CHAPTER TWENTY-FIVE

8.4K 462 35
                                    

Parang ang tagal na naming naglalakbay, pero wala pa rin kaming tigil. Napapagod na ako. Saan ba ako dadalhin ng mga amoy durog na bayabas na ito?

"Boss, mukhang nawalan na naman ng malay ang bebot," ang sabi ng balbas-saradong hunghang nang makalapit sa akin. Tiniis ko ang baho ng hininga niya. Pinanindigan ko na ang pagtulug-tulugan. Natatakot kasi ako. Baka sampalin na naman ako ng tinatawag niyang boss. Nananampal na lang kasi ito nang walang kadahilanan.

Naramdaman kong may humawak ng pisngi ko. Isang magaspang na kamay. Tinampal-tampal niya ako at niyugyog pa. Hindi ako nag-react. Lalo kong pinikit ang mga mata. I didn't dare make silip gaya ng ginawa ko kanina. Baka dukutin niya ang mga mata ko kapag nalamang nagtutulug-tulugan lang pala ako. Mukha pa naman siyang halang ang kaluluwa.

"Hindi hinimatay iyan. Napagod lang kaya nakatulog," sagot ng feeling ko ay 'Boss' nila.

"Ano raw ba ang gagawin natin sa babaeng iyan?" tanong pa ni Balbas.

"Wala pang sinasabi si Ninong, pero kutob ko'y gusto niyang i-hold ang babaeng ito para parusahan ang hambog na San Diegong iyon dahil sa mga atraso nito sa kanya."

"Ay. Wala namang saysay itong pagpapakahirap natin sa pag-kidnap sa babaeng ito kung iyan lang din ang gagawin natin. Bakit hindi natin paglaruan muna habang hinihintay natin ang order sa itaas? Para naman exciting?" At tumawa ito ng tawa-manyakis.

Pinanlamigan ako. At nanginig ang buo kong kalamnan. Iniisip ko palang na dumantay ang mga labi ng bad breath na ito sa balat ko'y naduduwal na ako. How much more if it really happened?

Sinikap ko lang na huwag paapekto nang husto sa mga narinig. Baka mabisto ang pagkukunwari kong pagtutulug-tulogan at gawan na nga nila ako ng masama.

"Tanga! Huwag kang magpakamanyak diyan! Oras na malaman ni Ninong na may ginawa ka riyan, puputulin niya iyang itits mo at ipalunok sa iyo!"

Narinig ko pa ang tunog ng pagsapak ni 'Boss' sa kumag.

"Bakit, Boss? Interesado ba si Ninong sa kepyas ng babaeng ito?"

Hindi sumagot ang tinawag na 'Boss' dahil tumunog ang telepono. Meanwhile, nakaramdam ako ng pagduyan at hampas ng parang---wait! Nasa karagatan ba kami?

Dahan-dahan akong dumilat. Nag-iisa na lang ako sa isang silid. Inikot ng paningin ko ang paligid. May nakita akong maliit na bintana. Tumayo ako at sumilip sa labas. Tama nga ang sapantaha ko. Nasa gitna kami ng karagatan! Nag-panic na naman ang utak ko. I have to summon a lot of positive energies to keep myself calm and focused. Kailangang marating ko nang buhay ang kung saang nais pagdadalhan sa akin ng mga mababaho kong kidnappers. Para kay baby. At para kay...

Stop! Sa mga oras na ito, marahil ay nag-aalala siya sa iyo. Tama ka riyan. Pero bigyan pa siya ng isa o dalawang linggo pa. Makakalimutan ka rin niya. Ang dami yatang magagandang babaeng nagkakandarapa sa kanya. Hindi niya kailangan ang isang probinsyanang vlogger na aanga-anga kaya nahuli ng mga kidnappers!

Naisip ko ang maamo niyang mukha at nalungkot ako nang sobra. Bumaha rin ang mga alaala ko sa kanya nang sinundan niya ako sa probinsiya namin. Pati na ang mga kakatwang eksena sa ospital nang binisita niya si Papa. Hindi ko sukat-akalain na magiging alaala na lang siya sa akin.

May narinig akong papalapit na yabag. Nang maulinigan ko ang ingay sa labas lang ng pintuan ng silid kung saan ako naroroon, dali-dali akong bumalik sa inuupuang bangko at nagkunwari uling walang malay.

**********

"What do you mean you have no lead yet?" sigaw ko sa private investigator na pinaimbestiga ko sa pagkakawala ni Tala.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now