CHAPTER THIRTY-FIVE

8.4K 505 37
                                    

Ibayong kaginahawaan ang naramdaman ko nang makita si Morris. Mga dalawang linggo ko lang siyang hindi nakita ngunit pakiramdam ko'y kay tagal naming hindi nagkasama. Naiyak ako talaga nang yakapin niya ako---kami ni Sierre. May kung ano ring humaplos sa puso ko nang hilahin niya sina Mimi at Quin at yakapin din nang mahigpit. Napamahal na kasi sa akin ang bruhitang ito at kahit minsa'y sobrang kulit at intrimidera'y mahal ko pa rin.

"How did you manage to find us?" naku-curious kong tanong nang humupa na ang kaguluhan.

"I saw someone's blog about you. I read the comments, put two and two together and it brought me here. Did they hurt you?"

May nangilid na luha sa mga mata ko. Hinawakan ni Morris ng isang kamay ang pisngi ko. Sinipat niya ang aking mukha. Pagkatapos naningkit ang kanyang mga mata.

"Did those bastards molest you?" mahinang-mahina ang tinig niya nang nagtanong sa akin. He seemed scared of what my answer will be so I vigorously shook my head right away.

"Walang gano'ng nangyari. Pero iyong dati mong nobya---"

"Ang sama-sama niya po, Kuya! Minura po niya si Ate ng kung anu-ano. Paano n'yo po nagustuhan ang babaeng iyon? Ang sama ng ugali! Dinuraan pa po niya si Ate, 'no!"

"Mimi," saway ko.

Hindi nagpaawat si Mimi. Habang nakaangkla si Quinn sa kanang tagiliran nito, minuwestra niya kay Morris kung paano ako dinuru-duro at tinadyakan ni Noelle.

"Pero hwag na po kayong magalit, Kuya. Lumaban naman po si Ate, eh. Katunayan nga po nang inagaw no'ng dati n'yong jowa ang aypon ni Ate sa mga kamay niya, hindi basta-basta bumigay si Ate. Nag-agawan po talaga sila. Kaso po bandang huli'y naagaw din po ng ex-jowa n'yo iyong aypon. Pinukpok niya sa noo si Ate no'n at binagsak pa niya sa sahig ang aypon tsaka tinapak-tapakan pa."

Tumingin si Morris sa akin na tila kinokompirma kung nagsasabi nang totoo si Mimi. Tumangu-tango ako sabay dukot ng iPhone ko sa bulsa. Napabuga siya ng hangin nang makitang puro crack na nga ang screen ng phone kong alam niyang katas ng mga vlogs ko noon.

"Is it still working?" tanong pa nito.

"Not anymore," malungkot kong sabi.

"It's just a phone. I'll just buy you a new one," pangako niya sabay halik sa sentido ko.

"Yehey! May bago nang aypon ang Ate."

Palihim kong pinandilatan si Mimi. Mukhang hindi man lang ito na-stress o na-trauma sa mga pinagdaanan namin sa kamay nila Noelle. Nagawa pang tumalon-talon sa tuwa. Napailing-iling na lang ang mga magulang ko.

Pagdating ng mga pulis sumabay na kami sa kanila palabas ng rest house ng mga Larrazabal. Dumeretso kaming lahat sa presinto para magbigay ng statement. Nagulat ako nang mapag-alaman kong pinsang-buo pala ni Noelle si Yna. Akala ko'y kaibigang vlogger lang kagaya no'ng magandang babae na kasama rin nilang nagpadukot sa aming mag-anak. Sa event pala nila Morris at Moses kami unang nagtagpo. Siya iyong seksing bababe na naglabas ng paa para matisod ako nang sa gayon ay makuha niya ang numero kong twenty-one na siyang nanalo ng GoPro Camera. Siya rin ang nagpauso ng palayaw ko sa vlogging world na Vlogger #21 to send a message to everyone that I was just a mere number---insignificant. Matindi rin pala ang galit niya sa akin. Nakadalawang taon daw muna kasi siya as a vlogger bago nakakuha ng sampong libong subscribers and to think na nagbabayad pa talaga siya ng video editor. Minsan nga pati cameraman pa. Samantalang ako'y sariling kayod lang lahat tapos in a month's time ay nagkaroon agad ng fifty-five thousand subscribers. Crappy daw content ng channel ko at ni hindi pa ginamitan ng video stabilizer iyong mga unang vlogs na kinagat ng netizens dahil cell phone lang ginamit kong pang-record ng video pero umani pa raw iyon ng a hundred thousand plus views in a week.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now