisip na lang nating sumuko. Pero dahil sa kabila ng ating pagtitiyaga sa buhay, muli na naman nating haharapin ang bagong bukas. Salamat sa mga taong patuloy na tumutulong sa atin para maabot natin ang ating mga minimithing pangarap. Salamat sa mga magulang, guro at maging sa mga kaibigan natin. Dahil sa kanila kung bakit tayo nakakarating sa yugtong ito. Pero dapat nating higit na pasalamatan ang Diyos. Dahil sya ang pinaka pangunahing tumutulong sa atin para ipagpatuloy natin ang buhay natin. Kaya sa mga kapwa ko mag aaral, patuloy pa nating pagtibayin ang pananampalataya natin sa kanya. Patuloy nating pagtiwalaan ang Diyos na kinikilala natin. At para naman sa ating pagtatapos ngayon, ipagpatuloy lang nating lahat ang determinasyon natin sa buhay. Patuloy lang tayong lumaban. Kahit gaano kahirap ang buhay o kahit gaano kahirap ang ating masagupang problema, basta may pangarap tayong pinanghahawakan, makakamit at makakamit din natin ito pagdating ng takdang panahon. Muli, maligayang pagtatapos para sa ating lahat!"

Nakangiti akong sinalubong ni Adrian pagbaba ko ng stage.

"I am so proud of you babe! I love you" nginitian ko naman sya.

"I love you more babe!"

Bumalik na kami kaagad sa hospital matapos ng seremonya kanina. Pinasundo na kase agad ako ni doc sa university kaya kahit ayoko pang bumalik ay wala na akong nagawa.

Mag isa lang ako dito sa kwarto dahil umuwi muna si Adrian sa bahay nila. May handaan kaseng magaganap sa kanila ngayon. Ipinagpaalam ako uli kanina ni Adrian kay doc para pumunta sa bahay nila. Pero kahit anong pilit namin ay hindi na nya ako pinayagang lumabas.

Bigla na lang tumulo ang luha sa dalawang mata ko. Hindi ito dahil sa hindi ako pinayagan ni doc na pumunta sa bahay nila Adrian. Nalulungkot ako dahil hindi man lang dumating ang mama ko para dumalo sa seremonya kanina. Kahit isa sa kanila ay wala man lang pumunta.

Hinihintay ko sila kanina habang hindi pa sinasabit sa akin ang mga medalyang nakuha ko. Pero wala talaga, kahit anino nila ay hindi ko man lang nakita kanina.

Sobrang nalulungkot ako dahil parang sinasabi talaga nila na wala akong halaga sa kanila. Na parang hindi ako kabilang sa pamilya nila. Kaya minsan hindi ko maiwasang isipin na sana tuluyan na lang kunin ni God ang buhay ko.

Ano pang saysay ng buhay ko kung mismong pamilya ko ay hindi nakikita ang halaga ko.

Humiga na lang ako. Mas mabuti na lang sigurong itulog ko muna ito. Baka sakaling paggising ko, okay na ang lahat.

Nagising ako bigla sa hindi ko malaman na dahilan. Kinuha ko pa ang cellphone ko na nakalagay sa table na nasa gilid ko.

2:18 am na pala. Pero bakit nagising ako?

Kinuha ko ang cellphone na nasa table at saka in-open ang mga message na galing kay Adrian.

'Babe? Baka bukas na ako makapunta dyan sa hospital. Ang dami kaseng bisita dito sa bahay ngayon.'

'Babe? Galit ka ba?'

'Babe? Replayan mo naman ako'y

'Goodnight babe! I love you'

Napangiti ako sa huling tinext nya. Kaya mahal na mahal ko 'tong boyfriend ko eh!

Hindi ko alam kung bakit dinial ko ang number nya ngayon. Alam ko namang tulog na sya at nagpapahinga pero ewan ko. Natuwa pa ako ng sagutin nya iyon.

"Babe? G---" naputol ang sasabihin ko dahil sa naririnig ko sa kabilang linya.

(Oh god.. H-How's this? Oh my.. fvck!)

Kaagad kong ibinaba ang linya ng marinig ko kung sino ang sumagot. At base sa mga narinig ko, niloloko na naman nya akong muli.

Sumigaw lang ako ng sumigaw sa loob ng kwarto hanggang sa mapalitan ito ng malakas na paghagulgol ko. Sound proof kase ang mga kwarto dito kaya hindi ako maririnig ng kahit sino na nasa labas.

"B-Bakit? B-Bakit!?" sigaw ko habang walang humpay sa kakaiyak.

Pero agad akong napahawak sa ulo ko ng maramdaman kong sobrang kumikirot ito.

"Aray! Aaahhhhhh..." sigaw kong muli.

Sobrang sakit kase! Pakiramdam ko ay hindi ko ito kakayanin. Mas malala ang kirot nya kaysa sa mga nakaraan kong nararamdaman.

Sinubukan kong kapain ang cellphone ko pero dahil sa sobrang sakit ay nalaglag ako sa hinihigaan ko. At ang huli ko na lang na naaalala ay bigla na lang nagdilim ang buong paligid ko.

***

Nagising ako sa isang maganda at maaliwalas na lugar. Puno ng mga magagandang puno, halaman at maliwanag na tubig ang nakikita ko.

Nagtaka pa ako ng may makita akong isang lalaki na papalapit sa akin. Teka? Sya yung matandang nasa panaginip ko dati.

"Handa ka na ba?" sambit nya sa akin kaya kaagad na kumunot ang noo ko.

"H-Handa po saan?" taka kong tanong.

"Handa ka na bang sumama sa akin at iwan ang mga taong mahal mo?" at dahil sa sinabi nya ay bigla akong natauhan.

"N-Nasaan po ba ako?" tanong ko.

"Nandito ka sa lugar kung saan payapa ang lahat!" sambit nya na ikinagulat ko. Tumulo ang luha ko nang marinig ko iyon.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggap ang mga sinabi nya. Parang masyado naman yatang mabilis.

"I-Ibig po bang sabihin.. patay na ako?" utal utal kong tanong. Tumango na lang sya sa akin habang nakangiti. "A-Ayoko pa pong mamatay. Ibalik nyo po ako sa katawan ko. Parang awa nyo na! Ibalik nyo na po ako doon. Ayoko pa pong mamatay!" nagmamakaawa kong sambit sa matanda.

"Gustuhin ko man pero wala na akong magagawa. Dahil kapag oras mo na, oras mo na.." aniya na lalong nagpaiyak sa akin. "..pero wag kang mag alala dahil bago tayo pumunta sa paroroonan natin ay ipapakita ko sa'yo ang mga nangyayari sa mundong ginagalawan mo"

Matapos nyang sabihin iyon sa akin ay bigla na lang kaming napunta sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko mapigilang lumuha dahil kitang kita ng dalawang mata ko kung ano ang ginagawa ng doctor para lang mabuhay ako.

"Time of death 5:38 am. Cause of death brain cancer"

Napaluha na lang ako ng marinig ko ang sinabi ng doktor. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita mo yung sarili mo na hindi na kayang lumaban. Ang sakit para sa akin nang nangyaring ito. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ano pa nga bang laban ko? Kung mismong tadhana na ang kalaban ko.

To be continued..

When I'm Gone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon