CHAPTER THIRTY-TWO

7.3K 410 56
                                    


Dahil may narinig na mga kaluskos sa veranda, nagdesisyon kami ni Mimi na magtago na. Pupunta na sana kami sa kabilang kuwarto nang may maulinigang ingay mula sa labas ng silid. May nakapasok na sa loob ng bahay namin!

"Ate, pumasok kaya tayo sa banyo? Baka mas safe tayo roon."

Niyakap ko nang mahigpit si Sierre. Saka hinalik-halikan ang kanyang pisngi. Naramdaman ko ang paghawak ni Mimi sa braso ko. Nanlalamig ang kanyang kamay. Hinihila niya ako patungo sa banyo. Nang tatalima na ako'y biglang may pumutok. Ang lakas ng sigaw ko ng, "Ay mamaw!" Napapiksi ang dalawang bata at nagpalahaw. Nang makita naming may bumubukas ng sliding door ng silid na nagko-connect sa veranda, tumakbo kaming dalawa kalung-kalong ang kanya-kanyang anak patungo sa banyo. Subalit naabutan kami ng mamang nakasuot ng itim na maskara a few meters away from our destination. Mata lamang niya ang nakikita namin. Ito siguro ang kasama ni Frennie kanina. Nakakatakot siya tingnan dahil bukod sa dalang shotgun ay may nakasukbit pang baril sa kanyang baywang. Hindi lang iyon. Nakapaikot sa kanyang dibdib ang spare bullets niya. Para bagang susuong talaga siya sa digmaan.

"Maawa ho kayo sa amin, Kuya! Huwag n'yo kaming saktan!" pagmamakaawa ko.

Inasinta niya ang dulo ng armas sa mukha ko. Umiyak lalo si Sierre.

"Tumahimik ka!" sigaw nito at tinutok ang shotgun sa ulo ng anak ko. Hinawakan ko ang ulo ng bata at iniwas ito sa dulo ng armas.

"Maawa ho kayo sa amin, Kuya! Wala ho kaming kasalanan!" si Mimi naman.

Nabaling sa kanya ang atensyon ng lalaki. Tinapunan siya nito ng masamang tingin. Sa muling pagmamakaawa ni Mimi tinutukan na siya nito ng shotgun. Halos natigil kami sa paghingang dalawa nang makita naming dahan-dahang gumalaw ang daliri ng mama sa gatilyo. Bago niya iyon makalabit parang upos na dahan-dahang nanlupaypay si Mimi. Buti na lang mabilis ang isang kamay ko sa pagsalo kay Quinn para hindi ito bumagsak sa sahig kasama ang ina.

Humalakhak ang mama. Ikinatuwa pa niya ang pangyayari. Demonyo talaga. No'n bumukas ang pinto ng kuwarto. Hindi na ako nagulat nang makita si Frennie. Tinanggal nito ang maskara at ngumisi siya sa akin nang magtama ang paningin namin. Hindi ako makapaniwala na ito ang masayahing bading na minsa'y nagpagulong sa amin ni Barang sa katatawa. Nakapag-collab ako nito sa kanya minsan para sa isang beauty product---sabong pampakinis ng kutis. Pero hindi na iyon nasundan pa dahil epic failed ang vlog naming iyon. Walang masyadong views. Mas lamang pa ang dislike kaysa like ng video. Ang daming followers ko nga ang nag-question kung bakit pumayag akong isama siya sa naturang endorsement deal. Ang concept sana namin ay gawing funny ang segment niya sa video. Marami naman kasing chakang bakla na nag-e-endorse ng mga beauty products nang pakwela. Kaso hindi umobra ang gimik naming iyon. Imbes na dumami ang sales ng produkto ay kumonti pa ito at hindi naibigay sa amin ang buong ipinangakong bayad. Dahil kami ni Barang ang nakipag-usap sa may-ari ng kompanya, inisip ni Frennie na ginulangan namin siya. We explained the situation to him and we thought he understood. But then here he comes...

"Well, well, well. Nagkita uli tayo, dear friend. Pasensyahan na, ha? Trabaho lang, walang personalan," naka-smirk niyang sabi sa akin. Nang makita niya si Mimi na ngayo'y dahan-dahan nang bumabangon, nagtaas ang kanyang kilay. "Sino etetch?"

Pagkakita naman sa kanya ni Mimi, napasigaw ito sa takot. Nainsulto si Bakla kung kaya minanduan nito ang kasama na turuan kami ng leksiyon. Inasinta ng mama ang lampshade sa di kalayuan. Sumabog ito at gumawa ng napakalakas na ingay. Tawanan silang dalawa nang makita nilang napatalon kami sa takot. Pati mga bata'y nasindak. Napalahaw sila lalo.

**********

Napag-alaman kong tinimbre ng mga kapitbahay namin sa pulisya ang pagdating ng hindi nila kilalang sasakyan sa tapat ng aming tahanan. Makaraan lamang daw ang ilang minuto ay dumating ang mga pulis. Hindi nila mapasok-pasok ang mansion dahil naka-lock ang gate at mataas pa ang bakod. Nag-alangan naman daw ang mga itong sirain ang tarangkahan dahil kung halimbawang false alarm lang ang lahat ay baka papanagutin ko pa sila sa salang trespassing. Dahil kilala ng hepe ng pulisya ang daddy, tumawag daw ito sa bahay. Pinaalam din ni Dad sa mga kuya ko ang nangyari kung kaya sumugod din sila sa Laguna.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now