CHAPTER EIGHT

9.2K 499 43
                                    

Sumimangot ako nang matanaw sa hindi kalayuan ang isang tangkas ng tabloid. Kada taong dumadaan sa harap nito'y napapatigil at napapabuklat na nauuwi lahat sa pagbili ng naturang babasahin. Napailing-iling ako sa kanila. Bakit kamo? Dahil tingin ko sa tabloid, walang kuwenta. Ako ang taong hinding-hindi mo mapapabili nito.

Pagtingin ko sa relo, alas nuwebe pasado na. Kani-kanina lang ay alas otso y medya pa lang. Ibig sabihin, nakatunganga na ako roon nang mahigit kalahating oras. Saan na ba ang mga bus papuntang MOA? Kung kailan kinakailangan kong makasakay agad, saka naman walang napapadaang masakyan. Kung hindi ko naman kailangan, parang nagpaparada pa sila sa highway. Nakakaimbyerna! Mausok at maalikabok pa naman sa bandang Star Mall. Palagay ko, kung hindi pa ako makakaalis roon in five minutes mapupuno na ang baga ko ng alikabok at samo't saring usok ng tambutso.

"Talitha, 'asan ka na?" naiinis na tanong agad ni Barang pagkasagot ko sa tawag niya.

"On my way na. Hintay-hintay ka lang saglit. Na-trapik kasi, e."

"Okay. Paramdam ka kung malapit ka na. Halos nandito na lahat ang tropa. Ikaw na lang ang wala. Nakakainis ka. Sinabi ko naman sa iyong raket nga ito, e. Raket! Next time hindi na kami makikipag-collab sa iyong haliparot ka!"

Pinatay ko na ang cell phone habang tumatalak si Barang. Timing namang may biglang humintong bus sa tapat ng nagtitinda ng tabloid. Nakitakbo ako papunta roon subalit maraming mas nauna. Tinulak ako ng matabang ale at inapakan naman ang paa ng isang mamang harabas. Wala na. Napigtas na ang manipis na strap ng sandals ko kung kaya hindi ako nakasiksik paakyat ng bus. Bwisit!

Habang palinga-linga kung saan maaaring makabili ng tsinelas, nahagip ng mga mata ko ang headline ng tabloid. At tila may sumundot na kung anong matulis sa puso ko. Ang hapdi. Nakalimutan ko pang sira na ang sandalyas ko. Ang perang pambili sana ng tsinelas ay pinambayad ko sa tabloid. Halos hindi ako makahinga pagkatapos kong mabasa ang sinulat ng mga bading na gumawa ng isyu sa aming dalawa ni Morris noong nakaraang linggo lang.

Napa-double take sa akin ang tindera nang inaabot niya ang sukli. Saglit siyang pinangunutan ng noo. Tila inaalala siguro kung saan niya ako nakita. Mayamaya ay bigla na lang itong napasigaw ng, "Ay!!! Di ba ikaw si hot vlogger?"

Napatingin sa amin ang mga miron na nandoon. Nagbulung-bulungan sila. Nahiya akong bigla. Dinampot ko na ang sira-sira kong sandal at kaagad na lumayo roon.

**********

"Is this true?" tanong agad ni Moses nang mapadaan siya sa upisina ko nang umagang iyon. Nilapag niya sa desk ko ang tabloid. He looked worried. Tumigil ako bigla sa pagre-review ng bagong video game para pasadahan ang headline ng dala niyang babasahin at ganoon na lamang ang pagkagulat ko. Dalawang kamay ko na itong dinampot at binasa ang kabuuan ng artikulo. Noelle is pregnant?! What the fvck!

"Is she really pregnant?"

Hindi ko na sinagot si Moses. Kinuha ko ang cell phone sa loob ng drawer ng desk ko at tinawagan si Noelle. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Tinanong ko siya agad tungkol sa artikulo. Tila ikinagulat niya ang balita, pero hindi niya ako sinagot nang malinaw kung totoong buntis nga ba talaga siya o ano. Nang yayain kong magmeryenda muna kami sa labas nang mapag-usapan namin ang tungkol sa kalagayan niya, kaagad siyang tumanggi.

"I have a meeting with the parents today." Kindergarten teacher kasi siya sa isang British School sa Maynila.

"Cancel it. We need to talk."

"I can't. It was already scheduled for today. Will talk to you later, all right?"

Binaba agad ni Noelle ang telepono. Nang tawagan ko ulit, cannot be reached na. Fvck! Mas importante pa ba ang pakikipag-miting niya sa mga magulang ng estudyante niya kaysa sa kinakaharap naming problema kung sakaling buntis siya? I'm not ready to settle down yet! Wala pa iyon sa plano ko!

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now