CHAPTER FOUR

10K 549 116
                                    

Anim na buwan pa lang na hindi ko siya nakita, pero hindi ko na siya namukhaan agad. Maiksing-maiksi na kasi ngayon ang kanyang buhok. Naalala ko tuloy ang mga larawan ng mga hot na hot na firemen na naglilipana sa social media ngayon. Parang isa siya sa mga iyon. Pakiramdam ko nga, he just stepped out of the firemen's photoshoot.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang banda roon. Nag-init muli ang pisngi ko nang makita ang umbok niyon. Napamura pa ako nang mahina.

"Didn't your mother tell you not to stare---?"

Napatayo ako nang matuwid para salubingin ang kanyang mga titig. Wala siyang kangiti-ngiti. He looked so dangerously handsome. Natatakot akong nae-excite at the same time. Ang dami ko na kasing narinig na bali-balita online na mabagsik ang may-ari ng Isla Rosa. Hindi basta-bastang nakalulusot ang nagtatangkang mag-trespassing dito. Kinakabahan na tuloy ako kung ano ang mangyayari sa akin.

"Uhm---ano po---kasi po---ano po---"

He lazily looked at me from head to foot and vice-versa. Bahagyang tumagal ang mga titig niya sa bandang dibdib ko. Napayuko tuloy ako. Gano'n na lamang ang pamumula ng pisngi ko nang mapagtantong nahubad ko na pala ang suot-suot kong bikini top kanina dahil napigtas ang tali niyon. Nakabakat na ang kambal kong dunggot sa kulay krema kong t-shirt! Nakakahiya! Baka iisipin niyang sinadya kong akitin siya. Naku, huwag siyang assuming, ha? Guwapo nga siya't lahat, pero hindi ibig sabihin no'n ay bubukaka na ang bukana ng paraiso para sa kanya, 'no?

Nang tumingala uli ako sa kanya, nahagip ng paningin ko ang kislap ng kapilyuhan sa kanyang mga mata. Lalong dumagundong sa excitement ang dibdib ko.

"Guard!" sigaw niya sa papalapit na lalaki sa amin. "Ikaw na ang bahala sa babaeng iyan."

Iyon lang at naglakad na siya papasok sa isla. Naiwan akong nakatanga sa papalayo niyang bulto. Pinakatitigan ko talaga ang umbok ng kanyang pang-upo. I made sure nakuhanan ko rin iyon. Naiinis man, hindi ko maitatago ang kakaibang saya sa tanawing iyon. Hindi lang pala ang pinkish sandbar ang maaaring maipagmamalaki ng islang iyon. Mayroon pang higit roon na atraksiyon. Ang puwet ng may-ari! Napangisi ako.

Bumalik lang sa kasalukuyan ang diwa ko nang maramdaman ang malamig na metal na nakatutok sa bandang dibdib ko. Tinabig ko agad ito.

"Bastos mo, a!" sigaw ko sa guwardiya. Kung bakit kasi sa pagitan ng dibdib ko pa tinutok ang mahaba niyang armas.

"Ay sori po!" sabi rin niya. Patay-mali.
"Alam mo bang maaari kitang kasuhan ng sexual harassment niyan?" sabi ko pa.

Nangunot ang noo ng mama. "Sexual harassment? Sa anong paraan kita hinaras, Miss?"

"Iyang armas mo! Kung saan-saan mo tinutututok!"

Umatras nang ilang hakbang ang guwardiya. "O, hayan. Okay na ba sa inyo, iyan?"

Tila ginagago ako ng guwardiyang ito, a! Teka, saan ito nakatingin? Sinundan ko ang malalagkit niyang titig. Nang masiguro kong pinagpipiyestahan niya rin ang mga duunggot ko, nilapitan ko siya't sinampal ng magkabilaan.

"Hoy! Bwisit kang babae ka!" Dinuru-duro niya ako ng armalite niya.

"O, sige! Barilin mo ako!" Ako na mismo ang humawak sa dulo ng armalite niya at tinutok pa ito sa dibdib ko. No'n naman lumitaw uli ang bosing niya.

"Why is she still here?" sigaw nito sa guwardiya. Nakabihis na ito ng puting t-shirt at itim na shorts. Tuyo na rin ang maikli niyang buhok.

"Boss, amazona po, e!"

Dali-daling lumapit sa amin si Morris San Diego. May bigat sa bawat hakbang nito. Hindi na ako naghintay pang maabutan niya. Dali-dali na akong bumalik sa dagat at lumangoy palayo sa isla.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now