CHAPTER NINE

10.2K 504 61
                                    

Groggy ako paggising kinaumagahan. Paano ba naman may isang Adonis na natutulog sa sala ko. Sige nga, ikaw nga. Mapapanatag ba ang kalooban mo knowing na ang isang taong pinagpapantasyahan ng buong bayan ay nasa loob lang ng pamamahay mo't nakahilata pa sa gusgusin mong sahig?

Teka. Masilip nga ulit ang lalaking iyon. Alas siyete na ng umaga. For sure, nakalayas na ang hunghang. Iyon pa? Hindi kaya siya sanay matulog sa matigas na higaan.

Dali-dali akong bumangon at nagsuklay ng buhok. Tiningnan ko muna ang repleksiyon ko sa salamin bago lumapit sa pintuan. Wala na'ng anino ng mokong. Tama nga ang kutob ko. Marahil ay hindi niya natagalan ang paghilata sa baku-bako kong sahig na nilatagan lang ng kupasin na luntiang linoleum. Baka nga pinandirihan pa iyon. Nagpalit pa ako ng damit. Kung alam ko lang disin sana'y hindi na ako nag-abala pang mag-bra inside my white t-shirt at magsuot ng lampas tuhod na puruntong.

Pahikab-hikab akong pumunta ng banyo. Naiihi kasi ako. Dalawang kamay ko pang kinamot-kamot ang ulo at bahagyang nakapikit ang mga mata dahil hindi ko pa sana gustong magising. Pagpihit ko ng seradura, bigla na lang itong bumukas.

"Ay belat!" sigaw ko sa pagkagulat. Si Morris nama'y napangisi, pero bigla niya itong sinupil. Nagseryoso siya't nilampasan pa ako. Sinundan ko siya ng tingin. Tanging ang kulay rosas kong tuwalya ang nakabalot sa baywang niya. At dahil may kaiklian ito, nagmukha na lang itong bahag sa kanya. Teka! Ang tuwalya ko!

"Hoy! Towel ko iyan!"

"Hiniram ko lang. Got nothing to use," pakli niya. Ni hindi man lang ako nilingon. Hindi ko naiwasang maglaway nang mabistahan kong mabuti ang umbok ng kanyang pang-upo. Sadya ngang isa siya sa iilang kalalakihang biniyayaan ng kaaya-ayang ----shit!

"What are you drooling at?" bigla na lang ay sita niya sa akin without looking at me. Nataranta ako. Bigla akong napaharap sa banyo at sa kamamadaling pumasok, nauntog ang noo ko sa pinto. Double shit!Ang sakit no'n a!

"Yeah, yeah. I'm on my way. Na-traffic lang ako. But I'll be there in a few minutes. Tell them to wait for me. Distract them if you can. I said, I'm on my way!"

Napalingon ako sa damuho. Nagsusuot pa lang ito ng boxer shorts niya tapos sasabihin sa kausap na on his way na raw? Ako naman ngayon ang napangisi. Akala ko kaming mga poorita lang ang gumagamit ng ganoong linya. Ang mga CEO rin pala?

Nang makita kong parang lilingon na naman siya kaagad ko nang isinara ang pinto.

"I knew you were looking at me. If you want to see more, just come out and I'll show you what you want to see," pahabol niyang sabi sa akin.

Aba, aba! Akala niya binubusohan ko siya? Ano ang tingin niya sa akin, peeping Tom? Mga panget lang ang gumagawa no'n! Ang isang diyosang katulad ko'y hindi na kailangang magpakababa pa nang ganoon! Bwisit siya!

Naghilamos muna ako at inayos ang hitsura sa salamin sa banyo. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid kong buhok. Yup, I got straight hair. Pero hindi ito thanks-beauty-salon-kind-of-straight hair. Natural ito. As in, NATURAL.

Nang masiguro kong wala na akong muta at napunasan ko na ang natuyo kong laway sa puno ng bibig, saka ako lumabas. Bibirahan ko sana siya ng maaanghang na salita kaso hayon na ang mokong at tumatakbo na palabas ng bahay. Mayamaya pa'y dumating ang bagong modelong Ashton Martin sports car at umibis ang nakabarong na may edad na lalaki. Umalis ito sa driver's side at lumipat sa kabila, sa gawi ng passenger's seat. Si Morris ang sumakay sa bandang inuupuan ng driver at siya nang nagmaneho ng sasakyan. Pinaarangkada niya ito at sa isang iglap ay naglaho na siyang parang bula sa teritoryo ko. I was so disappointed. Hindi ko man lang nabistahang mabuti ang kanyang hinaharap. When was the last time, I saw him---Pinilig-pilig ko ang ulo. Pinagalitan ko pa ang sarili sa kung anu-anong kapilyahang naisip. Hindi ako dapat nagkakaganito. Pinalaki ako ng mga magulang kong may takot sa Diyos. At alam kong lusting after a guy is a grave sin. I made a mental note to confess it the next time I go to church.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now